22

265 10 2
                                    

Umaga na't kagigising ko pa lamang. Ganun pa rin. Same old Baekhyun is Baekhyun. Walang mababago. Pakiramdam ko pa lang alam kong walang espesyal na mangyayari ngayong araw.

Sa pag-uunat unat ko ay napaisip ako. Ano nga bang dahilan kung bakit napakasaya ko tuwing kasama ko s'ya

Napagulo ako ng buhok at dumiretso ng banyo. Buti na lang may extra towel at toothbrush sa bahay na 'to. Mukhang pareho lang pala kami ni Chanyeol. Halos 3 rin ang bahay. Yung dorm, yung bahay ng buong pamilya namin at sarili naming mga bahay. Kung tutuusin, mukhang mas maganda 'tong bahay ni Chanyeol kesa sa'kin dahil medyo maliit pa yung akin kumpara dito sa kan'ya.

"Good morning." Halos napatalon ako sa gulat ng marinig ko ang boses n'ya. "Bakit ka nandito?" Tanong ko naman sa kan'ya. Eh malamang, ang aga aga eh manggugulat s'ya.

"Akala ko kasi tulog ka pa eh. Balak ko sanang gisingin ka." Napakamot ng ulo na sabi n'ya sa'kin. Napatawa na lamang ako ng mahina. Lumapit ako sa kan'ya at inilagay ang kamay ko sa balikat n'ya. He smiled kaya napangiti na rin ako. Ewan ko ba pero ang komportable ko pa rin kahit ang touchy namin sa isa't isa. "Well, good morning. What's for breakfast?" Tanong ko.

Hinawakan n'ya ang bewang ko at hinila papalapit sa kan'ya. "Bacon and eggs. May tinapay rin at kape. Mag-ayos ka na at bumaba ka na para sa almusal, hihintayin kita sa kusina." He smiled at hinalikan ang ilong ko. Hindi ko alam pero napapikit na lang ako at napangiti.

"See you downstairs, baby." Sabi n'ya at lumabas na. Napaharap ako sa salamin at nakita ang sarili ko na nakangiti. Agad akong bumalik sa katotohanan at mabilis na binuksan ang gripo at naghilamos. "Ugh.."

Ano bang mahika ang meron s'ya?

--xx--

"Good morning." Bati ko ng makababa na ako mula sa kwarto. Agad naman s'yang napabaling sa akin. "Good morning din." Ngiti n'ya. "Breakfast is ready. Come." Sabi n'ya ata agad na hinawakan ang kamay ko at inalalayan papunta sa lamesa. S'ya ang nag-usod ng upuan para makaupo at s'ya rin ang naglagay sa plato ko ng mga inihanda n'ya.

"You're a smiling face today, what's special?" Natatawang sabi n'ya at umupo na sa katapat na upuan. Ngumiti ako at umiling. "Dapat lagi kang ganyan. Ang cute mo." Sabi n'ya at naggesture pa na pinipisil n'ya ang pisngi ko.

"Naumpisahan ang umaga ko ng isang magandang regalo na natanggap ko eh." Naisipan kong pagtripan s'ya ng ganito kaaga. "Ano naman 'yun?" Tanong n'ya.







"Ikaw." Sabi ko naman at ipinatong ang ulo ko sa kamay ko habang hawak ang tinidor. Nagulat naman ako ng namula s'ya ng sobra at hindi nagsalita. "Hoy, Chanyeol." Tawag ko pero nanatili s'yang nakatungo.

"Hoy." Tawag ko ulit. Ngayon, ay tinapik ko ang balikat n'ya. Tumingin s'ya sa'kin. An idiotic smile forming from his lips. 'Wag kang ganyan, Chanyeol.

"Talaga?" Tanong n'ya ata hinawakan ang kamay ko. I nodded. The heck, hindi ko akalain na magiging totoo ang sinasabi ko. S'ya nga ang magandang regalo na natanggap ko.

"Wahehehey!" Napatalon kami ni Chanyeol dahil sa gulat at agad s'yang napabitaw. "P*cha Jongin, naturingang pulis pero daig pa ang magnanakaw kung pumasok ng bahay ng may bahay eh. Hindi maalam kumatok o magdoorbell manlang?" Napataas ng kilay na tanong ni Chanyeol.

"Naexcite ako pumasok eh. Ngayon lang ang chance kong makapasok sa bahay mo eh." Nakauniform pa 'yan at ready for duty na. Nakita kong pumasok naman si Kyungsoo. "Pati si Kyungsoo, kasama?" Tanong naman ulit ni Chanyeol. Tumango naman si Jongin.

Palinga-linga pa si Kyungsoo ng makapasok sa bahay. Nakauniform na rin at papunta na sa restaurant para magluto. Sa paglinga n'ya ay napatingin s'ya sa amin ni Chanyeol. Nanlaki nanaman ang mata n'ya.

"Juiceko! Yung mata mo Kyungsoo! Lalaglag!" Sigaw naman ni Chanyeol. Napatawa na lamang ako. Si Jongin naman, napatakip na lamang ng bibig at napatawa ng mahina.

"Awkward nga pala kami ngayon."

"Na-- na-- nakita--" Hindi na s'ya at tumuloy na palabas. Narinig na namin s'yang isinigaw ang pangalan ni Jongin. "O'sya, alis na kami. Bye bye." At agad ring silang umalis.

"May iba dun sa dalawang yun." Tawa ni Chanyeol. Napatingin ako. "Lagi silang magkasama. Parang tayo. Ano nga bang meron?"

To be continued...

Eto na lang muna. Wala talagang time para magupdate eh. Puro practice for cheerdance. Hahahaha! Saranghae. Goodnight.

ChanBaek : ConfusedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon