7

522 19 3
                                    

--ChanYeol--


Langyang Baekhyun. Nasaan na ba yun?! Kanina pa akong tawag ng tawag sa kan'ya! Saan nanaman nagsususuot yun? Hindi nga pwedeng iwan yun ng walang kasama kapag lalabas dahil baka malamang maligaw yun. Tsk.


Tinawagan ko ulit s'ya pero walang sumasagot. Gusto ko nang itapon ang phone ko. Pero-- ah! Nasaan na s'ya? Nag-aalala na ako sa kan'ya. Bakit kasi ang aga aga, umalis na. Hinanap ko s'ya sa playground, park at bahay n'ya, pero wala. Habang nagtatatakbo ako sa kahahanap sa kan'ya, biglang tumunog ang phone ko. Napatigil ako at agad na kinuha ang phone ko, hoping it's Baekhyun but no, si Kyungsoo ang tumatawag.


"[Chanyeol hyung, hindi mo pa rin nakikita si Baekhyun hyung?]" Tanong niya mula sa kabilang linya. "H-Hindi pa." Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya. "[Nag-aalala ako kay Baekhyun hyung. Wala s'yang imik simula kanina tapos aalis na lang ng ganun ganun. Nagkaproblema ba kayo?]"


"Wala. Hindi. Malabo. Hindi ko talaga alam ang nangyayari sa kan'ya."


"[Hyung. Ingat ka ah. Maghahanap na rin kami.]" Sinabi ko na oo at tinapos na ang pag-uusap. Naglakad lakad ako at hinanap si Baekhyun. Hindi naman yun makakalayo eh atska hindi yun maglalayas ng walang gamit.


Agad naman akong dumiretso sa bar nila para tingnan pero kuya lamang niya ang nadatnan ko. "Hyung, nasaan po si Baekhyun? Pumunta po ba s'ya dito?" Tanong ko. "Hindi eh. Wala ba sa dorm n'yo?" Tanong n'ya sa akin. Umiling ako.


"Hayaan mo s'ya, uuwi din yun. 'Di yun makakalayo, kilala ko yun." Matawa tawang n'yang sabi. "Bakit mo nga pala naitanong?" Tanong niya bago ako umupo sa couch dito sa opisina. "Eh kasi naman hyung, ang aga aga umalis agad ng dorm. Eh tanghali na wala pa rin." Reklamo ko naman.


"Chanyeol, salamat ha?" Sabi naman niya. Napatingin na lamang ako sa kan'ya habang litong lito sa mga sinasabi n'ya. "Bakit naman hyung?" Tanong ko. Umayos siya ng upo at ipinatong ang kamay niya sa lamesa. "Kasi ikaw ang nandyan para sa kapatid ko. Natutuwa ako at may kagaya mo, n'yo, na kaibigan si Baekhyun."


"Hyung naman. Wala yun." Ewan ko ba kung naflutter ba ako o ewan eh. Ang weird lang, ano bang nangyayari? Bakit hindi s'ya nag-aalala? Bakit? Kapatid na n'ya 'yung nawawala eh. "Eto Chanyeol, pinagkakatiwalaan kita at umaasa ako na aalagaan mo ang bunso namin. Naalala ko pa na nagpanggap s'ya na anak na babae nina mama. Dalaga namin yun, alagaan mo. Kung hindi, basagin ko 'yang mukha mo."


Napatawa na lamang ako. Naalala ko yung kwento ni Baekhyun. "Yung kuya ko at ako...seven years ang agwat ng edad namin. At syempre ako yung bunso, nag-act ako bilang isang anak na babae na nahirapan ako. Kaso nadala ko hanggang ngayon."


Nagtagal pa ako ng konti bago umalis. Alas dos na ng hapon at nagapasya muna akong bumalik sa dorm. Umaasang nakabalik na si Baekhyun doon. Pero wala akong nadatnan kundi ang mga nag-aalalang kaibigan. "Chanyeol hyung." Tawag ni Kai pagkapasok na pagkapasok ko ng pinto.


"Ano? Nakita mo na ba si Baekhyun?" Nagaalalang tanong ni Suho hyung. Tiningnan ko silang lahat ng diretso saka pumikit at umiling. "Saan naman kaya nagsusuot yung batang yun." Napagulo na lamang ng buhok si Kris hyung. Napaisip ng malalim ang iba at nagkatinginan. 

ChanBaek : ConfusedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon