KEVIN's POV
I will find Arvie and kill him. Kasama ko si Krystal.
" ARVIE LUMABAS KA JAN! " Sigaw ko pero walang lumalabas.
Naglakad pa ako hanggang makarating sa gitna ng building.
" How are you Kevin? "
Biglang may nagsalita sa mga likuran ko kaya humarap agad ako.
" Arvie nasaan ang anak ko?! " Galit na galit kong sabi.
" Hi Krystal, you're still the same, still beautiful. " Pang-aasar ni Arvie.
" Arvie please ipakita mo na si Krizziah. " Umiiyak na sabi ni Krystal habang nasa likod ko.
sumenyas si Arvie sa mga tauhan nya at inilabas nila si Krizziah, nakatali ang kamay sa likod at may mga sugat.
" DADDY! MOMMY! " Biglang sigaw ni Krizziah at may tumulong luha sa mga mata n'ya.
" Krizziah! " Lalong umiyak si Krystal nang makita ang kalagayan ng aming anak.
" Hayop ka Arvie pagbabayaran mo 'tong ginawa mo! " Sigaw ko sa kan'ya.
Kinuha n'ya si Krizziah mula sa mga tauhan n'ya at tinutukan n'ya ito nang baril sa ulo.
" Da-Daddy... " Bakas ang takot sa aking anak.
" Krystal lumapit ka dito at ibibigay ko si Krizziah sa Daddy n'ya. " Sabi ni Arvie.
" Sige babalik ako sa'yo pero please lang Arvie, i'm begging you hayaan mo si Krizziah. " Umiiyak pa ring sabi ni Krystal.
" Krystal no! " Bulong ko sa kan'ya.
" This is the only way para mailigtas si Krizziah Kevin. Ayokong mapahamak ka lalo na si Krizziah, matagal ko na s'yang nakasama at gusto ko maranasan mo ang maging ama sa anak natin. I love you Kevin. " Umiiyak n'yang sabi na tila nagpapaalam na.
" No Krystal please. Ililigtas ko si Krizziah. " Sabi ko at hinawakan s'ya sa pisngi.
" Hindi pa ba tapos ang drama n'yo? " Nang aasar na sabi ni Arvie.
" Mommy don't do this please. Hayaan mo na ko, gagawin mo lang miserable ang buhay mo sa lalaking ito. " Sabi ni Krizziah.
" Tumahimik ka! Kung hindi ipuputok ko tong baril sa ulo mo! " Saway ni Arvie sa kan'ya.
Biglang nagpaputok si Darryl mula sa likuran nina Arvie kaya nakatakbo si Krizziah papunta saamin.
" Mommy! Daddy! " Niyakap kami ni Krizziah.
Nagsunod sunod ang mga putok nang baril sa mga tauhan ni Arvie.
" Tumakas na kayo Krystal! Itakas mo si Krizziah! " Sabi ko sa dalawa.
" paano ka?! Hindi kami aalis nang wala ka Kevin. " Sabi ni Krystal habang umiiyak.
" Krystal please, iligtas mo sarili mo pati si Krizziah, kaya ko ang sarili ko. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal ko kayong dalawa. " Sabi ko at niyakap sila.
Biglang may namaril sa lugar namin at naka iwas kami.
" TUMAKBO NA KAYO! " Sigaw ko at tumakbo sila, binaril ko yung bumaril sa amin.
Hinanap ko ang mga kasama ko.
Hindi pwedeng makatakas si Arvie, pagbabayarin ko s'ya sa mga kasalanang ginawa n'ya.
Halos mga tauhan ni Arvie ay naubos sa mga pamamaril ng mga kasamahan ko.
" Kevin! " Sigaw ni Jamville mula sa likod.
" Ayus lang ba kayong lahat? " Tanong ko sa kanila.
" Oo ayus lang kami, nasaan si Krystal at Krizziah? " Tanong ni Darryl.
" Pinauna ko na sila, hahanapin ko pa si Arvie, hanapin n'yo sina Krystal at mauna na kayo, hindi pa ko tapos kay Arvie, pagbabayarin ko pa s'ya sa pananakit sa Anak ko. " Sabi ko sa kanila.
" Hindi ka pwedeng maiwang mag isa dito Kevin delikado lalo na wala pa yung mga pulis. " sabi ni David.
" David please, kailangan kong masigurado na ligtas ang mag ina ko, mauna na kayo. " Sabi ko, sumunod naman sila at hinanap ang dalawa.
" ARVIE! LUMABAS KA! " Sigaw ko pero wala pa ring lumabas.
" Takot ka na ngayon? Nasaan ang tapang mo kaninang hayop ka! " Sigaw ko.
" Kevin. " Nag salita si Arvie mula sa likuran kaya humarap ako at itinutok ang baril ko sa kan'ya.
Ngunit hindi ko inaasahan ang nakita ko.
Hawak n'ya si Krystal.
" Ito ba ang hinahanap mo? " Nanginig ang buo kong katawan dahil nakatutok ang baril kay Krystal.
" Wag na wag kang mag kakamaling saktan s'ya Arvie, ako mismo ang papatay sa'yo. " Nanginginig ako sa galit kay Arvie.
" Ke-Kevin, u-umalis ka na. " Umiiyak na sabi ni Krystal, nabakas ko sa mukha n'ya ang takot.
" Ibaba mo 'yang baril mo kung gusto mo pang makitang buhay ang babaeng pareho nating mahal. " Sabi n'ya.
" kevin DON'T! " Sigaw ni Krystal.
KRYSTAL's POV.
" Krystal ano bang pagkukulang ko sayo?! Binigay ko naman lahat diba? I spend my life kasama ka, itinuring kong anak si Krizziah, ano pang kulang Krystal ANO?! Bakit yang lalaking yan pa rin ang mahal mo?! BAKIT?! " Galit na galit na sabi ni Arvie sa'kin habang nakatutok pa rin sa ulo ko ang Baril.
" Arvie, hindi kita mahal, simula pa lang alam mong si Kevin ang mahal ko! " Sagot ko pero ngumisi lang s'ya.
" Sige panuorin mo paano ko patayin ang lalakeng pinag mamalaki mo! " Sabi n'ya.
" Ibaba mo yang baril mo Kevin! " Sigaw nito kay Kevin.
Inuunti-unti binababa ni Kevin ang baril nang malapit na sa may Sahig ay pinaputukan n'ya si Arvie kaya natamaan ito sa balikad, tumakbo agad ako papunta kay Kevin.
" Umalis na tayo Kevin tara na! Sabi ko pero hindi ko inaahasan ang sumunod na nangyari.
Binaril ni Arvie si Kevin at natamaan ito sa Tyan, tatlong beses n'ya itong pinaputukan.
Dumating sina Darryl at binaril si Arvie hanggang matumba ito at mamatay.
" ke-kevin! " Umiiyak kong sabi habang hawak si Kevin na nakahandusay sa Sahig.
" A-Ayus ka l-lang ba? " Kahit hirap sa pagsasalita ay pinipilit n'ya pa rin.
" Kevin please wag mo kaming iwan. " Sabi ko sa kan'ya.
May dugong lumabas sa bibig n'ya. KEVIN No!
" A-Alagaan mo si K-Krizziah, Lagi n'yong ta-tandaan na mahal na mahal ko kayo. "
" Tumawag kayo nang ambulansya! " sigaw ni Darryl.
" Kevin wag kang bumitiw please. Kailangan ka namin ni Krizziah. Please lumaban ka! " Wala pa ring humpay ang iyak ko.
" Sa-Salamat sa pangalaaang pagkakataon na bi-binigay mo, bi-binigyan mo ko nang pagkakataong makabawi sa inyo. " Sabi n'ya.
" Kevin wag ka mag salita nang ganyan please! " Ngumiti si Kevin sa huling pagkakataon at ipinikit n'ya ang kan'yang mga mata.
" KEVIN! GUMISING KA PLEASE! KEVIN! W-WAG MO KAMING IWAN! " Humagulgol ako sa iyak.
Kevin bakit?
—