OTHER'S POV
"HANAPIN MO NA SI VENUS KAMI NG BAHALA DITO!" sigaw ni Red habang hawak sa leeg ang isang tauhan ni Gray.
Mabilis na tumakbo si Thor paakyat sa hagdan habang ang mga kaibigan niya ay pilit na hinaharang ang mga tauhan ni Gray. Hindi ng mga ito inasahan ang biglaang pag lusob ng Black lion kung kaya't maging si Gray ay nag tago sa kung saan at mukhang nag hahanda na din sa pag haharap nila Ng dating mga kaibigan.
Isang malakas na suntok ang natamo ni Red sa sikmura napaupo siya ngunit hindi niya yun ininda, pilit niyang inabot ang bakal na tubo na nakita niya sa sulok at malakas na hinampas iyon sa likod ng kalaban hanggang sa mawalan ito ng malay at tuluyang matumba sa sahig. Tumayo si Red na nakahawak sa kaniyang tiyan at pinunasan ang dugo sa kaniyang labi.
Nilibot niya ang tingin sa paligid ngunit hindi niya mahagilap si Bradley at Kaizer, ang tangi lang niyang nakikita ay ang mga kalaban na nakahandusay na sa sahig, Kinuha niya ang isang baril na hawak ng walang malay na kalaban at kaagad siyang nag tungo sa taas upang hanapin ang mga kaibigan niya.
"Mukhang nilason na ang iba dito, Yung mga babae nalang sa taas ang kailangan natin pakawalan," sambit ni Bradley habang bakas ang mga dugo sa kaniyang puting damit.
Pinag masdan nila ang mga wala ng buhay na bilanggo, mukhang kakamatay lang ng mga ito dahil sa pagkalason. At sinadya itong gawin para wala ng makatakas at pinili nalang nila itong patayin.
"Ako ng bahala sa mga bihag ang mabuti pa hanapin mo nalang si Red," sambit ni Kaizer sa kapatid at kaagad din na umalis at nag tungo sa mga babaeng bihag na madalas ibenta sa mga dayuhan.
Tila isang malagim na araw ang naganap sa Mansion ni Gray, kung saan marami ang namatay at binawian ng buhay. Ngunit Walang epekto ito kay Gray nakangisi lamang siyang nakaupo habang pinapanuod sa CCTV ang pakikipag laban ng black lion. Masaya siya sa mga nakikita niya, napatumba man ng mga ito ang mga tauhan niya ay talong talo parin ang mga ito dahil hindi pa nila natatagpuan si Venus, At ilang minuto nalang ay mahuhuli na sila dahil siguradong nag aagaw buhay na ngayon ang prinsesa na nais nilang isalba.
"VENUS! NASAN KA! NANDITO NA AKO!" sigaw ni Thor habang nililibot nito ang tingin sa paligid ng pool area.
Walang siyang nakita ni Anino ni Venus. Agad siyang tumalikod para umalis ngunit napatigil siya ng makarinig siya ng kung anong ingay sa ilalim ng tubig. Lumapit siya dito at namilog ang mga mata niya ng makita ang babae na hinahanap niya.
Hindi na siya nag dalawang isip pa at kaagad niya itong nilusong, halos madurog ang puso niya ng makita ito na nakapikit na at wala ng malay at tanging panloob lang ang suot nito pang itaas, hindi alam ni Thor kung ano ang dapat mauna sa nararamdaman niya, gusto na niyang manakit ngayon din ngunit mas kailangan niyang unahin na masagip ang buhay ni Venus. Agad niya itong binuhat paitaas at agad na Binigyan ng hangin gamit ang kaniyang bibig. Halos yugyugin niya ang katawan nito ngunit parang hindi ito nakakakatulong.
"BABY WAKE UP! NANDITO NA AKO!" sambit niya habang natataranta at nanginginig pa ang katawan sa pagod.
Ipinatong niya ang ulo ni Venus sa kaniyang mga hita at paulit ulit itong binigyan ng hangin.
"VENUS PLEASE! PARANG AWA MO NA GUMISING KA!"
Hindi mapigilan ni Thor ang pag luha habang nanginginig ang kaniyang katawan sa galit. Gusto na niyang pumatay ngayon din at wala na siyang pakealam kung habang buhay pa siyang mabulok sa kulungan, hindi niya matanggap sa sarili niya na nahuli siya ng Dating at Sobra sobrang hirap ang sinapit ng Mahal niya.
BINABASA MO ANG
The Mission COMPLETED
RomanceMaria Venus Cecilia Zamora is a brave woman, she is the daughter of a billionaire. But her life changed when she was kidnapped and hidden for two years. Hindi naging madali ang pinagdaanan ni Venus sa mga sindikato Ngunit umaasa siya na darating din...