"Nakapag ayos ka na ba?" tanong ni Gray na kakapasok lang ng kwarto ko. Hindi ko siya sinagot at pinasadahan lang niya ng tingin ang kabuohang ayos ko.
"Bagay na bagay sayo ang suot mo Ria You are my queen, so you should be the most beautiful tonight."
lumapit siya sakin habang nakaharap ako sa salamin at marahan niyang hinalikan ang batok ko.
"Gray please," sambit ko at pilit ko siyang itinutulak palayo.
"Why? Bawal ba kitang halikan? Pagmamay ari kita Ria baka nakakalimutan mo," wika niya at tanaw ko sa repleksyon sa salamin ang nakakunot na niyang noo.
"Masisira ang ayos ko Gray please wag muna ngayon," sambit ko at kaagad naman siyang umatras palayo sakin.
"Tapusin mo na ang pag aayos mo, babalikan kita dito mamaya I'll just peek at the guests."
kaagad siyang lumabas ng kuwarto ko.
Napabuntong hininga ako at agad akong bumaling sa salamin upang pagmasdan ang suot kong black fitted na long gown, may biyak ang gilid nito na nagpapabungad sa mahaba kong binti, Habang Ang itim at mahaba ko namang buhok ay naka ponytail ng mataas.
Isang engrandeng party ang gaganapin dito ngayon sa Black house at ang tanging mga bisita ay ang mga business partners ni Gray at ng Grupo nila na galing pa sa iba't ibang bansa, I don't know what will happen today, but I have a strong feeling that this night will not go well. Sobrang laki na ng pinag bago ni Gray, at ngayon ko napatunayan na kapag ang isang tao ay nalulong sa masamang gawain ay tuluyan na siyang mahuhulog sa sarili niyang kasamaan hanggang sa maging normal nalang sa kanila ang pag gawa ng krimen at pumatay ng tao, At dahil sila ang nakakataas at marami silang pera hawak nila sa mga kamay nila ang hustisya.
Napabalikwas ako ng may marinig akong kalampag mula sa terrace agad na bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba, agad akong tumayo at dahan dahan kong hinawi ang kurtina na tumatakip dito ngunit isang malamig na hangin lang ang naramdaman ko.
Agad akong napahawak sa dibdib ko at nakahinga ng malalim, kaagad akong tumalikod at humakbang pabalik sa kinauupuan ko kanina ngunit namilog ang mata ko ng may biglang humila sakin at takpan ang bibig ko ng isang nanlalamig na kamay, isinandal ako nito sa dinding at unti unti akong nanlambot ng makita ko ang lalakeng nasa harapan ko.
"T-Thor!" gulat kong pagbanggit sa kaniyang pangalan.
Inalis niya ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko at inalis niya ang suot niyang mask na tumatakip sa bibig at ilong niya.
"I'm here now Venus!"
Tila nawala ako sa katinuan habang nakatitig ako sa mata niyang maamo at masuyong nakatitig din sakin.
"I saw the letter from you now i'm here, let's get out of here!" bulong niya sakin at muli kong naamoy ang napakabango niyang hininga na matagal kong hinanap hanap.
"Hindi pwede."
Kumunot ang noo niya dahil sa sagot ko." Why? Nandito na ako po protektahan kita!"
Hinawakan niya ang pisngi ko habang sinusuri ang malungkot kong titig sakaniya." Venus ang tagal kitang hinanap, hindi ako aalis ngayon ng hindi ka kasama," dagdag pa niya.
"Hindi ko puwedeng iwan ang mga tao dito. Si Manang at ang ibang bilanggo ni Gray dahil papatayin silang lahat hindi pwedeng ako lang ang makakalabas dito," paliwanag ko at marahang inalis ang pagkakahawak niya sa pisngi ko.
BINABASA MO ANG
The Mission COMPLETED
RomanceMaria Venus Cecilia Zamora is a brave woman, she is the daughter of a billionaire. But her life changed when she was kidnapped and hidden for two years. Hindi naging madali ang pinagdaanan ni Venus sa mga sindikato Ngunit umaasa siya na darating din...