23

290 13 0
                                    

"Lagi na lang ata tayong sinundan ni Jongin eh. Ano bang meron yun at lagi na lang tayong natunton?" Tanong ni Chanyeol sa akin. Napakibit balikat na lamang din ako.

"At mukhang hindi pa rin nakakaget over si Kyungsoo dun sa nakita n'ya. Plus, yung dalawang yun. Lagi silang magkasama."

"Ano ka ba, lagi lang nagkasama, meron na kagad na namamagitan sa kanilang dalawa?" Tanong ko naman. Naparolyo naman sila ng mata at kumibit balikat. "Bibili lang ako sa Convenience store, nay ipabibili ka ba?" Tanong n'ya sa'kin. Umiling ako at ngumiti.

"Maiwan muna kita dito. See you later." At lumabas na. "Bye bye, ingat." At lumabas na s'ya ng bahay. Hmm, ano kayang magawa?

Ginala ko na yung buong bahay at wala akong magawang pwedeng gawin until makapasok ako sa isang kwarto. Madilim kaya binuhay ko yung ilaw. "Whoa..." I gasped. "Music studio?" Oo, music studio nga. Hindi ko alam na may ganito rin pala s'ya dito sa mismong bahay n'ya. Akala ko sa dorm lang meron s'yang ganito.

"Hmm." Iginala ko ang tingin ko. Nakita ko yung electric guitar n'ya. Yung gitara n'ya, yung bass. Hindi naman ako maalam tumugtog dun. Wala din akong magawa. Pero not until makita ko yung isang piano keyboard. Agad kong nilapitan.

Dahan dahan kong pinindot ang isang key. Napangiti naman ako. It's been ages since I the last time I played a piano or piano keyboard. Umupo ako at tumugtog.

Chanyeol

Nakalimutan ko ang wallet ko.. t@e. Agad akong bumalik ng bahay para kunin. Pagdating ko ay wala akong naabutan sa sala. "Baek?" Tawag ko. Walang sumagot. Nasaan s'ya?

Hinahanap ko na s'ya sa sala, kwarto na tinulugan n'ya, kwarto ko at kusina pero wala. Maging sa C.R. wala. Habang hinahanap s'ya, nakarinig ako ng magandang melodiya mula sa music studio ko.

Don't tell me na s'ya ang tumutugtog? Tanong ko sa sarili ko. Kung s'ya yun, wow. Matahimik akong dumiretso sa music studio ko at binuksan ang pinto. S'ya nga.

"Hmm." Rinig kong pag-iisip n'ya. "Ah!" Then he snapped his fingers before playing. Teka, buhay yung recorder? Nakalimutan ko ba yun?! Pero sige lang. Ayaw ko s'yang istorbohin.

Nagsimula s'yang tumugtog. Nakakagaan ng pakiramdama ang tinugtog n'ya. Pasalamat na lamabg at buhay ang recorder. Narerecord n'ya lahat ng tinutugtog ni Baekhyun. Matahimik ko s'yang pinanood. Hindi manlang n'ya ako napansin. Masyado s'yang nalunod sa musikana ikinatuwa ko naman dahil sa mas lalo s'yang nawili, mas madami s'yang matutugtog.

"Andwaeyo~ it's my turn to cry~" Nagulat ako sa bigla n'yang pagkanta. Saan nanggaling yung kantang yun? S'ya ba ang nagcompose nun?

Patuloy lang s'yang kumanta at ako'y nakinig na lamang hanggang sa matapos s'ya. Dahan dahan at tahimik akong lumabas ng studio at dumiretso sa kwarto ko. Kinuha ko ang wallet ko. Mamaya ko na papatayin yung recorder. Bibilisan ko na lang sigurong bumalik.

Baekhyun

Narinig ko ang malakas na pagsara ng pinto sa sala. "Huh? Bumalik si Chanyeol?" Tanong ko sa sarili ko. Lumabas ako mula sa studio at ginala ang buong bahay pero I found nothing. Wala s'ya. Imagination ko lang siguro o baka naman bumalik nga s'ya pero hindi ko narinig kasi masyado akong nalunod sa kanta?

Napailing na lamang ako at dumiretso ulit sa studio. Gusto kong balik-balikan eh. Ang sarap mapalibutan ng instruments.

Inilibot ko ulit ang tingin ko at nakita kong bukas ang recorder. Naka-on yun? Pasalamat na lang at maalam ako. Pinatay ko na lang agad. Naiwan n'ya sigurong buhay.

Sa paglibot ng tingin ko ay isang bagay ang nakanakaw sa atensyon ko.. isang glass box na may nakatayong prince. Yung prinsipe, mukhang nay kasayaw s'ya pero nasaan?  Nilapitan ko 'yun dahil medyo nalilito ako.

Pamilyar. Masyadong pamilyar ang maliit na pigura. Pinagmasdan ko pa ng mas matagal.

Ngayon..alam ko na.

Wala kay Taeyeon o kay Seulgi o kahit sino sa parte ng pamilya ko ang prinsipe..

kay Chanyeol ibinigay ang prinsipe.

Ito 'yun. Bakit nga ba iba ang iisipin kong malapit sa'kin eh s'ya na ang pinaka malapit sa'kin.

"Baek?" Agad akong napatingin sa pintuan at nakita doon si Chanyeol. "Kanina ka pa dito sa studio?" Tanong n'ya sa'kin. Tumango ako. Sinenyasan n'ya akong lumabas na at agad ko rin namang sinunod. "May titingnan lang ako sa loob ng studio. Dito ka lang." Sabi n'ya sa'kin. Tumango na lang. Pwede namang pumasok na lang s'ya kanina kesa sa pinalabas pa n'ya ako. =_=

Madali lang naman talaga pala s'ya dun sa loob kaya hindi rin naging matagal ang paghihintay ko. "Bumili nga pala ako ng ice cream at pepero. Favorites mo." Napatingin naman ako sa kan'ya. Eh wow? Bakit?

"Naisipan ko lang bumili. Since nandito ka, let's stay here for a little long time. Isipin mo na lang na ikaw ay nasa sariling bahay mo." Sabi n'ya sa'kin. That made me think for a little while before I got what he meant. Tumango na lang ako at dumiretso sa sala.

"Bespren.." napatingin ako sa kan'ya. Binigyan ko s'ya ng nagtatakang tingin. "Uh.. 'diba.. sinabihan kita ng 'I love you'?" Tumango ako.

"Alam ko namang nagbibiro ka lang. Bakit mo naitanong?" Tanong ko naman sa kan'ya. Napakamot s'ya ng batok, uulo at braso. He kept fidgetting until I broke out. "Anong gusto mong sabihin?" Hindi naman ako naiinis pero nainip lang.

"Uhm.. ngayon. Maniniwala ka bang.. kapag sinabihan kita ng I love you, seseryosohin ko na?" Natigilan ako sa tanong n'ya. Pfft. Anong ibig n'yang sabihin?

"Nevermind that. Eto," Inihagis n'ya ang isang paper bag. "Pepero lang ang laman n'yan. Nasa freezer ang ice cream. Kainin mo kung gusto mo." Sabi n'ya at ngumiti. Tumango ako. "Sige. Maiwan muna kita dito sa sala." Sabi n'ya at pumasok na ng kwarto n'ya.

Ano bang ibig sabihin n'ya kanina?

To be continued...

Okay. Wala na. Sabog.

ChanBaek : ConfusedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon