Ang Wakas

49 6 0
                                    

The worst thing I have done in my life is the one time I gave up on the person I love, which caused more than two years of pain.


Naisip ko kung hindi ko ba sinukuan si Thor noon ay hindi ba mag tatagumpay si Gray sa mga plano niya? Hindi kami mag kakahiwalay ni Thor at walang taong masasaktan. Pero naganap na ang mga nangyari, nag simula man sa maraming sakit, pag durusa, at takot. Mag wawakas naman ito ngayon sa isang Aral na maaari kong dalhin sa habang buhay na paglalakbay ko sa mundong ito patungo sa kamatayan.




"Anak sobrang saya ko at maayos kang nakabalik!" sambit ni Daddy na kakapasok lang ng silid ng ospital.



Mahigpit akong niyakap ni Daddy habang hinahaplos ang buhok ko, halos maluha ako dahil sa sobrang saya ng puso ko. Sa wakas kasama ko na ulit ang Daddy ko at hindi na ako papayag ulit na mag kahiwalay pa kami.



"Dad sobrang na miss kita!" bulong ko habang namamaos pa ang boses ko.



"Ganun din ako anak, halos mabaliw ako sa pag hihintay at kakaisip. Ayokong mawalan ng pag asa dahil paulit ulit ko na naririnig ang boses ng mommy mo sa panaginip ko."



Ang malalim na mata ni Dad ay maamong nakatitig sakin habang ang kamay niya ay mahigpit ang kapit sa kamay ko na parang mawawala ulit ako sa kaniya.



"Si Gray nasa operating room, hindi ako papayag na mamatay siya ng hindi pinagbabayaran ang kasalanan niya sa kulungan," sambit ni Daddy na ikinabago ng ekspresyon ng mukha niya.



Saglit akong natulala ng maalala ang mga huling nangyari sa lugar na yun, parang bangungot parin yun sakin na kapag na aalala ko ay agad akong nakkaramdam ng matinding takot.




"Ang Black lion Maayos na ba sila?"


"Si Red at kaizer Maayos naman na, Pero si Thor nasa ER parin."



Napabuntong hininga ako at Gustong gusto ko siyang puntahan ngayon doon pero alam ko na hindi pa papayag si Daddy dahil kailangan ko muna na manatili dito sa kwartong ito.


Napakalaki ng utang na loob ko sa Black lion at lalo na kay Thor, alam ko na ginawa niya lang ito dahil sa utos ni Daddy. Ginawa niya parin sa kabila ng mga masasakit na dinanas niya noon dahil sakin at hindi ko alam kung tama pa ba na pag bigyan ko ulit ang puso ko na mahalin siya dahil natatakot na ako, Takot na takot ako na maranasan ulit ang lahat dahil lang sa pagmamahal.


"Nakaayos kana ba anak?" tanong ni Dad.



Tumango ako sa kaniya at kaagad pumasok ang mga body guard niya para kunin ang bag ko.



"Uuwi na tayo," aniya at hinawakan ako sa kamay na parang isang bata na pwedeng mawala.


Nanginginig ang mga binti ko ng makalabas kami ng silid ng ospital, natatakot ako na baka sa isang iglap ay may dumukot na naman sakin at maulit ang lahat ng nangyari.




"Don't be afraid, Your Daddy is right here!" malambing na sabi ni Daddy na nag palakas ng Loob ko.




Nakalabas kami ng ospital at nakasakay sa kotse ni Daddy habang may nakapaligid samin na mga body guards, Tulala lang ako habang nasa byahe kami pauwi sa bahay. Tatlong araw din ako na nanatili sa ospital, at kampante na din ako dahil mukhang maayos naman na ngayon ang Black lion gustuhin ko man na bisitahin sila ay hindi pa pwede dahil kailangan ko muna siguraduhin na nasa kulungan na ang mga dapat makulong.




"Bibisitahin ko ulit ang Black lion sa ospital, ikakamusta nalang kita sa kanila," sabi ni Daddy ng maihatid na niya ako sa silid ko.

Hindi ako sumagot at tanging pag tango lang ang nagawa ko. Hinalikan ako ni Daddy sa noo bago siya tuluyang lumabas ng Kwarto ko.


Nag libot ako ng Tingin sa kabuuhan ng Kwarto ko, wala parin itong pinag bago at kahit isang gamit ay walang binago si Daddy hinaplos ko ang kama ko at halos maiyak ako sa sobrang saya. Nandito na nga talaga ako! Naka uwi na nga talaga ako.


Nahiga ako sa kama habang nakatitig sa ceiling, hinahayaan ko na tumakbo sa isip ko ang mga naganap ilang araw palang ang nakalipas Hanggang sa maka idlip ako.


Isang malakas na kalabog ang narinig ko na nag pagising sakin, kaagad akong bumangon at dahan dahan na humakbang.

Alam ko na galing sa labas ang ingay na yun, nilibot ko ang tingin sa kwarto ko nang makita ko ang vase ay kaagad ko yun kinuha at nag simula na akong mag lakad palabas ng kwarto ko. Ang madilim na paligid ay nababalot ng katahimikan, walang katao tao dahil mukhang tulog na din ang mga katulong.





"Sinong nandiyan?" tanong ko ngunit walang sumagot sakin.



Nakababa ako sa living Room at isang anino ang natanaw ko na nakatayo sa di kalayuan, nakatalikod siya at naka suot ng itim na jacket at Sumbrero.



"SINO KA!"



Dahan sahan siyang humakbang palapit sakin at nang maliwanagan ng ilaw na galing sa bintana ang kaniyang mukha ay tumamabad sakin ang nakangisi at kakaiba niyang titig.



"GRAY!"




Ibinato ko ang Vase sa kaniya ngunit kaagad niya akong nahila at nahawakan sa leeg. Tinutukan niya ako ng kutsilyo at dinig ko sa tenga ko ang mabilis niuang pag hinga.



"Did you miss me Ria my Queen?" bulong niya sakin.

"Bi...Bitawan mo ako!"


"Bitawan ka? Sige madali naman akong kausap."



Tila isang iglap lang ay lumapat ang kutsilyo niya sa leeg ko at kaagad niya akong binitawan hanggang sumalampak na lamang ako sa sahig habang hawak ang tumatagas na dugo sakin.


"Goodbye Ria!"



Mulat na mulat ang mata ko habang nanginginig ako sa panghihina dahil sa daming dugo na lumalabas sa leeg ko, Napasulyap ako kay Gray na dahan dahan na nag lalakad palabas ng Bahay namin na parang walang ginawang Krimen.


Nangmanhid ang katawan ko hanggang sa bumagsak na ang mata ko at tuluyan ng tumigil ang pag tibok ng puso ko.

Kamatayan, hindi ko inaasahan na mararating ko ito ng maaga ng dahil lang sa pag ibig. Ang Daddy ko at ang mga taong mahal ko ang tanging maiiwan dito sa mundo para dalhin ang alaala na naiwan ko.

love is the scariest thing in the world, it can do everything, it can control and manipulate you, it can hurt you in an instant. Ngunit ito ang uri ng pag ibig na hindi dapat panaigin Because it is only a kind of selfish love. Hindi puro, hindi malinis, at madaling kumukupas.


Because pure and true love is like a gold, that even if it is mixed with chemicals it will never fade, Forever.

The Mission COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon