3

771 22 5
                                    

Agad akong lumabas ng bahay sakay ng bike para makipagkita kay Lexie. Nang makarating ako sa park, napansin ko s'ya sa pamamagitan ng pagkaway kaway n'ya. "Chan~!" Gusto ko s'yang sagasaan kung nakamotor o nakakotse lang ako ngayon. Agad ko naman s'yang nilapitan. "Ikaw Chanyeol ah? Pinaghint--"


"Lexie, tama na nga." Sabi ko sa kan'ya. Bigla namang nag-iba ang itsura ng mukha n'ya. Nalilito na medyo galit. "'Wag mong idamay sa sina Suho hyung, Kris hyung at Baekhyun. Para kang ewan na hindi kaya pagsabihan ng isang beses. Para kang bata."


"Now, now Chan."


"Don't call me Chan. I didn't gave you a permission to call me that way."


"Okay. Chanyeol, sheesh ang arte. Pwede ba? Ilabas mo 'yang tapang mo. Nagsumbong ka pa sa Baek ba yun!? Hah! Ang duwag mo! Natatawa ako sa kan'ya ah? Gusto ko s'yang makausap ulit." Ako pa ang maarte? Kapag talaga.. ako, hindi nakapagtimpi sa babaeng 'to, uuwi ako sa bahay para kunin 'yung kotse at sagasaan talaga s'ya. Hindi ako magdadalawang isip.


"'Wag na 'wag mong idadamay si Baekhyun sa usapan." Seryoso kong sabi. Nginitian n'ya ako, "Oh."


"Layuan mo na ako, kami. Lubayan mo na kami kung ayaw mong may gawin akong masama sayo." Malamig kong sabi. Tiningnan ko din s'ya ng masama. Napangisi naman s'ya.


"Ano? Patayin mo ako? Psh. Kayang-kaya kita--"


"Worst than that. I don't know if you're actually willing to be killed right now. Hinding hindi nila makikita ang katawan mo oras na magawa ko 'yun." Pagpuputol ko sa kan'ya. Magsasalita pa sana s'ya pero agad akong sumakay ng bike at pumidal paalis.


[Baekhyun's POV]



"Baek?" Rinig kong tawag sa akin ngunit hindi ko kilala kung sino. Nagulat ako ng biglang pumalakpak si Seulgi sa tapat ng mukha ko. "Hm?" Responde ko. Nagulat ako pero nakabawi rin naman agad pagkatapos ng ilang segundo.


"Ayos ka lang ba?" Tumango ako bilang sagot sa tanong niya. "Sure?" Pagsisigurado n'ya. Tumango ulit ako. "Mukha kasing malumbay ka ngayong araw. Gusto mo bang umuwi ka na lang sa dorm n'yo? Ayos lang ako kasama sina Joy." Ngiti naman n'ya. 'Yung ngiting nagbibigay ng kasiguraduhan pero ayaw kong umuwi.


"Hindi. Ayaw ko rin pa namang umuwi kaya sasama muna ako." Sabi ko habang nakangiti. Napabuntong hininga naman s'ya at tumango ng marahan.


Ano kayang nangyayari kay Chanyeol ngayon?


--xx--


Ah.. t*e. Ang sakit ng likod ko. Hindi talaga ako pwede sa mga malalayong lakaran. Nakakapagod ang trabaho ngayon sa opisina ng bar, leche. Puro reklamo at gulo. Agad naman akong dumiretso ng dorm. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay wala akong naririnig ngunit isang magandang melodiya lamang. Tunog ng isang gitara.

ChanBaek : ConfusedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon