30

277 10 2
                                    

"[After the tests and examinations I've done. By just look at Baekhyun, I tested him. Chanyeol, Baekhyun's diagnosed with brain cancer. Halos isang taon na. Hindi ko alam kung magagamot ko pa ang ganyang kaso ng sakit.]" Pagkatapos kong marinig iyon ay tila tumigil ang mundo ko. Hindi ako makapagsalita o makagalaw manlang.

"[Ang pagkawala n'ya ng balanse, hirap sa paggalaw ng ilang parte ng katawan n'ya, pagsusuka, pagkahilo o pagdodoble ng tingin. Lahat 'yon dahil sa sakit n'ya. Nalaman ko lamang iyon nung isang linggo. Hindi ko inakala na tama pala ang hinala ko.

Hindi ko alam kung magagawa pa nating ipagamot at magamot si Baekhyun sa kondisyon n'ya ngayon. I'm sorry, Chanyeol.]" Pakiramdam ko ay nawasak ang buong mundo ko sa sinabi n'ya. Nakatingin lamang diretso. Tulala. Naramdaman ko ang mainit na likido na tumulo mula sa mata ko pababa ng pisngi ko. Hindi ako makapaniwala.

Ilang taon ko na s'yang kasama at ngayon ko lamang 'yun napansin? Oo. Lagi s'yang nawawalan ng balanse. Tuwing pagkatapos ng mahihirap na gawain, nasusuka s'ya. Hindi s'ya humihinga minsan na ikinatakot ko at napagalitan ko pa s'ya dahil sabi n'ya naglalaro lang s'ya. Ang paggalaw ng mga daliri n'ya ng hindi n'ya alam. Pagsakit ng ulo n'ya at pagdodoble ng tingin. Bakit hindi ko iyon nakita?

Walang tigil na umagos ang luha ko at pilit kong pinigilan. Kinagat ko ang labi ko at napaupo na lamang habang nakasandal sa pintuan. Akala ko lahat ng ginagawa n'ya ay walang dahilan. Lahat, laro. Ang iba, nagkataon lang. 'Yun pala, lahat may dahilan.

Nahuli ako. Baka mawala lahat sa akin. Hindi pwede. Makakaligtas s'ya. Alam ko 'yun. Si Byun Baekhyun pa ba? Susuko? Malabong mangyari 'yan. Lumaban ka para sa'kin Baekhyun. Lumaban ka para sa'min.

--xx--

"Chanyeol-ie!" Tawag ni Baekhyun sa akin. Tiningnan ko s'ya at napangiti. May hawak s'yang puti at pulang rosas. "Para sa'yo oh." Sabi niya sa akin at iniabot iyon. Lumawak ang ngiti ko. Hinawakan ko ang kamay n'ya na hawak ang mga rosas.

"Hindi ba dapat ako ang nagbibigay n'yan sa'yo?" Tanong ko. Napatawa na lamang s'ya ng mahina. "Ako ang nanliligaw eh, dapat ako." Tuloy ko pa. Napanguso na lamang s'ya.

"Dapat ako rin." Sabi n'ya. He snapped his fingers. "Ah! Alam ko na! Dapat liligawan natin ang isa't isa para fair." Suggest n'ya. Napatawa ako at ginulo ang malambot n'yang buhok.

"Sige ba." Sang-ayon ko naman. Ngumiti s'ya ng pagkakalapad-lapad at niyakap ako. "Pangako, hindi mo ako sasaktan?" Tanong n'ya. Niyakap ko rin s'ya at sumagot. "Opo. Promise."

Biglang nagbago ang ekspresyon n'ya. Biglang nanlambot. "Bakit?"

"Kasi.." hinintay ko ang sagot n'ya habang tinitingnan s'ya ng maayos. "Handa kang pumasok sa panibagong relasyon pero hindi pa rin kayo naghihiwalay ni Dara. Parang ako 'yung lumalabas na.." hindi na niya naituloy ang sinasabi n'ya at napatungo. "Oh, Baek." I chuckled.

Napatingin s'ya sa akin. Ang mga kilay ay nagsasalubong at napanguso. "Bakit ka ngingiti-ngiti d'yan?" Tanong n'ya sa akin. Tumawa na lamang ako ng mahina at sabay nakaw ng halik sa pisngi n'ya. "Matagal na kaming wala ni Dara." Nagbago nanaman ang itsura ng mukha n'ya.

"Wala na kayo? Grabe, sayang naman. Bagay pa naman kayo." Natawa na lamang ako at ginulo ang buhok n'ya. "Ikaw talaga. Ang gulo mo." Natigilan ako ng maalala ko ang sinabi ni Lay hyung.

"Baekhyun, okay lang sa'yo na magpacheck tayo bukas kay Lay hyung? O kahit sa isang araw?" Tanong ko sa kan'ya. Tumingin s'ya ako na tila naguguluhan. Itinaas niya ang isa n'yang kilay at nagtanong. "Bakit?"

"Ha? Ah, kasi wala lang. Pacheck natin kung bakit laging nahihilo ka atska 'yung pagsakit ng ulo mo, dumadalas." Sagot ko naman. Para matest ka na rin. Gusto kong sabihin. Hinintay ko responde n'ya sa sinabi ko. Tumango na lamang s'ya bilang sagot. Ngumiti ako.

"Teka, sina Euhan ba?" Tanong n'ya sa akin. "Nasa kwarto, natutulog." Sabat turo sa loob ng bahay. Napatango na lamang s'ya. Ngumuso ako. Tiningnan n'ya ako. Binigyan ng nagtatakang tingin. "Bakit?"

"Kiss." Sabi ko sabay ngiti. Tinakpan n'ya lamang ang mukha ko. "'Wag ka nga, Yoda. Ayaw ko." Sabay tawa niyang sabi. Natatawang tinanggal ko ang kamay n'ya sa mukha. "Mahal po kita. 'Wag kang ganyan." Sabi ko at napatawa na lamang din.

'Yung mga ngiti at tawang 'yun. Paano pa n'ya nagagawang makatawa at makangiti na para bang walang mali sa kan'ya? Paano?

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay n'ya. Nagulat naman s'ya sa bigla kong ginagawa. "Bakit?" Tanong niya. Umiling ako at tiningnan ang kamay n'ya. Itong kamay na hawak ko, hindi maaaring mawala ang may ari nito, hindi ako makapapayag. Ikamamatay ko.

"Weirdo."

"Mahal mo naman."

"Sobra." Iba talaga ang epekto kapag s'ya ang nagsasabi. "Woy! Hahahaha! Anong itsura 'yan Chanyeol!" Tawa n'ya. Nagpalinga linga ako. "Bakit? Ano ba itsura ko?" Umiling s'ya at pinisil ako pisngi ko. "Wala. 'Yung itsura mo? Cute." Nag-init ang mukha ko sa sinabi n'ya.

"Hay, ang cute mo talaga." Sabay halik sa dulo ng ilong ko. Ngumiti na lamang ako. Ramdam pa rin ang pamumula ng pisngi ay hinayaan ko na lang. Napakasweet ni Baekhyun. Cold nga lang sa iba.

"Yah! Raewook, punta muna ulit tayong kwarto. Hehehe hi eomma! Hi appa! Tuloy n'yo lang po 'yan!" Natawa na lamang kami ni Baekhyun.

"'Yung totoo Baekhyun? Matanda na ba si Euhan?" Tawa ko. "Napapaisip na nga din ako eh."

--xx--

Ang bilis ng araw. Bakit ganun? Ewan ko kung ako lang ba o sadya 'yun. Natatakot tuloy ako.

"[Hindi ko alam kung magagawa pa nating ipagamot at magamot si Baekhyun sa kondisyon n'ya ngayon. I'm sorry, Chanyeol.]" Ang mga salitang 'yun. Ano bang ibig sabihin n'ya? Na wala nang pag-asa? Meron pa 'diba?

Tiningnan ko si Baekhyun na natutulog sa kama. Mahimbing na ang tulog n'ya. Napangiti ako dahil sa itsura niya. Nakaawang ang bibig n'ya at nakatakip sa mata niya ang iilang hibla ng buhok. Ang inosente niyang tingnan.

Nakatingin lamang ako sa kan'ya at hindi namalayan na nakatulog na ako.

Itutuloy...

ChanBaek : ConfusedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon