29

299 11 1
                                    

Ilang araw na rin ang nakalilipas simula ng makita ko 'yun sa kan'ya. Hindi man ako nakapaniwala. Maayos ang naging taon na nakasama ko s'ya. Bakit ngayon ko lang nakita ang mga sintomas?

"Lay hyung, lalim ng iniisip ah?" Halos mapatalon ako ng biglang umupo sa tabi ko si Chen. Napahawak na lamang ako sa dibdib at bumuntong hininga. "Ikaw Chen ah, 'wag kang manggulat." Ngumiti na lamang s'ya at nagpeace sign. Ginulo ko na lamang ang buhok n'ya.

"Buhay na buhay ang dorm natin ngayon ano hyung? Sana ganito lagi." Sabi n'yaat tumingin sa mga kaibigan naming nagkukulitan. "Napaisip ako, paano kung may isang mawala?" Tanong ko.

"Ha? Bakit naman?"

"Malay mo, may umalis. Lumipat ganun?" Napatawa na lamang s'ya. "Kung meron man, alam ko kung sino. Sina Baek 'yun 'diba?" Sabi n'ya. Tumango ako. Tumawa akong pilit. "Siguro."

"Pwede naman natin silang bisitahin." Sagot n'ya. Kumibit balikat pa bago tingnan ulit ang mga kaibigan namin. Napaisip na lamang ako.

--Chanyeol--

Medyo binabagabag pa rin ako sa mga nangyayari. Nawawalan ng balanse si Baekhyun. Minsan, 'di n'ya maigalaw ang isang parte ng katawan n'ya gaya ng braso, binti o kamay. Nagsusuka rin. Tapos ang bilis rin n'yang nakakalimot.

"Baekhyun." Tawag ko. Tumingin s'ya sa akin habang kalong kalong si Euhan. "Lilipat na nga pala tayo sa isang araw. Ayos na 'yung mga gamiy natin kaya.. makakalipat na tayo. Sa bahay ko ah." Sabi ko naman. Ngumiti s'ya at tumango. "Sweet n'yo eomma." Nagulat kami ng biglang magsalita si Euhan. Akala namin ay nanonood s'ya sa T.V. Napatawa na lamang kami.

--xx--

Natapos na ang dalawang araw namin dito sa dorm at aalis na kami. Inilagay ko lahat sa sasakyan ang mga maleta at box. Biruin mo, nagkasya. Hahahaha!

"Uy! Ingat sa paglipat!" Sigaw ni Chen at Suho hyung habang nagdadrive na kami. Tumingin pa si Baekhyun sa kanila at kumaway.

"Bye! Bye!" Sigaw n'ya at umupo na ng maayos. "Hay, mamimiss ko sila." Sabi pa n'ya. Ngumiti na lamang ako. Si munting Euhan naman ay nasa back seat at busy-ing busy-ing naglalaro sa phone ni Baek kasama si Raewook. "Euhan, baka lumabo ang mata ah. Araw araw ka nang naglalaro d'yan sa phone ko." Sabi naman ni Baekhyun.

"Hayaan mo na 'yung bata." Ngiti ko naman. "Basta Euhan, 'wag lagi ah." Sabi ko pa. Sumagot naman ng opo ang bata. "Oh, 'yan. 'Wag ka nang mag-alala." Sabay sulyap kay Baekhyun. Ngumiti at ibinalik ang tingin sa daan at inabot ang kamay n'ya. Napangiti naman ako ng sobrang lapad.

Para bang nakalimutan ko ang mga problema ko pero.. paano ko sasabihin kina mama na sa isang lalaki pa talaga ako nainlove at nanligaw? Panigurado, ipagtatabuyan nila ako at itatakwil bilang isang anak. Bakit nga ba ako sa kan'ya nainlove? Kasi, lahat ng hinahanap ko, sa kan'ya ko nakita. Lahat ng nakita ko sa kan'ya ay minahal ko na. Simula kabuod-buuran niya ay minahal ko.

"Medyo natahimik?" Bumalik ako sa realidad ng marinig ang boses ni Baekhyun. Napatingin na lamang ako sa kan'ya at ngumiti.

"Hindi ah. Medyo may naiisip lang." Sabi ko naman. "Ano naman?" Umiling ako at ngumiti. Naramdaman ko namang tumango na lamang s'ya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

--xx--

Nakarating naman kami. Medyo malapit rin naman kaso medyo tahimik dito sa amin at may malawak na bakuran kaya siguradong makakapag-enjoy dito ang mga bata.

"Wahhh ang laki naman ng bahay mo appa." Sabi ni Euhan habang pababa ng hagdanan. Tumakbo s'ya papunta sa bakuran. "Wowwww!" Hindi ko mapigilan ang tumawa dahil sa reaction ng bata.

"Mukhang mag-eenjoy talag sila dito." Sabi ni Baekhyun. Napatingin ako sa likuran ko at nakita ang nakangiting si Baekhyun. Ngumiti rin naman ako at niyakap siya. "Sana pati ikaw. Mag-enjoy ka dito ah?" Sabi ko sa kan'ya.

Tiningnan ko siya at nakita ang malawak na ngiti sa kan'yang mukha at tumango-tango. Napaka-attractive talaga niya.

Masyado ko na s'yang mahal. Bakit ba pinaabot ko pa ito ng maraming taon? Nahihirapan tuloy ako. Hindi sa ayaw ko nang maghintay, nahihirapan ako para pigilan ang sarili kong mahalin pa s'ya ng sobra.

"Alam mo, ngayon ko lang ulit pinapakita ang ibang ako. Dahil 'yun sa'yo eh." Sabi niya habang yakap niya ako. Hinawakan ko ang bewang niya at hinalikan ang noo niya. "Masaya ako at naipapakita mo ang totoong ikaw."

Natakot sa pag-ibig si Baekhyun dahil sa isang malaking pagkakamali. Nung una s'yang nagmaha, madali niyang pinagkatiwalaan ang babae, binigay n'ya lahat at nakuha ng babae ang gusto niya tapos nawala na lamang na para bang bula. Simula noon ay ibinuhos ni Baekhyun ang oras niya sa pagtugtog sa piano o pagkanta. Nagluto rin siya at ang pagbabasa ng libro sa itaas ng slide sa playground o sa swing.

Ang playground na 'yun ay naging tambayan namin simula pa dati. Nahulog pa nga 'yan sa swing eh dahil sa lakas ng pagkakaswing naming ng kuya n'ya. Dumugo ang ilong niya at alalang alala kami ni Baekbom hyung.

Napagalitan kami nina tita. Pero nagtawanan rin naman dahil sa naalala namin ang panget na itsura ni Baekhyun na umiiyak ng putik dahil sa pinaghalong lupa at luha at ang dugo mula sa ilong niya.

"Chanyeol?" Tawag sa akin ni Baek. Ngumiti ako ng matamis. "Bakit?" Tanong ko.

"Ang sakit ng ulo ko." Sabi n'ya at napanguso. Tinitigan ko ang mukha n'ya. "Tapos medyo nagdodoble pa ang paningin ko." Tuloy n'ya. Inayos ko ang buhok n'ya at pinisil ang ilong n'ya.

"Magpahinga ka na muna." Sabi ko at dinala s'ya sa kwarto. Humiga s'ya sa kama at ako naman ay umupo sa tabihan niya. Hindi naman nagtagal ay nakatulog rin siya.

Pinagmasdan ko s'ya. Ito, ito 'yung taong minahal ko ng sobrang tagal. 'Yung taong itinanggi kong mahal ko araw araw. Nandito na s'ya kasama ko.

Inayos ko ang malambot niyang buhok na nakahara sa mata niya. Hinalikan ko ang noo niya.

Naalarma ako ng maramdaman kong nagvibrate ang phone ko. Kinuha ko iyon mula sa bulsa ko. Tumawag si Lay hyung. Agad akong lumabas ng kwarto at sumandal sa pinto. "Hello? Hyung?" Tanong ko pagkasagot ko.

"[Chanyeol, sana handa ka sa sasabihin ko.]" Medyo natatakot ako sa sinabi n'ya. Sana handa ako?

"A-Ano 'yun hyung?"

"[After the tests and examinations I've done. By just look at Baekhyun, I tested him. Chanyeol, Baekhyun's diagnosed with brain cancer. Halos isang taon na. Hindi ko alam kung magagamot ko pa ang ganyang kaso ng sakit.]"

Itutuloy...

Note : Annyeong guys. Hahaha! Medyooo matagal kasi busy? Plus, examination namin sa Tuesday and Wednesday. At isa pa, tatapusin ko na sana 'tong story na 'to para matapos na ko rin 'yung iba gaya nung Something (whoot! Nagpopromote na ata ako eh). Medyo malayo pa s'ya sa dulo tapos siguro magpapublish ako ng isang horror, ChanBaek story ulit at isang medyo drama rin na ewan ko kung itutuloy. Hindi ngayong month siguro mga Christmas Break na mapupublish pero 'di pa rin ako sure. ㅠㅅㅠ Gulo ko 'diba? Kung nabasa n'yo 'tong napakahabang note ko ay congrats para sa akin dahil sa wakas ay may nagbasa ng Author's Note! \m/ yun lang.

ChanBaek : ConfusedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon