KABANATA 6: Save me!

27 6 0
                                    

"Kung may kinalaman ka sa pagkawala ng Bata Ria, ngayon palang sabihin mo na dahil sa oras na malaman ko na ikaw ang may kagagawan nun mananagot ka sakin," galit na sambit ni Gray sakin.


Matalim ko siyang tinitigan at tumayo ako upang mag kapantay kami."Bakit papatayin mo ako? Ngayon palang gawin mo na Gray. so that I can be freed from your evil deeds," matapang kong sambit at isang malakas na sampal ang dumampi sa pisngi ko hanggang sa mapahiga akong muli sa kama.




"Do you think I will kill you just like that? Hindi Ria, hindi kita hahayaan na maging malaya," aniya at ngumisi sakin.

Tila wala na sa katinuan ang mga kilos niya mukhang nasakop na nga talaga siya ng kasamaan.


"Then it's better to kill myself, kung hindi mo kayang gawin, ako ang gagawa."



Mabilis ko na kinuha ang kutsilyo sa pantalon ko at hiniwa ang palapulsuhan ko. Mabilis na tumagas ang dugo habang si Gray ay namimilog ang tingin sakin dahil sa pagka gulat.


Kung ito ang paraan Gray para matapos na ang pag durusa ko dito gagawin ko, handa na akong mamatay para sa kalayaan ko, Handa na akong mamatay makalayo lang ako sayo Gray.



"Fuck! you're going crazy!" natatarantang sigaw niya. Agad siyang lumapit sakin at hinawakan ang kamay ko upang tignan ang tumatagas na dugo.


"Heron! Fuck Heron! " sigaw niya habang ako ay paunti unting nakakaramdam ng hilo, Pilit ko na idinidilat ang mata ko na napapapikit na dahil sa panlalabo ng paningin ko.




"Master ano, What the hell!" bulyaw ni heron dahil sa gulat sa nangyari sakin.


"Tawagin mo ang doctor Hurry up!"



Marahan niya akong inihiga sa kama at tila ingat na ingat siya sa pag hawak sakin.

Sa bawat pag tibok ng puso ko ay tila damang dama ko ang sakit na nararanasan ng buhay ko ngayon. Gusto kong umiyak at magmakaawa sa langit na sana ay makaligtas ako sa impyerno na ito at may dumating na isang tao na sasagip sakin. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ang mabuhay ng isang araw sa lugar na ito.



"Kamusta siya maayos na ba ang lagay niya?" tanong ni Gray sa doktor habang ako ay na nanatiling nakapikit at nag kukunwari na tulog.


"Maayos na siya, mabuti nalang at mabilis lang na naagapan," sagot naman ng doktor sa kaniya.


"Ganun ba mabuti naman, Umalis kana."



"Siya ba ang nawawalang anak ni Arthur Zamora?" tanong ng doktor kay Gray, idinilat ko ang mata ko at napansin ko ang matalim na titig ni Gray sa doktor.





"Bakit mo natanong? Kasama pa ba yan sa pag check mo sa lagay niya?"


"H....Hindi po, Ang alam ko lang ay matagal na siyang hinahanap. Sana lang ay ibalik mo na siya, mayroon parin naman kayong-"


"At Sino ka para pangunahan ako?" galit na wika ni Gray at hinugot ang baril na nasa likuran niya.


"W...Wala po pasensya na."


"Walang pasenya pasenya, Sana lang magawa mo din buhayin ang sarili mo," wika nito na ikinabilog ng mata ko.




Ang kawawang doktor ay kaagad na lumuhod dahil sa labis na takot, kaagad din Akong bumangon para pigilan si Gray ngunit kaagad niyang tinutok ang baril sa ulo nito.



"Gray! Itigil mo nga yan!" sigaw ko.



"Parang awa mo na wag mo akong papatayin," pagmamakaawa ng doktor habang ang mga luha niya ay nangigilid na sa kaniyang mata.



The Mission COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon