KABANATA 11: Kill my heart

28 7 0
                                    

"Kumain kana Ria," sambit ni Gray habang hawak ang tray at inilapag sa Mesa na nasa gilid ng kama ko.

Kaagad naman akong bumangon at naupo.


"May bisita ako Mamaya sana kaya mo ng bumangon diyan," aniya ngunit hindi ko siya inimik.


Inabot niya sakin ang kuyertos at naupo din siya sa upuan na tabi ng mesa at pinagmasdan ako habang nag sisimula na akong kumain.



"Kapag maayos na ang pakiramdam mo ipapasyal kita, kahit saang bansa mo gusto para hindi kana mainip dito," malambing niyang sabi at napabaling naman ako sa kaniya dahil sa kakaibang tingin niya sakin.



Sigurado akong nag kukunwari lang siyang mabait para makuha ang loob ko at hindi ako mag papatalo sa kaniya gamit ang mga matatamis niyang salita sakin.


"Sino ang bisita mo?"


"Kababata ko, She is also part of our group and one of the people I trust."



"Babae?" gulat kong tanong ulit sa kaniya at tumango naman siya bilang sagot sakin.


"Nagulat ka ata Ria? Bilisan mo na diyan kung kaya mo na, you can come with me so you can meet her too"



Hindi ko na siya sinagot at inabala ko ang sarili ko sa pagkain. Kailangan ko mag palakas at kailangan ko din makilala ang sinasabi ni Gray na babae, kailangan ko na kumilos para makatakas na ako sa lugar na ito. wala na akong pakealam kung gaano pa kagulo ang mangyari ang mahalaga sakin ngayon ay ang makalabas ako sa lugar na ito.



"Mag ayos kana babalikan kita dito," aniya at lumabas na ng kwarto ko.



Kaagad akong nag tungo sa banyo para maligo, nang matapos ay mabilis naman akong nag bihis suot ang itim na fitted Sleeveless na pinatungan ko ng Leather jacket at Faded na pantalon sa pambaba.

Hindi ko alam kung anong kaganapan ngayon dito pero kailangan kong malaman lahat ng galaw ni Gray at kapag nagkaroon na ako ng pagkakataon magagawa ko na din tumakas.




"Master Gray nasa baba na ang Bisita natin," sambit ng isang tauhan ni Gray na may hawak na baril.



Inayos ni Gray ang manggas ng itim na Longsleeve niya at itinupi iyon, bumaling siya sakin habang ang isa niyang mata ay natatakpan ng hibla ng buhok niya na humahaba na.




"Ria Bumaba na tayo," mahinanong sabi ni Gray at saka hinawakan ang isa kong kamay para hilain ako palabas ng kuwarto.



Bawat daraanan namin ay nakapaligid ang mga tauhan ni Gray halos lahat sa kanila ay naka maskara, tanging si Heron lang ang walang suot nito. Napatingin sakin si Heron at tila may sumilayna ngisi sa kaniyang labi ng makita ako.




"Magandang araw Boss!" bati ng Isang lalake na kakapasok lang sa Pintuan, Mukha hindi siya dito nag babantay siguro ay kasama ito ng bisita ni Gray.



Nanatili kaming nakatayo sa napakalawak na living room na napapalibutan ng napakaraming bantay. Tanging ako lang ang nag iisang babae sa lugar na ito.


"She's here," bulong ni Gray at kaagad na bumungad ang babae sa pintuan.



Nakasuot ito ng pulang fitted na dress at may suot pa itong sunglasses, hinubad niya yun at kaagad kong napansin ang mariin niyang pag tingin sakin habang papalapit siya.



"Hello Gray, long time no see!"


Agad na niyakap ni Gray si Hailey. "How are you Hailey?"



The Mission COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon