Special Chapter

432 10 0
                                    

Haepi phor kei (Happy 4K) na guys. HAHAHA so eto ang isang special chapter. 


***


"Ano? ANO NANAMAN? Ako nanaman ang may kasalanan? LAGI NA LANG AKO." Hindi maintindihan ni Baekhyun kung sumisigaw ba si Chanyeol o nasa mahinahong estado pa ang pananalita ng huli.


"Teka-- wala naman akong sinasabi na ikaw ang may kasalanan.. depressed lang siguro ako. Medyo nakakawalang gana lang ng kaunti." Mahinang sabi ni Baekhyun at napatungo. Tiningnan lang siya ng isa, tiningnan ang mahinahon ngunit may lungkot na mata. Kahit na malungkot, ang mga kilay niya ay nagpakita ng kasalungat; galit. 


"I can't live like this anymore, Baekhyun. I need to think." At pagkasabi noon ay biglaan na itong naglakad palabas ng bahay. Nakatingin lamang si Baekhyun sa marahang pagsasara ng pinto, ni walang isang salita o tunog ang lumabas mula sa kaniyang bibig ngunit pumorma ang isang ngiti. Hindi nababakas ang saya sa liit ng ngiting ito. "Sabi sa akin ni Sehun.. gawin mo ang mga maaaring maging masaya ako." 


"Hindi ko na ring kayang mabuhay ng ganito, I'm living with my own pain. Kung napapasaya mo ako, ikaw rin ang dahilan kung bakit ako nasasaktan." Sabi sa sarili at hindi pinansin ang tuloy-tuloy na pagpatak ng luha.


--


"Hay, Chanyeol, ang tanga mo talaga kahit kailan. Dapat ikaw 'yung sumuyo sa kan'ya, hindi s'ya ag susuyo sa'yo. Ikaw ang manly, s'ya.. hayyy."  Napahilamos na lamang siya sa pag-iisip habang naglalakad sa isang parke. "Ikaw 'yung dapat, 'Baby, sorry na. Hindi ko sinasadya. Okay ka lang ba? Sorry kanina ah? Hindi na mauulit.' Pero ako 'tong engot na naglalakad sa parke at nagwalk-out kanina." Kahit pa pinagtitinginan na ng mga nakakasalubong ay hindi niya napansin dahil sa abala siya sa pakikipag-usap sa sarili.


Napaupo na lamang siya sa isang bangko o bench na matatanaw ang isang lawa. Pinag-iisipan kung paano susuyuin ang asawa ay natulala siya hanggang sa napansin niya na nakaupo pala siya sa bangko kasama ang ilang lalaki. Ang mga lalaking ito ay tumutugtog at tumatanggap ng baryang inilalagay sa isang basket bilang maliit na bigay ng mga dumadaan. 


"Mister? Pwede po bang manghiram muna ng gitara?" Tanong niya, hindi nagdalawang isip o nahiya. Tumango naman ang lalaki at iniabot ito kay Chanyeol. Habang pinadaan ang daliri sa mga kwerdas ng gitara ay hindi pa rin naaalis sa isipan ang away na nangyari.


"Loving can hurt

Loving can hurt sometimes

But it's the only thing that I know"


Wala man sa sariling utos ay napakanta siya sa isang kantang napakinggan niya sa telepono ni Baekhyun. Pilit niya itong sinaulo at inaral sa kahit na hindi siya sanay sa pagsasalita ng Ingles ngunit dahil paborito ito ni Baekhyun. 


Hindi niya napansin na napaligiran siya ng ilang tao at nanood sa kanya. Sa kakaibang lalim ng boses niya ay sino nga ba ang hindi mapapatigil, mapapatingin at mananatili para makinig sa musikang kanyang ginagawa?


"When it gets hard

You know it can get hard sometimes

It is the only thing that makes us feel alive


Sa kabilang dako, si Baekhyun ay hinahanap ang kanyang asawa sa kahit saang alam niyang maaring puntahan nito ngunit hindi niya ito nakita sa palaruan o sa coffee shop ni Minseok kaya napapunta ito sa isang parke dahil doon dinala siya ng kanyang mga paa. 


"Nasaan na kaya s'ya?" Pagod na sabi niya at hinawi ang buhok dahil sa kumakapit na ito sa kaniyang noo.

Napansin niya ang kumpulan ng mga tao sa isang parte na malapit sa lawa. Malayo pa lamang ay narinig na niya ang pamilyar na boses. "Chanyeol..?" Napatalon pa ito at nakita ang naiibang kulay ng buhok ng asawa. Nanlaki ang mata niya at napatakbo. "C-Chanyeol!" Sigaw niya. Itinaas ang kamay para makita siya sa kabila ng maraming tao. "Curse my height." Bulong niya sa ilalim ng hininga.


"CHANYEOL! BABY KO! JAGIYA! BABE?! NAKIKITA MO BA AKO?!" Sigaw niya. Kahit pa pinagtitinginan na ay tuloy pa rin siya sa pagtalon at pag-sigaw. "YUHOO!" Narinig niyang napatigil ang pagtugtog at ang pagkanta. Nagdiwang na siya sa loob-loob niya. 


Napatinginn sa paligid ang nakatatangkad at hinahanap kung saan nanggaling ang boses ni Baekhyun at ng mapapunta sa isang dako ay nakita niya ang mga kamay na nabubukod tangi. "Baekhyun?"


Agad niyang iniabot ang gitara pabalik sa lalaki. "PARK CHANYEOL! PANSININ MO NAMAN AKOOO! AKIN KA LANG! ITATALI KITA SA BAHAY! ANG DAMING CHIX MONG GAGO KA! UWI NAAAA- ACK--!" Agad na napatakbo naman si Chanyeol ng marinig ang pagkagulat ng iba at hinawi ang mga taong nakapaligid. "Baekhyun!" At sa wakas ay nakita niya ang natatanging taong minahal niya ng lubos ngunit ang taong ito ay nakasalampak sa lupa.


Agad niya itong itinayo at pinagpagan ang duming kumapit sa damit ng kapareha. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito. "Mag-ingat ka na sa susunod." Ang sabi niya at marahang hinalikan ang noo ni Baekhyun. 


"Uwi ka na.." Naiiyak na sabi ng huli at hinawakan rin ang kamay ng nakatatangkad. Tumango si Chanyeol at niyakap ang isa. "Uuwi na, namiss mo ba ako?" Ng akmang hahalikan niya si Baekhyun ay lumayo ang huli. "May tao. May tao po."


"Oo nga pala." Napatawang sabi ni Chanyeol. "I need to bring my husband, BYE." At nagulat namang ang huli sa biglaang paghigit sa kanya ni Baekhyun. "Gutom na po ako." Sabi ng nakatatangkad. "Anong gusto mo?"


"French Fries, Chicken--"


"TARA NA!"


"Ikaw ata ang gutom sa'tin ah?" 


"Nah, I'm just excited." Ngiti ni Baekhyun. Napakunot naman ang noo ni Chanyeol sa ngiti ng isa. "Why?" Tanong nito. Nagpaikot-ikot pa si Baekhyn bago sumagot, "Sehun said that I should do the things that will make me happy."


"So.. kapag kumain tayo sa labas ay ang happiness mo?" Umiling ang huli, "Nope." 


"What is it?"


"Spending time with you is my happiness, so stay with me forever. Don't do that again, Park. I love you." Sabi ni Baekhyun at mabilis na hinalikan si Chanyeol bago tumakbo. Kahit na nag-aapoy ang pisngi sa pula ng mga ito ay ngumiti ang huli at sinundan ang naunang kapareha. 



END


***


LAME. GOODNIGHT GUYS~ I LOVE YOU! XD


ChanBaek : ConfusedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon