27

285 12 0
                                    

"Good morning eomma!" Hindi ko pinansin si Euhan. Hindi naman ako ang ginigising n'ya. "Eommaaaa!" Pang-gigising pa n'ya. Then it hit me.

Ako nga pala ang magiging eomma ni Euhan.

Agad akong napaupo at tiningnan ang bata. Nanlaki ang mata ko. Totoo ba 'to?! Bakit may batang kamukha ni Seulgi dito sa dorm?!

"Uh.. Baekhyun." Napatingin ako kay Chanyeol sa kabilang kama. "Sino yung bata?" Tanong niya. Gulat akong kumibit balikat at tiningnan ang bata. "Kamukha n'ya talaga si Seulgiiiii." Pabulong ko sabi at napapikit ng mariin at napapisil sa pisngi ko.

"Tara na eomma. Naghanda si tito Kyungsoo nga agahan. Raewook, ikaw na bahala kay appa ah?" Sabi ni Euhan kay Raewook daw. "Opo." Sabi ng bata at pumunta kay Chanyeol. Hinila naman ako ni Euhan pero kinulit ko muna. Napansin ko namang nakatingin si Chanyeol sa amin habang kalong-kalong si Raewook.

"Anong tinitingin-tingin mo, Yoda? Ah?" Tanong ko. Umiling naman s'ya habang nakangiti at tumayo habang karga si Raewook. "Tara na sa kusina." Tawa n'ya. Tumayo na rin kami ni Euhan at sumunod kay Chanyeol.

--xx--

"Pamangkin sa pinsan 'yan ni Seulgi kaso daw, walang mag-aalaga kasi may sakit ang nanay n'ya at sina Seulgi naman ay mag-aalaga sa may sakit nilang pinsan at naalala ka n'ya at since nandito si Euhan, may playmate na 'yung bata. 'Diba Euhan?" Sabi ni Suho hyung. Buti naman at ipinaliwanag na nila dahil naguguluhan na talaga ako kanina.

"Ah, kaya pala." Sagot naman nitong si Chanyeol. Napatango na lamang ako at kumain ng tinapay at tiningnan si Euhan na kumakain ng cereal sa tabi ko. Napatingin naman ako kay Chanyeol na sinusubuan ng sausage ang batang si Raewook. "Teka teka. Picture nga." Sabi ni Lay hyung sa amin. Nagsitayuan naman sila at si Lay hyung ay isinet na ang na ang timer. Phone lang ang ginamit n'ya kaya front cam ang ginamit namin.

Napatingin ako kay Euhan na nakangiti na sa camera. Kay Chanyeol at Raewook na handa nang kunan ng litrato. Ngumiti ako at hinintay ang timer.

At sa wakas, nakuhanan na kami ng litrato. "'Yan." Ngiti ni Lay hyung. "Ang cute lang kasi ng mga kaharap ko. Pakiramdam ko, may kaharap akong isang perpektong pamilya." Tuloy pa n'ya. Napangiti naman ako at napatingin kay Chanyeol.

"Nakangiti oh. Iba talaga 'pag inlove 'no?" Sabi naman ni Jongdae. Sinamaan ko na lang s'ya ng tingin at nagpatuloy sa pagkain. Nakatingin lang ako sa kan'ya ng ganun until he squirmed. "'Wag ka ngang ganyan, Baek. Nakakapanibago."

"Anong ibig sabihin mong nakakapanibago?" Naguguluhan kong tanong. Umiling na lang s'ya. "Hindi nga, ano 'yun?"

"Ibang iba ka na talaga kasi. Pasensya pero..nagbago ka." Diretso n'yang sabi. Napangiti na lang ako. "Hindi mo na kailangang mag-sorry. Alam ko naman." Sagot ko. Nagbago nga talaga ako. Isang malaking tanong kung bakit. Hindi ko rin alam.

Chanyeol

Nakangiting nakangiti si Baekhyun ngayon. Ngiti palang n'ya, nakakadala na. Ang cute n'ya talaga.

Yung sinabi ni Chen kanina, totoo pero si Baekhyun? Nakangiti n'yang tinanggap. Siguro'y alam na niya ang totoo. Hindi na s'ya natatakot na harapin ang katotohanan.

"Yoda." Tawag n'ya sa akin. Napatingin ako tapos ngumiti lang s'ya. 'Yun lang. Ngumiti rin ako. Basta, bawat araw, mas nagiging cute s'ya. Ewan ko kung bakit. Siguro dahil sa mahal ko s'ya. Corny. Hahahaha!

"Eommaaaaa." Tawag ni Euhan na naglalaro sa phone ni Baek. Nilapitan niya si Euhan at tiningnan ang nilalaro ng bata. S'ya ang in charge kay Euhan at ako naman kay Raewook.

Medyo malikot si Raewook at talagang kabaliktaran ni Euhan. Kung si Euhan ay matahimik, napakadaldal naman ni Raewook. Nakakatuwa kasi sa liit ng boses n'ya, eh sa ikinalawak naman ng imagination n'ya.

Bawat oras may ikukwento s'ya. Kahit hindi ko maintindihan, pinipilit ko na lamang na intindihin para masaya s'ya. Gusto kong makitang masasaya ang mga bata. Lali na pag napamahal ka na agad.

Mabait rin naman pero medyo maldita lang hahaha!

"Tito. Bakit po eomma ang tawag ni eonni kay Tito Baek?" Tanong n'ya sa akin. Napatawa na lamang ako ng kaunti. "Kasi sabi nung tunay na nanay ni eonni mo ay ang eomma daw muna ni Euhan ay si tito Baek mo." Sagot ko naman. Napatango na lamang ang bata.

"Bakit naman po appa ang tawag n'ya sa inyo? Kayo po ba ang asawa nung tunay n'yang eomma?" Tanong ulit ni Raewook. Tumawa na talaga ako. "Hindi." Sagot ko. "Ano pong nakakatawa tito?" Tanong n'ya. Umiling lang ako at inayos ang buhok ko.

"Ehh eomma. Paano po ito?" Tanong ni Euhan. Naglalaro pala sila ng puzzle at medyo naguguluhan si Euhan. Napakamot na lamang ng ulo si Baekhyun at itinuro kung saan ilalagay.

Napangiti naman ako sa nakikita ko. "Uh, Euhan. Kayo muna ni Raewook ang maglaro ah? Papabantayan namin kayo kay Tito Minseok at Tito Jongdae ah? 'Wag kayong malikot." Sabi naman ni Baekhyun sa dalawa. "Opo!" Masiglang sagot ng dalawang bata. Masayang tumayo si Baaekhyun at hinila na ako palabas ng kwarto.

"Umin hyung! Chen! Kayo muna ang bahal kina Euhan! Lalabas lang kami!" Sigaw n'ya bago kami tumakbo palabas ng dorm. "Ano?!" Sigaw ni Chen pero nahila na ako ng tuluyan ni Baekhyun palabas ng dorm.

Tumakbo na rin ako habang hawak ang kamay n'ya hanggang sa tumigil kami sa playground. Hinihingal na inilagay ni Baekhyun ang kamay n'ya sa bewang n'ya habang nakangiti.

"Surprise! Hindi na ako nagsusuka matapos ang takbuhan." Sabi naman n'ya sabay ngiti. Ngumiti rin ako at ginulo ang buhok n'ya. Pumunta naman s'ya sa swing at umupo. Sumunod naman ako at umupo rin sa katabing swing.

"Kayo pa ba ni Dara?" Paumpisang tanong n'ya. Napatingin naman ako sa kan'ya. Hindi ko alam ang isasagot ko. "Silent means yes." Ngiti n'ya sabay tingin sa langit. Naalala ko ang oras na hinalikan ko s'ya sa burol na pinuntahan namin.

Hinawakan ko ang kamay n'ya. "I'm sorry. Pero pinaplano ko nang makipaghiwalay. Hindi ko lang alam kung paano.." Sabi ko sa kan'ya. Tumingin s'ya sa akin at sa ngiti n'ya iyon..

Masasabi kong may hindi tama.

Itutuloy...

ChanBaek : ConfusedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon