~The Mission's Special Chapter~

58 8 0
                                    

UNTIL THE END
~~



"Anak mauna ka ng pumasok, hihintayin nalang kita dito sa labas," sabi ni Daddy at agad naman akong tumango sa kaniya.

Dahan dahan kong pinihit ang Door knob ng Silid ng ospital at kabado akong pumasok.


Isang linggo na ang nakalipas mag mula ng Mailigtas ako ni Thor at ng mga kaibigan niya. Hindi ko naisip na aabot pa pala ako sa ganitong punto ng buhay ko. Isang malagim na panaginip ang halos pumatay sakin sa takot, ang akala ko patay na ako, ang akala ko totoo ang lahat ng nangyari Pero agad akong nagising nung paulit ulit ni Daddy na tinawag ang pangalan ko. Punong puno ng bangungot ang buhay ko na pilit kong tinatakasan gabi-gabi akong dinadalaw ng mga multo ng nakaraan na dulot ni Gray.

"Kamusta," bati ko ng mapabaling sakin Si Thor, namilog ang mata niya at mukhang hindi niya inaasahan na bibisitahin ko siya ngayon sa ospital.

"V...Venus!" banggit ng namamaos niyang boses sa pangalan ko.

Agad akong lumapit sa kaniya at inilapag ko sa mesa ang mga dala kong prutas, maayos na ang lagay ni Thor ayon sa Doctor niya kailangan nalang niya mag pahinga pero kahit ganon bakas pa din sa mata niya ang pagod at ang mga galos sa katawan niya.

"Why did you visit me just now? Miss na miss na kita."

Inabot ang kamay ko at mahigpit na hinawakan.

" Pasensya na, Nag pahinga din ako sa bahay at kaya lang ako nandito para masiguro kung okay kana ba talaga," seryoso kong sabi at napakunot siya ng noo nang alisin ko ang nakahawak niyang kamay sakin.

Hanggang ngayon hindi parin nawawala sa isip ko ang mga pictures na pinakita sakin ni Hailey. Ayoko siyang tanongin tungkol dun at gusto ko nalang umiwas at kimkimin sa sarili ko yung galit na nararamdaman ko.

"May problema ba? Hindi mo ba ako na Miss?"

Umiwas ako ng tingin sa kaniya at bumaling ako sa mga prutas itinuon ko ang atensyon ko dun at nag kunwari na inaayos yun .

"Kumain ka para lumakas ka kaagad at makalabas kana," seryoso kong sabi ngunit hindi niya ako sinagot at mariin lang siyang nakatitig sakin.

"Hey, look at me! May problema ba? Kakain ako mamaya mag-usap muna tayo."

Napabuntong hininga ako at muli siyang hinarap, mariin niya akong tinitigan at muli niyang hinawakan ang dalawa kong kamay.

"I know may problema tayo, Is it because of Hailey? Baby I saw the pictures she showed you, she just wants you to be mad with me. Matagal na yung mga pictures namin sa restaurant at yung nakahiga kami I was drunk then at pinag awayan na namin yun dahil kinuhaan niya ako ng Picture sa ganoong lagay ko. You know I only treat Hailey as a sister, and I can't have sex with a girl I don't love," nag susumamo niyang paliwanag sakin.

Nag kunwari akong walang pakealam pero sa loob ko ay biglang sumaya ang puso ko, pero hindi pwedeng bumigay ako agad dahil lang sa paliwanag niya.

"Okay, Wala na sakin yun. Nandito lang talaga ako para kamustahin ka aalis na din ako."

"No! Ang tagal kitang hinanap hindi ka aalis dito ka lang sakin," pag mamatigas niya na parang bata at mas lalo niyang hinigpitan ang pag kapit sa kamay ko.

"Nasa labas si Daddy, isusumbong kita kapag hindi mo pa ko pinalabas!" singhal ko sakaniya, napakunot ang noo ko ng sumilay ang ngisi sa labi niya at inilapit ang mukha niya sakin.

"Baby sakin ka na wala ng magagawa ang Daddy mo ngayon," bulong niya habang dama ko sa mukha ko ang paghinga niya.

Napalunok ako ng mapansin ang namumula niyang labi at ang mga mata niyang mapungay na nakatingin sakin.

The Mission COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon