35

283 9 2
                                    

12:00 NN

[Chanyeol~ Baekhyun~ thank you nga pala sa niluto n'yo. The best talaga kayo! Atska Baekhyun, nako, wala 'yun basta ikaw. Kayo, gagawin namin lahat. :)] Napatawa na lamang ang dalawa nang mabasa ang text. Text na mula kay Jongdae.

"Medyo, nacreepy-han ako dun sa smiley emoti ah. Hindi naman s'y masyadong gumagamit ng ganun. Minsan, puro laughing at smirking emoti lang." Sabi naman ni Chanyeol at tumawa. Tumango naman si Baekhyun bilang tugon.

Nakaalis na sina Seulgi at Raewook. Maayos naman ang naging pag-uusap nila. Puno ng tawanan pero syempre dahil sa sinabi na nila ang sakit ni Baekhyun, medyo nagkadramahan pa.

Ibinalik na ni Chanyeol ang phone sa bulsa niya at naglakad na. Sumunod naman agad si Baekhyun at pumunta sa tabihan ni Euhan na hawak-hawak ang kamay ni Chanyeol.

"Pwede na ba tayong umuwi?" Matamlay na tanong ni Baekhyun at tumingin sa dinadaanan. Nahihilo na s'ya. "Chanyeol.." tawag ulit nito. Nang tingnan siya ni Chanyeol ay ngumiti ito at biglaan na lamang nagtumba. "Baekhyun--!" Tumakbo agad si Chanyeol at nasalo ang walang malay na Baekhyun.

"Baekhyun! Alam kong gwapo ako, lagi mong nakikita ang mukha ko, bakit ngayon ka lang nahimatay sa kapogi-an ko?!" Palokong nagpapanic na sabi niya at binuhat na ang kasintahan. "Euhan, humawak ka sa kamay ni eomma mo para hindi ka mawala." Sabi pa niya sa bata at ang bata naman, mabilis na sumunod sa kan'ya. Tumakbo sila hanggang sa makarating ng sasakyan. Agad na pinapasok ni Chanyeol si Euhan sa sasakyan at saka inilagay si Baekhyun sa tabi nito at tumakbo papunta sa kabilang bahagi ng sasakyan saka sumakay.

12:15 PM

"Mukhang kailangan na natin syang gamutin simula ngayong linggo." Sabi ni Yixing habang hawak ang braso ni Baekhyun. Sa kabilang tabi ng kama ay si Chanyeol na hawak hawak ang kamay ni Euhan. "Pasensya na, Chanyeol." Tuloy pa nito at ngumiti ng mapait. "Hyung.."

"Promise na tutulong kami." Pagsisigurado naman nito at tiningnan ang lalaking nakahiga. Inayos niya ang buhok nito. "Baekhyun is so precious. Hindi s'ya pwedeng mawala." Medyo humigpit ang hawak ni Chanyeol sa kamay ng bata. Tama lamang ang higpit para hindi masaktan ang bata.

"Kung mapapagaling lang s'ya ng mga luha ko." Malungkot na sabi nito at hinawakan ang kamay ng kasintahan gamit ang kaliwang kamay. Nanlabo na ang paningin niya dahil sa mga luhang nagsisimula na namang mangilid. Tuwing gabi, tuwing tulog na si Baekhyun ay kulang na lamang na umiyak siya ng dagat. Bumubulong ng mga salitang gusto niyang iparating dito.

Agad niyang pinunasan ito. "Gagaling si Baekhyun, Chanyeol. Gagaling s'ya." Ngumiti si Yixing bago lumabas ng kwarto. Pinaupo naman ni Chanyeol ang bata sa sofa at umupo naman s'ya sa upuan katabi ng kama hinihigaan ni Baekhyun.

"Baekhyun, kailangan mong gumaling. Magpapagamot na tayo. Gagaling ka 'diba?" Tanong nito sa nagpapahingang kasintahan. Nakaramdam siya ng isang pares ng maliit na kamay na humawak sa braso n'ya. Hinawakan ni Euhan ang braso ni Chanyeol na tila ba dinadamayan ang ama-amahan. "Appa, gagaling po si eomma. Atska 'wag po kayong iiyak, papangit po kayo." Sabi ng bata at pinisil ang pisngi n'ya hanggang sa mapanguso n'ya.

Napatawa na lamang ng kaunti si Chanyeol. "Atska ayaw po naman n'yong makita kayo ni eomma na pangit. Nagpapagwapo pa nga po kayo pagkagising na pagkagising n'yo tapos tatabi ulit kay eomma tapos ikikiss n'yo para magising."

"Hay, minsan talaga, matatakot na lamang ako sa'yong bata ka. Pa kang matanda magsalita eh." Sabi ni Chanyeol at ginulo ng kaunti ang buhok ni Euhan. Ngumuso ang bata. "Atska, hindi ka ba nadidiri sa amin? Kasi, alam mo, pareho kaming boys tapos.."

"Appa, kahit sino po, pwedeng magmahal. Basta ba pareho po kayo ng nararamdaman eh labas na po ako d'yan sa relasyon n'yo." Napahawak na lamang si Chanyeol sa sariling braso at tiningnan ang bata na may pagtataka sa tingin n'ya. Umiling-iling s'ya at tumingin sa bata.

"'Yung totoo, Euhan. Anak, ilang taon ka na ba talaga?"

"Twenty three na po ako appa." Sagot ng bata at napatawa na lamang ang mag-ama.

2:30 PM

[Kyungsoo, kailan ba pwedeng mag-apply?]

Hinihintay ng mag-ama ang paggising isag bahagi ng kanilang pamilya. Habang naghihintay ay nakipagtext si Chanyeol kay Kyungsoo na malamang ay hindi naman makakasagot dahil sa malamang ay may ginagawa ito at bawal ang phone sa loob ng kusina ng restau. Nakatulog na si Euhan sa sofa sa loob ng kwarto at si Chanyeol naman ay nasa ulunan ng bata at nagsilbing unan ang hita.

Napabuntong hininga na lamang s'ya at naghintay nga pagreply ni Kyungsoo, paggising ni Euhan o paggising ni Baekhyun.

Halos makalipas na ang tatlumpung minuto, alas tres na ng hapon, wala pa rin s'yang natatanggap na reply o gumising sa dalawang binabantayan. Napahikab na lamang siya at tinakpan ang bibig. Umiling iling at ipinatong ang ulo sa palad niya. Maging siya ay inaantok na rin sa paghihintay pero hindi s'ya matutulog dahil kapag natulog s'ya, maaring magreply na si Kyungsoo, magising si Euha o magising si Baekhyun.

Lumipas ang oras at alas tres imedya na. Gising na nga si Euhan pero hindi pa rin si Baekhyun. Dumating si Yixing upang tingnan at icheck ang kaibigan. Ang sabi nito ay natutulog lang naman daw si Baekhyun at huwag na sanang mag-alala si Chanyeol dahil magiging maayos rin naman daw ang lahat.

Hindi pa rin dumadating ang reply ni Kyungsoo at medyo napagod na rin s'yang maghintay kasi naisipan na lang n'ya na maari naman niya itong tanungin na lamabg ng personal at pwede naman n'yang matanggap ang reply mamayang gabi.

"Hindi pa rin po ba nagigising si eomma, appa? Kahit po nung tulog ako?" Tanong ni Euhan na binilihan ni Chanyeol ng tinapay at juice mula sa katabing convenience store noong binabantayan ni Yixing si Baekhyun. Tumango na lamang siya, "Hindi pa eh pero sabi naman ni tito Lay mo, nagpapahinga lang daw si eomma." Tiningnan ulit ng bata si Baekhyun bago kumagat sa tinapay na hawak.

Medyo natatawa na hindi si Chanyeol sa loob loob niya dahil sa ang tawag sa kanila ni Euhan at Raewook ay appa at eomma. Alam nilang merong may tanggap sa kanilang dalawa. Naalala niya noong natawa si Seulgi noong tinawag ako ni Raewook na appa at si Baekhyun na eomma.

Tiningnan rin niya si Baekhyun. Baekhyun. Tawag niya sa isip niya. Hindi na niya alam ang gagawin pwera sa tawagin na lamang ng tawagin ang pangalan ni Baekhyun. Kung mapapagaling nga lamang niya ito gamit ang nga luha niya na iniiyak n'ya ng lumubusan tuwing gabi. Ayaw niyang ipakita ito kay Baekhyun dahil ayaw nitong ipakita na hindi n'ya matatagan ang sarili niya at oras na makita iyon ni Baekhyun, hindi na rin nito tatagan ang loob dahil iisipin niya na unti unti na ring sumusuko si Chanyeol.

8:00 PM

Nakatulog na si Chanyeol habang nakaub-ob sa kama na hinihigaan ni Baekhyun. Si Euhan naman ay nakatulog na rin sa sofa. Parehong nakatulog ang mag-ama.

Nagising si Baekhyun at may naramdamang malambot sa kamay niya. Nahawi niya ang buhok ni Chanyeol. Mahimbing na nakatulog ang kasintahan niya sa tabi ng kan'yang kama. Nagtataka siya kung bakit siya nasa ospital dahil ang huli lamang niyang naaalala ay sila ay nasa isang parke.

Hinawakan niya ang buhok ni Chanyeol at nilaro-laro. Napatingin naman siya a gawing kana niya at nakita si Euhan na natutulog sa sofa. Medyo nanlaki pa ang mata niya ng makita ito. Dahil sa paglalaro niya sa buhok ng kasintahan ay nagising ito. "Baekhyun.." tawag nito at hinawakan ang kamay ng lalaking nakahiga.

"Chanyeol-- si Euhan. Si Euhan, bakit mo pinabayaan mo ng g-ganun?" Tanong ni Baekhyun at nagpilit umupo. Agad naman na tumayo si Chanyeol at pinigilan ito. "'Wag ka munang umupo." Paalala nito. Hindi naman nakasagot ang huli at tiningnan na lamang ang lalaking pumigil sa kan'ya.

"Kumain na kayo ng.. dinner?" Tanong nito. Tumango na lamang si Chanyeol at tiningnan si Euhan. "'Wag ka nang mag-alala basta magpahinga ka na lang. 'Yun ang gusto namin." Sabi naman nito at napanguso na lamang ang isa. Nangunot ang noo ni Chanyeol. "Ano-- 'wag kang magpacute. Lalo na't bagong gising ka, baka 'di ako makapagpigil." Nagcross arms pa ito at medyo tumagilid para 'di makita ang mukha ni Baekhyun. Tinawanan na lamang siya nito at hinampas ng mahina.

Itutuloy...

ChanBaek : ConfusedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon