Simula

89 13 7
                                    

THOR MIGUEL CARIZON




"Good morning Mr. Carizon, Thank you for accepting my invitation," wika ni Arthur sa lalake na kakaupo lamang sa tapat ng kaniyang table.


"What do you need, Mr. Zamora?" tanong naman nito habang Matalim na tinititigan ang may edad na lalake sa harap niya at Tila nagtataka siya kung bakit siya nito pinatawag matapos ang dalawang taon.


"Kailangan ko ng tulong ng iyong grupo at handa akong mag bayad kahit magkano pa ang gusto mo."


Sumilay ang ngisi sa labi ni Thor dahil sa sinabi nito. "Alam mo kung ano ang matagal ko ng Gusto Mr. Zamora. Now you're asking me for help after taking the girl I love away from me? That's bullshit Mr! Hindi ko kailangan ng pera mo."


Tumayo ito at tinitigan ng matalim ang matanda na nasa harapan niya na tila punong puno siya ng galit dito.

"Matagal ng nabuwag ang samahan ng black lion. Wala akong maitutulong sayo," dagdag nito at agad tinalikuran ang matandang sumira ng kaniyang buhay noon.



"Venus has been missing for two years! Hindi ko siya inilayo sayo. May mga dumukot sa kaniya at hanggang ngayon ay hindi ko pa alam kung sino."

Tila isang patalim ang bumaon sa kaniyang puso ng marinig ang sinabi ni Arthur dahil dalawang taon niyang inakala na iniwan na nga talaga siya nito, dalawang taon niyang pinarusahan ang sarili dahil sa labis niyang kalungkutan sa pagkawala ng babaeng pinakamamahal niya.

Muli siyang bumaling kay Arthur at tinitigan niya ang mata nito na may nangingilid na luha. "You want me to find Venus? Bakit?" tanong nito kay Arthur na may bakas pa ng pagtataka sa kaniyang mukha, hindi niya alam kung paniniwalaan pa niya ang Ama ng babaeng minahal niya matapos ng lahat ng ginawa nito sa kaniya



"Because I know you can, at Sa oras na matagpuan mo ang anak ko, handa akong ibigay ano man ang gustuhin mo," aniya.

Saglit na napaisip si Thor habang ang matalim niyang titig ay hindi inaalis sa lalakeng kaharap niya ngayon.



"Are you sure that you will give me anything?" sagot ni Thor dito at sumilay ang ngisi sa kaniyang labi.


Nakaramdam ng pangamba si Arthur ngunit walang wala yun sa pangungulila niya sa kaniyang anak.


"Yes Mr. Carizon. marunong akong tumupad sa usapan!" wika pa ni Arthur.


"Then Deal Pero hindi ako sigurado kung magugustuhan mo ang hihilingin ko," wika nito ng may ngiti sa labi.



Hindi na nakaimik pa si Arthur dahil sa pangamba niya sa kung ano ang hihilingin ni Thor sa kaniya sa huli, ngunit sa ngayon ang tanging mahalaga sa kaniya ay ang matagpuan niyang buhay ang pinakamamahal niyang anak na si Venus.

The Mission COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon