6

592 21 1
                                    

Umuwi ako sa dorm at nakita ko si Chanyeol na nakaupo at nakapatong ang mga paa sa coffee table. "Ah. Baekhyun, nandyan ka na pala." Agad naman s'yang napatayo at humarap sa akin. "Nahanap mo na si Dara?" Tanong ko. Ngumiti s'ya at tumango. Masaya na ako. Nahanap na n'ya si Dara.


"May itatanong ako sa'yo." Sabi ko naman at nagmamadaling pumunta sa sofa at saka naupo. Tiningnan n'ya ako na nakailang dahil ang bigat ng tingin n'ya 'yung parang ayaw n'yang alisin 'yung pagkakatingin n'ya sa akin. Umiling na lamang ako at ngumiti ng malapad. Yung pilit


"Umamin ka nga, may feelings ka na talaga kay Dara 'no?" Tanong ko but he only replied with a small smile. Umiwas ako ng tingin at ngumiti na lamang rin. "Ahahaha! Binata ka na bespren!" Pangaasar ko. Ngumiti na lamang s'ya at nahalata ko naman na pilit lamang ang mga ngiti na ibinibigay n'ya sa akin. Hindi ko na lamang pinansin at ngumiti na lamang din. How can he be this weird sometimes?


"Yo." Napatingin naman kami sa pinto at nakita naman namin ang sampu na sunod-sunod na pumasok paloob ng dorm. Huling pumasok si Jongin na nakangiti lamang sa amin ng malapad. "Ang weird ni Jongin." Bulong ni Chanyeol sa akin sabay akbay. Tumango na lamang ako. Dumiretso na si Jongin sa kwarto nila at napansin naman namin na kami na lamang ulit ang natira. Tumayo ako at dumiretso ng kwarto.


Agad akong nagpalit ng damit at naramdaman ko naman na humiga si Chanyeol sa kama n'ya. Pagkatapos na magbihis ay agad rin naman akong sumampa sa kama at pumikit. "Bespren." Tawag sa'kin ni Chanyeol. Hindi ko pinansin at tumalikod sa kan'ya. "Bespren. Huy." 'Di ko pa rin pinansin at pumikit na lamang. "Psst! Uy!"


Napaupo ako at tumingin sa kan'ya. "Ano?!" Naiinis kong sagot. "Tabi tayo." Sabi n'ya. Naiirita akong bumalik sa pagkakahiga at nagkumot. "TSK!" Narinig ko ang pag-alis n'ya ng kumot n'ya at paglapit sa'kin. Nakatalikod naman ako sa kan'ya kaya wala akong pake pero nagulat ako ng isiksik n'ya ako. Pader ang kaharap ko kaya yun, nakipaghalikan ako sa pader. Joke lang. Nauntog talaga ako pero parang hindi n'ya ata alam.


"Chanyeol! Ano ba?! Bumalik ka nga sa kama mo! 'Di tayo kasya!" Sabi ko sabay sipa pero nah, 'di s'ya natinag. Napaharap na lamang ako sa kan'ya. Wrong move, tae, ang lapit n'ya. "I don't care. It's nice though. Our body will just rub against each other." Sabi n'ya sabay kindat. "Tusukin ko 'yang mata mo. Tsk. Alis na kasi!" Sigaw ko ulit.


"Ayaw."


"Alis."


"Tatahimik ka o hahalikan kita?" Tanong n'ya at syempre ako, tumahimik na lang. Mahalikan nanaman ako, kadiri. "Ang arte talaga, halos tatlong beses na kitang nahalikan, ngayon ka pa nandiri." Nagulat ako sa sinabi ni Chanyeol. Aba, nababasa ba n'ya ang iniisip ko? "Pfft, ang cute mo." Sabi n'ya sabay nakaw ng halik. Ginamitan ko naman s'ya ng hakipdo ko at yun, BOOM! Semplak sa sahig.


"A-Aray.." Sabi n'ya habang hinihimas ang likod n'ya. "Sa susunod, mag-ingat ka na. 'Di mo alam ang kaya kong gawin." Sabi ko naman at inayos ang damit ko. "Sus." Sabi n'ya at humiga ulit sa kama ko. "Patabi na kasi." Request n'ya ulit. Tumalikod na lang ulit ako at hinayaan s'ya. Humiga naman s'ya sa tabihan ko at niyakap ako. Kahit awkward, ayos lang naman. Atleast, 'di na ganoong kalamig.

ChanBaek : ConfusedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon