28

290 13 1
                                    

"Baekhyun!"















Nandito ako ngayon sa dorm. Sa play ground kanina, nawalan s'ya ng balanse at hindi maigalaw ang mga binti n'ya. Halos mangiyak-ngiyak na s'ya kanina dahil sa hindi n'ya maramdaman ang mga binti n'ya.

Matapos ang matinding pag-iyak ay nakatulog si Baekhyun. Tinitingnan s'ya ngayon nina Euhan at Raewook. "Appa, ano pong nangyari kay eomma?" Tanong ni Euhan. Tumabi ako sa kanilang dalawa ni Raewook. "Hindi ko rin pero alagaan natin s'ya para maging okay na si eomma, okay?" Sabi ko naman at tumango ang dalawa. Ngumiti ako at tiningnan silang hawakan ang kamay at braso ng natutulog na Baekhyun.

Narinig kong bumukas ang pinto at sumilip si Chen. "Chanyeol, ipinapatawag ka ni Yixing hyung." Sabi n'ya sa akin. Tiningnan ko muna sina Euhan at Raewool bago lumabas ng kwarto. "Bakit daw?" Tanong ko naman. Umiling s'ya at nanatiling tahimik.

"Chanyeol." Tawag sa akin ni Lay hyung at pinaupo sa tabi n'ya. Lumapit ako at umupo sa tabi n'ya. "'Wag ka sanang magugulat sa sasabihin ko." Paumpisa ni hyung. Kinabahan na ako. Anong sasabihin n'ya?

"Tinawag ni Raewook na eomma si Baekhyun kanina." Ngiti n'ya. Napahawak na lamang ako sa dibdib ko. "Hyung naman." Hinga ko. "Tinakot mo naman ako. Akala ko kung ano na." Tuloy ko.

Tumawa s'ya at hinawakan ang balikat ko. "Napakamatatakutin mo talaga. At isa pa. Dito, 'wag kang magugulat ah?" Sabi n'ya ulit. Kinabahan ulit ako. "Alam ko yung tungkol sa inyo ni Baek. 'Wag kang matakot. Pinagpapawisan ka na oh." Sabi n'ya dabay turo sa noo ko. Napabuntong hininga na lamang ako at napagulo ng buhok.

"Hyung naman kasi. Nananakot ka eh. Grabe. Kanina, parang halos gusto ko na lang na lumubog ako dito sa sofa." Sabi ko naman. Napatawa na lamang s'ya. "O'sya. Gabi na. Matulog na kayo ng mga bata." Sabi n'ya at tumayo. Hindi ko manlang namalayan na alas otso na pala ng gabi. "Sige hyung. Goodnight." Bati ko at saka pumunta sa kwarto. Pagkapasok ko ay nakita kong nakatulog na pala ang dalawang bata at si Baekhyung ang gising.

Nilalaro niya ang buhok ng mga bata at hinahaplos. Tuwang tuwa siya. "Baek." Agad ko s'yang nilapitan at niyakap. "Alam mo bang pinag-alala mo ako ng sobra. Ano bang nangyari sa'yo? Ha? Okay ka na ba? May masakit ba sa'yo--"

Bigla siyang tumawa ng mahina at hinawakan ang mukha ko. He caressed my cheeks before answering. "Okay lang ako. As long as nand'yan ka, okay ang lahat sa akin." Tapos itinuon ang noo n'ya sa noo ko.

"Oh, Baekhyun." Sabi ko at hinawakan ang kamay niya na nasa pisngi ko. "Tell me when you feel something wrong, okay? Nag-alala ako sa'yo ng sobra. Pati ang mga bata. Hindi sila umalis sa tabihan mo simula nung makatulog ka sa kaiiyak mo kanina." Paliwanag ko.

"Nakatulog na nga sila. Matulog ka na rin para makapagpahinga ka na. I'm sure na pagod ka." He said and he kissed the tip of my nose. Napangiti naman ako at hinaplos ang malambot niyang kamay. Itinabi ko sa kan'ya si Euhan at itinabi ko sa akin si Raewook. Since wala pa kaming extrang kwarto, magtitiis muna kami ng ganito hanggang sa lumipat na kami sa bahay ko because I'm sure na hindi maayos sa bahay ni Baek dahil maraming pwedeng masira.

Sa dami ng iniisip ko ay hindi ko manlang namalayan na nakatulog na ako.

--Lay--

Matapos ang pagbabasa at pagreresearch ko ay napasandal na lamang ako at napahinga ng malalim.

Baekhyun, bakit hindi mo sinabi?

Ngayon, natatakot akong sabihin sa kanila ang katotohanan. Napailing ako at napagulo ng buhok. Sasabihin ko ba o hindi?

Hanggang sa paghiga ko ng kama ay iyon pa rin ang tumatakbo sa isip ko hanggang sa bumigat ang mga talukap ko at nakatulog.

--xx--

"Good morning." Bati ko sa mga bagong gising. Nakapagluto na kami ni Kyungsoo at Kris hyung ng mga kakainin namin para sa agahan. Hinihintay na lamang naming magising ang iba at pumunta dito sa kusina.

Nakita ko namang pumasok na sina Chanyeol at Baekhyun kasama ang dalawang bata. "Okay ka na ba Baekhyun?" Tanong ko. Tumango naman siya at ngumiti. Ngumiti rin ako.

Paano pa s'ya nakakangiti ng ganoong katamis?

Tanong ko sa sarili ko. "Nasaan na ang iba?" Tanong ni Suho. "Hintayin mo, pupunta na rin 'yung mga 'yun dito sa kusina." Sagot naman ni Kris hyung.

Hinintay namin sila hanggang sa makumpleto kami. Para na rin kaming isang buong pamilya. Napakalaking pamilya kung tutuusin. Ngayon, may dumagdag pa. Napakasaya namin dahil nadagdagan nanaman ulit kami.

"Baek?" Napatingin naman ako kay Chanyeol at Baekhyun. Si Baekhyun, parang nahihirapang igalaw ang mga kamay niya at hindi makasubo.

"Ako na. Susubuan na kita." Sabi naman ni Chanyeol at kinuha ang kutsara ni Baekhyun. Pinilit ni Baekhyun na hindi s'ya subuan ni Chanyeol pero pinagtapusan ay nagpasubo rin naman siya.

"Ayieee." Pagloloko ni Chen. "Chen."

"Okay, titigil na po." Isang salita lang pala ni Umin hyung ay titigil na s'ya. Hahahaha! Nakakatuwa naman.

"Bakit ganun? Medyo napaalat ata 'yung luto sa soup?" Tanong ni Baekhyun. "Huh?" Sabay sabay nilang tanong at tinikman ang soup. "Hindi naman ah." Sagot ni Luhan hyung.

"Ah, ako lang siguro 'yun. Pasensya na." Ngiti ni Baek. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko at nakatitig lamang sa pagkain. "Lay hyung. Kanina ka pang walang kibo diyan. May problema ba?" Tanong sa akin ni Sehun. "Ah-- I'm not fully awake yet. Medyo inaantok pa ako eh kaya nagloloading pa ako." Sabi ko naman. Napatango naman siya.

Hindi pa sila handa pero kailangan kong sabihin sa kanila.

Itutuloy...

ChanBaek : ConfusedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon