1

2.2K 43 27
                                    

"Bespren! Ang cute ng labi mo, pakiss!" Pangungulit ni Chanyeol sa kaibigan. Naparolyo na lamang ng mata si Baekhyun at kumuha ng isang mansanas mula sa bowl ng mga prutas sa kusina. Matalim na tingin ang ibinigay kay Chanyeol. Tingin na halos tumusok at lumagpas sa buong katauhan ng isa.


"Chanyeol, pwede ba..? Hindi na ako natutuwa. Ano bang nakain mo at naglaho bigla 'yung cold na ikaw? 'Yung hindi ako kinakausap? 'Yung tuwing ako ang nangungulit at sinasapak ako. Hinahampas." Naiinis na sabi ni Baekhyun habang kumukumpas kumpas pa sa hangin. Napanguso na lamang ang isa. Pilit na nagpapacute sa kaibigan na hindi matinag at sinasamaan siya ng tingin. Kahit pa ramdam niya na gustong gusto na s'yang patayin nito ay pilit pa rin n'yang manatili sa harapan nito.


May nagawa nanamang kasalanan si Park Chanyeol sa isang Byun Baekhyun. Nasira nanaman ang lamp shade sa kwarto nila dahil niya at ngayon, pinagalitan siya ni Baekhyun at pinipilit na bumili ng bago pero sa sobrang tamad niya ay ayaw n'yang bumili hanggang sa umabot.. sa.. sitwasyong ito.


"Dali na. Pakiss. Ewan ko pero nakucute-an ako sa labi mo, bespren. They're just.. just so tempting." Tuloy pa ni Chanyeol at dahil sa inis ni Baek ay nilagay niya ng mansanas na hawak n'ya sa bibig ni Chanyeol at tumingin dito. Agad namang tinanggal ni Chanyeol ang mansanas sa bibig n'ya at napanguso na lamang. "Bespren naman." Reklamo n'ya.



BaekHyun



"Bespren naman." Sabi ni Chanyeol habang nakanguso. Mukha s'yang bibe, ang pangit n'ya. Ang kulit n'ya kasi. Ugh. Nakakainis. Maghapon na lang kasing puro pakiss pakiss pakiss pakiss pakiss ang narinig ko sa kan'ya. 'Ikisskiss' ko sa kan'ya yung cheese grater eh.


"Yoda, kita mo namang pulang pula na ako sa inis. Kanina ka pa kasing umaga. Ewan ko ba kung anong napakain sa'yo ni Kyungsoo at nagkaganyan ka, panis na ata yung kanin na kinaiin mo eh. Atska bumili ka na nung lampshade! Dapat kagaya nung nasira mo sa kwarto!" Kanina, pilit na kalma pero pakiramdam ko pulang pula na ako dahil iritang irita na ako sa kan'ya at malamang lamang, mamaya ay sasabog na ako. Hindi ko alam kung bakit ko s'ya naging bestfriend eh ang gulo n'ya. Minsan sobrang cold na halos hindi ako kausapin at kailangan ako pa ang mag-approach sa kan'ya minsan naman sobrang kulit.

"Ang cute mo nga magalit eh. Sige na. Atska, alam mo naman ako bespren. Tamad." At gumuhit ng linya gamit ang dalawang kamay niyang nakatuwid. "Bakit hindi ka dun sa inireto sayo? Ha? May gusto naman 'yun sa'yo at hindi 'yun tatanggi sa pangit na katulad mo." Medyo pasigaw na sabi ko at itinaas ang hintuturo sa hangin at dahil dun, nagbago ang mood n'ya. Ramdam ko 'yun. Mukhang nagkapalit na kami.


"Yun? Dun? DUN MO AKO IBIBIGAY, BAEKHYUN? Sa feeling close na maharot na babaeng 'yun? Kung siguro ikaw ang nasa kalagayan ko, siguro mas pipiliin mo pang makakuha na lang talaga ng halik mula sa akin kesa dun sa babaeng yun." Sabi n'ya at nainis naman ang itsura n'ya. Bilis magbago ng mood oh. At tama nanaman ang first Impression ko dun sa babae eh. Feeling close, maldita, maharot, lahat gusto n'yang mapasakan'ya.


"Heh."


"Naiinis na nga ako sa totoo lang." Sabi naman n'ya sabay upo sa sofa. Lumapit ako at ipinatong ang mga braso sa sandalan ng sofa. "Bakit?" Pagtatanong ko at humalumbaba. "Kasi..langya lang. Ayaw n'ya daw sa bastos edi yun, humingi pa ako sa'yo ng advice dahil dun. Edi ginawa ko, nagmukha na talaga akong manyak sa mga pinagsasabi ko pero t@e lang, hindi n'ya ata ako lulubayan." Sabi n'ya at napasabunot sa buhok n'ya. Napatawa na lang ako ng mahina at napangisi sa reaction n'ya. Ngayon ko lang ulit s'ya nakitang mairita ng ganito. Heh. mamaya, ibabato na rin n'ya 'yung phone n'ya.

ChanBaek : ConfusedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon