KABANATA 12: Thor's anger

32 7 0
                                    

Love is not always a beautiful dream, it is also a nightmare that takes us to the edge of the pit, close to our death.





"Tulong....Tulungan mo ako," bulong ng babae na nakasilip sa rehas na pinag kukulungan niya.

"Ikaw ang Mama ng batang lalake hindi ba?" tanong ko rito at mabilis naman siyang tumango.



Punong puno siya ng galos sa katawan at tanging Underwear lang ang suot niya at mukhang pinagsawaan na siya ng mga tauhan ni Gray. Bakas sa mukha niya ang pag asa nang makita niya ako.


"Makinig ka sakin, ang anak mo ay nasa maayos ng kalagayan ngayon masisiguro ko yan sayo. Hintayin mo lang ako dito at babalikan kita para tulungan kayo na makatakas."



Sumilay sa mukha niya ang saya ng marinig ang sinabi ko.



"Meron lang akong kailangan hanapin ngayon."

Nag labas ako ng tubig at Tinapay sa dala kong bag at kaagad na ibinigay sa kaniya, mabilis niya yung tinanggap at agad niyang kinain dahil sa sobrang gutom niya.


"Mag iingat ka Miss," aniya at tumango nalang ako sa kaniya.



Mahigpit kong hinawakan ang baril ko at pilit na ikinubli ang takot at kaba habang tinatahak ko ang napaka haba at madilim na daan kung saan napapaligiran ng mga rehas na kulungan.



"Tulong! Tulong!" sigaw ng isang babae at mukhang wala na ito sa katinuan.



Puro galos din siya at wala na siyang saplot, pilit niya akong inaabot ng kamay niya ngunit hindi niya magawa dahil nakakadena din ang isa niyang paa.

Mabilis akong tumakbo hanggang sa marating ko ang pinaka dulo ng underground. Patay sindi ang pulang ilaw at na ngangamoy bulok ang hangin dahil na din siguro sa mga sari saring sugat ng mga bilanggo.



"RIA!"

Napabaling ako sa likuran ko at nakita si Heron na nakasilip sa rehas at punong puno siya ng sugat sa mukha, mayroon siyang hiwa sa kaniyang pisngi na mukhang sinadya itong gawin sa kaniya.

Maluha luha akong lumapit sa kaniya at kaagad niyang hinawakan ang kamay ko.




"Anong ginawa nila sayo, Heron i'm sorry!" sambit ko habang nangingilid ang luha ko dahil sa sobrang awa sa kaniya.


"Ayos lang ako Ria, tinorture nila ako at nalaman na nila na ako ang nag patakas kay manang. Ayos lang ako. Tatakas tayo dito pero kailangan mo muna makinig sakin," sambit niya at tumango naman ako kaagad bilang pag sagot.



"Anong dapat kong gawin."



"Nasa silid ni Gray nakatago ang susi ng mga kulungan, magagawa mo ba yun kunin?" aniya at bakas sa mga mata niya ang pangangamba niya. Agad akong tumango at matapang ko siyang tinitigan.



"Kaya ko Heron, kukunin ko hintayin mo lang ako dito."



Kinuha ko ang bottled water at Tinapay at inabot sa kaniya yun, sigurado akong gutom na siya at ayoko naman na matulad siya sa mga bilanggo na pinatay sa gutom ni Gray.




"Mag palakas ka, babalik ako."



"Mag iingat ka Ria," aniya at hinawakan ang kamay ko, at kaagad naman akong napabaling sa hawak kong baril at naisipan na ibigay ito sa kaniya.


"Sayo na ito Heron baka sakaling magamit mo habang hinihintay mo ako," ipinatong ko yun sa kamay niya at mariin lang akong tinitigan.

"Salamat Ria," aniya.


The Mission COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon