21

321 11 0
                                    

"Appa! Saan po tayo pupunta?" Tanong naman ni Euhan habang katabi si Baekhyun sa back seat. Ako naman, eto nagmamaneho papunta sa pupuntahan namin. Sinusulyapan ko na lamang sila mula sa rear. Ang cute nila. Napatawa na lamang ako ng mahina at nagpatuloy sa pagmamaneho.


"Hindi ko rin alam, baby eh. Hahaha. Baka kinikidnap na tayo ni tito! Hala! Yakapin mo si appa, dali!" Sinulyapan ko ulit sila mula sa rear nakita ko namang nakayakap na si Euhan kay Baekhyun. I chuckled. "Tito!" Sigaw ni Euhan.


"Yes po?" Tanong ko habang may malapad na ngiting nakapinta sa mukha ko. "Kinikidnap mo po kami?!" Tanong naman ng bata. Mas lalo pang lumaki ang ngiti ko. "Yes po."


"Eh hala.." At dun ako napatawa. Ang cute kaya. Mukhang hopeless na cute. "Joke lang! Pupunta tayo sa park." Sabi ko naman. Nasulyapan ko nanaman ang cute na ngiti ng batang si Euhan. Gusto ko rin ng ganitong anak. Si Ivory kasi.. hindi lang makulit pero, oo nga't medyo may pagkamature na agad, eh.. parang may kakaibang ugali yung bata eh. Yung ugali ng ibang babae, mga 'm'.


Not judging the child pero parang yun ang future n'ya eh. She's adopted though. Pero itong si Euhan, mabait na bata. Kahit na adopted rin, makikita ang tamang pagpapalaki dito sa batang 'to. "Yoda, saang park ba tayo?" Natauhan ako sa biglaang pagtatanong ni Baek.


"Pretty sure, hindi mo pa napupuntahan yun." Sabi ko naman. Pero pakiramdam ko, napuntahan na rin yun ni Baekhyun. Unang beses kong makapunta sa lugar na yun, si Kyungsoo ang nag-introduce nun sa'kin. Maganda dun lalo na kapag gabi. Madaming ilaw.


"Dinadala ko dito ang mahahalagang tao sa buhay ko." 'Yan ang sabi n'ya sa'kin. May sprain nun si Baekhyun kaya naka-wheelchair s'ya kaya hindi ko alam kung nakapunta sila dun. Nagsasayaw kasi si Baekhyun nun eh madulas daw yung sahig kaya yun, bagsak s'ya sa sahig. Lampa, 'diba?


"Chanyeol." Tawag naman ni Baekhyun. "Hm?" Patanong ko namang response. "Wala lang." I swear, ano ba talaga 'tong si Baekhyun? Weird lang talaga minsan. Sinulyapan ko naman s'ya mula sa salamin, nakita ko namang nakangiti s'ya. Nabigla naman ako dun pero ngumiti na rin.


Nalilito pa rin ako. May problema talaga sa'kin.


--xx--


"Ah, dito pala." Sabi ni Baekhyun. "Nadala na ako ni Kyungsoo dito. Ganda nga dito eh. Tapos lampa n'ya pala 'no? Nadapa s'ya tapos ang weird kasi pinabayaan n'yang tawanan ko lang s'ya." Nilagay n'ya ang kamay n'ya sa baba n'ya para mag-isip. "Hindi naman s'ya ganun lagi, sinasapak n'ya ako sa tuwing tinatawanan ko s'ya."


"Hahaha! Tama na nga 'yan. Mapapaisip ka lang ng malalim d'yan eh. Alam naman natin si Kyungsoo, mabait naman, satanic lang minsan." Sabi ko naman at napatawa na lang. Totoo naman eh, mabait naman talaga si Kyungsoo, mapanakit lang talaga. Puro pasa nga kami ni Baek dahil dun eh. Lagi na lang kami sinisipa pahulog sa kama o kaya hinahampas kami kapag pinagtatawanan namin s'ya sa tuwing napapagkatuwaan namin.


"Tito, may ice cream po ba dito?" Tanong naman ng Euhan na karga karga ko. Napatingin naman kami. "Eh oo naman. Dun oh." Sabi ko naman at itinuro yung nagtitinda ng ice cream. Tinapik tapik naman ng bata ang balikat ko na nagpapahiwatig na ibaba ko s'ya. Ibinaba ko naman s'ya at bigla naman s'ya nagtatakbo.

ChanBaek : ConfusedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon