25

280 14 2
                                    

Chanyeol

Eto na. Sasabihin ko na. Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa ko. Nagdadalawang isip pa ako pero binuhay ko pa rin ang phone ko. Nangangatal kong pinindot ang 'dial number'.

Idinial ko ang number niya at itinalat ang telepono sa tenga ko. Ang tagal rin ng hinintay ko bago s'ya sumagot.

"H-Hello?" Hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggal ang kaba. Sasabihin ko na. Malalaman na n'ya. Baka lumayo s'ya.

"[Oh? Hello? Chanyeol? Bakit?]" Tanong niya mula sa kabilang linya. Nakarinig naman ako ng kaluskos, nasaan ba 'tong baklang 'to?

"Pwede ba kitang makausap?" Tanong ko naman. Kailangan ko na talaga. Pakiramdam ko, lalabas na yung puso ko mula sa dibdib ko eh.

"[By phone or harapan?]"

"Harapan. Nasaan ka ba?"

"[Ah. Okay. Sige. Puntahan mo na lang ako dun sa punong tambayan ko.]"

"Sige." Sabi ko at pinutol na. Itutuloy ko ba.. o-- hindi. Itutuloy ko. Ito na yung hinihintay ko 'diba? Ito na 'yung tyansa ko. Sasayangin ko pa ba?

Nagmamadali akong lumabas ng kwarto at palabas ng bahay. Sa tambayang puno? Yung malapit sa playground?

Agad akong tumakbo papunta sa playground. "Saan ba 'yun?" Tanong ko sa sarili ko at iginala ang tingin sa paligid. Hindi naman nagtagal ay may nakita akong pamilyar na pigura sa isang sanga ng puno at agad kong nilapitan 'yun.

Namumulang sumigaw. "Baekhyun!" Nakita kong nagulat s'ya at muntikan nang mahulog. "'Wag ka namang manggulat!" Sigaw n'ya pabalik. Napakamot naman ako ng batok. "Bumaba ka mula d'yan." Pakiusap ko sa kan'ya.

Nakatingin ako sa sapatos ko habang hinihintay siyang bumaba. Nangangatal ako. Bawat minutong lilipas eh mas lalo akong kinakabahan. Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko papunta sa ulo ko.

Nakarinig naman ako ng kaluskos at nakita na ang hinihintay ko sa harapan ko. "Baekhyun." Napatingin s'ya sa akin mula sa pagpapagpag niya ng damit. Hindi ko alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko nanlambot ang mga tuhod ko. Pakiramdam ko ngayon pa ako babagsak.

"Bespren--" at yun, saka pa ako bumagsak. Ang duwag mo Chanyeol! Curse myself.

"Pfft." Nakita ko s'yang lumuhod at umupo. Inalalayan n'ya ako para maiunan ko ang mga hita n'ya. "Ikaw talaga Giant." Sabi naman n'ya at medyo natawa. Yung tawa n'ya, it gives me life.

"Ganito muna tayo ah? Please?" Pakiusap niya at nilaro ang buhok ko. I stretched my arm to reach his hair. "Dapat.. dapat matagal ko na 'tong sinabi sa'yo pero.. natatakot ako. Isa akong duwag." Hindi ko alam kung kinakabahan lang ako o natatakot ako sa pwedeng mangyari kaya may namumuong luha sa mga gilid ng mata ko.

"Natatakot ako sa pwedeng mangyari. Oras na sabihin ko sa'yo ang totoo, baka iwasan mo ako. Layuan mo ako. Kamuhian mo ako. Pero ngayon, sasabihin ko na. Mahal kita Baekhyun. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ginawa ko na lahat. Sinubukan kong ibaling ang tingin ko pero ikaw at ikaw pa rin ang nasa puso ko. Corny na kung corny. Naguguluhan na ako. Natatakot." Hinintay ko ang sagot n'ya pero wala akong natanggap kundi ang titig n'ya sa akin. Nabigla ako ng tumayo s'ya at naiwan akong nakahiga dun.

Tumayo na rin ako at tiningnan s'ya. Hindi kami pareho ng nararamdaman. Isa akong hangal. Ayaw n'ya sa akin.

Napapunas na lamang ako ng mukha at napatingin sa lupa. "Chanyeol." Tawag n'ya. Agad akong tumingin. Nakita ko s'yang pinadulas ang kamay n'ya sa kamay n'ya.

"Sa totoo lang, magkapareho tayo. Natatakot. Nalilito. Hindi ko alam kung bakit ikaw pa. Tanong ko 'yan sa sarili ko. Hindi ko lang pinapaalam." Napangiti naman s'ya. Ngiting pilit. Hinawakan n'ya yung buhok n'ya. Yung parang paoood na pagod at frustrated na. "Natatakot akong oras na sabihin ko sa'yo.. lumayo ka."

Hinawakan ko ang balikat n'ya at niyakap. "Mahal kita!" Sigaw ni Baekhyun. Napangiti naman ako ng isigaw n'ya 'yun. "Pwede bang manligaw?" Tanong ko.

To be continued...

So ito muna kasi ang dami ko pang projects. Mian. :D

ChanBaek : ConfusedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon