14

416 13 1
                                    

Baekhyun


Nginitian ko s'ya bago sarahan ang pinto. Pumunta ako sa kwarto na kung nasaan si Euhan. "Baby?" I called. She looked at me and I smiled. "Baby, punta ulit tayo sa bilihan ng ice cream." Sabi ko naman. Masigla siyang tumango at kinarga ko s'ya. "Appa, gusto ko po ng mint flavored na ice cream~." Sabi naman n'ya. Oh? Anak ba 'to ni Luhan hyung? Pareho sila ng favorite na flavor tapos magkatunog pa yung mga pangalan nila. Yung totoo? 


"Talaga? Alam mo baby, si tito Luhan mo.. yun din ang favorite flavor." Sabi ko at lumabas na kami ng kwarto na yun. "Talaga po?" I nodded and kissed her cheek. Lumabas na kami ng dorm at ibinababa ko s'ya para maglakad ng kan'ya. Humawak s'ya sa kamay ko at naglakad.


"Alam n'yo po ba appa, si umma lagi pong busy." Malungkot na sabi niya. Napatingin ako sa kan'ya. "Lagi na lang pong wala s'ya sa bahay. Tapos po hindi n'ya po ako naalagaan. Lagi lang po akong nasa bahay nina tita Jesicca." Tuloy n'ya. "Ayos lang yun baby. Basta 'wag kang magagalit sa umma mo. Mahal ka n'ya. May trabaho kasi s'ya kaya lagi s'yang wala tapos madami pang inaasikaso kaya laging busy. Ginagawa n'ya yun dahil mahal ka n'ya." Sabi ko naman. Tumango na lamang ito at naglakad. Minsan, naiisip ko na may depression 'tong bata'ng 'to eh. Lagi lang tahimik sa isang tabi. Hindi naman s'ya ganun. Masiyahin naman atska masigla naman. Kids these days, weird.



--xx--



"Appa, kailan n'yo po ako aampunin?" Tanong ni Euhan. "Hindi ko pa alam kung kailan eh. Hindi pa naibibigay sa'kin ni umma mo yung papeles." Sagot ko. Nakakatuwa si Euhan. Kahit sa murang edad eh parang ang dami na n'yang alam. Tapos ang galing na ring magsalita pero sabagay, pitong taon na si Euhan.


"Appa, diba si Tito Channie yun?" Sabay turo sa lalaking nakaitim na mask, subrero at jacket. Bakit s'ya nasa labas?! "CHANYEOL!" Sigaw ko at agad namang napatingin sa'min. Inakay ko si Euhan at lumapit kay Chanyeol. "Anong ginagawa mo dito sa labas?! Pinapaalagaan kita kay Dara diba?!" Oo, nag-usap kami ni Dara at sinabi kong may sakit si Chanyeol at s'ya na ang mag-alaga sa damulag na 'to.


He shook his head, "Pinauwi ko na sila. Hinahanap ko kasi kayo.." he answered. Nasalubong ang kilay ko. "You're so stupid. Mapapahamak ka pa sa ginagawa mo, Chanyeol. Isipin mo rin 'yang sarili mo. You should have called me instead." Sabi ko. Nakakainis s'ya. Lagi na lang! "Sorry.." Sabi niya. I rolled my eyes and took Euhan's hand. Naglakad na kami pauwi habang si Euhan naman lumipat sa kabilang banda at hinawakan ang kamay ni Chanyeol.


"Oh? Saan kayo galing?" Tanong ni Luhan hyung pagkadating namin. "Sa bilihan po ng ice cream. Tapos po sa playground tapos po nakita namin si tito Chanyeol na nasa labas po kahit may sakit tapos po pinagalitan po s'ya ni Appa." Pagkukuwento naman ni Euhan. Napatango na lamang si Luhan hyung. "O'sya, Chanyeol bumalik ka na sa kwarto bago ka pa pagalitan ulit ng bespren mo." Utos ni Luhan hyung kay Chanyeol at agad naman itong sinunod. Sinamahan ni Euhan si Chanyeol papunta sa kwarto at ako naman naiwan na lamang sa sala.


Napaupo na lamang ako sa sofa. "Ano bang problema no'n?" Biglang tanong naman sa'kin ni Luhan hyung. I shrugged and sigh. "Lagi kang hinahanap eh." Tuloy n'ya. "Oo nga hyung, alam ko. Hindi ko rin alam kung bakit." Umupo na lamang din si Luhan hyung sa tabi ko.

ChanBaek : ConfusedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon