KABANATA 13: Life and Death

25 7 0
                                    

Marahan ang mga hakbang ko at halos hindi ako makahinga ng maayos dahil sa labis na pag iingat ko na huwag magising si Gray. Kailangan kong mahanap ang susi dahil siguradong nag hihintay na si Heron sakin sa loob ng Kulungan.

Agad akong nag tungo sa tabing mesa ng kaniyang kama kung saan mahimbing siya ngayong natutulog, dinig ko ang hilik niya habang dahan dahan kong binubuksan ang cabinet.


"Hmmmm...." ungol niya na nag patigil sakin.



Mariin akong napapikit at nakahinga ng mapansin ko na mahimbing ang tulog niya, hinanap ko agad sa cabinet ang susi pero wala akong nakita. Napabaling ako sa pantalon niya na nasa sahig at agad kong hinanap sa bulsa nun ang susi pero wala din doon.

Dahan dahan akong nag lakad at pumasok sa walk in closet niya at nilibot ko agad ang tingin ko sa paligid. Binuksan ko ang mga cabinet na nandoon pero wala akong susi na nakita.


"Eto ba ang hinahanap mo?"



Namilog ang mata ko ng makita si Gray na nakatayo sa likod ko habang hawak niya sa kamay niya ang susi na hinahanap ko. Marahan siyang nag lakad palapit sakin habang ako naman ay paatras ng paatras.



"Hmmm Ria, ngayon ka lang pumasok dito sa kwarto ko at para lang kunin ang susi na ito," aniya gamit ang namamaos niyang boses.

Nang makalapit siya sakin ay inilapit niya ang labi niya sa tenga ko at damang dama ko ang mainit niyang hininga.


"You smell so good Ria."


Halos tumaas ang balahibo dahil sa nakakapangilabot niyang pag bulong sakin, Nanatili akong nakayuko ngunit hinawakan niya ang baba ko para iangat ang tingin ko sa kaniya.



"Look at me Ria. Sabihin mo nga sakin kung bakit palagi mo akong tinatraydor?" bulong niya.


Ibinato niya ang susi sa kung saan at marahas akong isinandal sa dingding.


"Gray Please!" pagmamakaawa ko sakaniya.



Umawang ang labi niya at sandaling sumulyap sa labi ko, sumilay ang ngisi sa labi niya at dahan-dahan na inilapit ang mukha niya sakin hanggang sa dumampi na ang labi niya.



"Gray ano ba lumayo ka sakin parang awa mo na!" sigaw ko at pilit na itinulak siya sa dibdib.


Ang hubad niyang katawan na tanging boxer lang ang suot ay mayabang na nakalantad sa harapan ko. Inagaw niya ang kamay ko at ipinatong sa hubad niyang dibdib, dama ko ang konting balahibo nito at ang tigas na parang matigas na pader.



Mariin akong napapikit habang siya naman ay seryoso na nakatitig sakin.



"Sakin ka lang Ria, mahalin mo ako at ibibigay ko sayo ang lahat ng hilingin mo. Mahalin mo ako at pakasalan at kapalit nun ay ang kalayaan mo," seryoso niyang sabi.



"Bubuo tayo ng pamilya at mabubuhay sa malayong lugar, kakalimutan natin lahat ng ito at pipilitin ko na mabuhay ayon sa gusto mo."


Kumirot ang puso ko dahil sa mga mata niyang naluluha na nakatingin sakin.


Kahit ano pa ang ialay mo sakin Gray hindi mo matuturuan ang puso ko na mahalin ka.



"Mahal na mahal kita Ria, ilang taon na akong nag papaka gago sayo. Nagbibingi bingihan at pilit na ginagawang manhid ang sarili ko wag lang makaramdam ng sakit satuwing pinapamukha mo sakin na hindi ako kamahal-mahal."


"Gray please itigil na natin lahat ito. Wag na natin ipilit yung mga hindi na mangyayari, kung hindi nangyari lahat ng ito baka may pag asa pa na mahalin kita pero wala na! Mulat na mulat na ang puso ko sa lahat ng mga masasama mong ginawa hindi ko na kayang makita pa yun!"



The Mission COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon