( at dahil reklamador si Kevin bigyan natin ng POV )
KEVIN's POV.
FLASHBACK..
Naglalakad ako ngayon dito papunta sa Dating tagpuan namin ni Krystal, likod ng school, pag boring ako dito ako pumupunta pero nabigla ako sa nakita ko.
SI KATE AT YOHAN yun ahh. Tinignan ko maayos , tama nga ako sila nga, at ang nakakabigla pa naka backhug si Kate?? Sa pagkakaalam ko ayos na si Yohan at Yumi bakit iba nanaman kasama ni Yohan at Si kate pa talaga ha. Tinitignan ko lang sila habang nag uusap di ko sila maintindihan dahil malayo sila sa lugar kung nasan ako. Makaalis na nga baka makita pa nila ko.
Umalis na ko sa lugarkung nasan sila, pumasok na ko sa Campus, habang naglalakad sa Corido ng school ay nakasalubong ko si Krystal di naman ako pinansin kaya tinawag ko na.
" Dolphin. " Tawag ko pero di ako pinansin ang snob kahit kailan -_-
" Hoy Phin! " Sigaw ko.
" Bakit ba!? " Tanong nya at humarap sakin.
" Why so bitter? " Tanong ko at ngumiti ako.
" Paki mo? Bakit di ka gumaya? " Sabi nya with her famous Glare.
" Wala ka paring pagbabago noh phin? " Tanong ko at lumapit ako.
" Bakit mo ba ko pinapakialaman? Maghanap ka ng babadtripan mo o kaya yung Girlfriend mong mukang allien from neptune ang bwisitin mo ! " Sabi nya sabay walk out, problema nun? Hmpf. Bahala nga sya. Escape na nga lang ako.
Habang naglalakad sa Campus nakasalubong ko si Kate. Makangiti sya wagas parang wala ng bukas.
END OF FLASHBACK..
I'm now at the Garden ng School, may nakasulat na X.O Garden, sino ba mga yun? Mas gwapo pa ko dun -_- Si Baekhyun? Yung Bias ni Author di gwapo yun, pati si Chanyeol na Bias ng pinsan ni Kate, sus matangkadlang yun malaki pa tenga -_-
( A/N : Hoy Kevin! Manahimik ka jan baka gusto mo ng mawala sa Story.)
Dejk lang po author *peace sign* Si Chanyeol lang pala ang pangit.
(hyo:aba kevin gusto mo isuggest ko kay krysie na di ka balikan ipapasalvage ka namin ni kate mwahahahaha)
Ang papangngit ng ugali nyo, sige na gwapo na sila , Pero mas gwapo si Myungsoo *wink*
(A/N and Hyo: *death glare* )
Okay fine mananahimik na nga diba? Pangit na kami sige.
Teka nga lang bakit ba ko nakikipag usap sa inyo? -_-
Nasan na nga ko? Ahh Oo nandito pala ko sa XO Garden ngayon, Muni-muni lang nang biglang dumaan sina Kate at Yohan.
Masyado na kong na ccurious sa dalawang to kaya tinawag ko na sila.
" Yohan! " Tawag ko at nakita ko sa mga mukha nila ang pagka gulat.
D______O O_______O
Ang papangit ng reaction ahh -_-
Lumapit na ko sa kanila.
" Anong meron? Bakit ganyan mga mukha nyo? " I asked them without any Expression.
" A-Ah , E-Ehh Nagkasabay lang / Wala may inutos lang samin . " Sabi nilang magkasabay pero di pareho ang sagot. Tinignan ko sila ng pokerface at medjo na Awkward sila.
" What's happening? " Tanong ko.
" U-Uh Y-Yohan pasok na ko " Sabat ni Kate, tumango naman si Yohan habang ako tinitignan lang si Kate paalis.