KABANATA 4: The last dance

39 8 3
                                    

A night full of happiness, people danced and happily celebrated my nineteenth birthday. Sa iba ang gabi na ito ay isang magandang panaginip, na tulad sa mga fairytales. Humahanga sila sa mga taong mayaman at namumuhay na parang isang prinsesa ngunit hindi nila alam na kahit nasa kanila na ang lahat ay nababalot parin ng kalungkutan ang puso nila.



"Ladies and gentlemen. Tonight is the Nineteenth birthday of my beloved princess, Maria Venus Cecilla Zamora," wika ni Daddy at inabot ang kamay sakin at inalalayan ako papunta sa tabi niya.


Tanging dinig ko lang ay ang palakpakan ng mga tao at pakiramdam ko para akong nakalutang at walang gana sa mga nangyayari.


"I am very happy because my Daughter grew up loving and obedient even though her mother died early. Ang nag iisang kayaman ko at ang babae na po-protektahan ko ano man ang mangyari," aniya at bumaling siya sakin at kinuha ang kamay ko.


"Maari ba kitang isayaw anak?" aniya at tumango naman ako.



Pumagitna kami habang hawak ko ang kay Red kong gown, kumikinang ito gaya ng suot kong maskara.



"Napakaganda mo anak, kamukhang kamukha mo ang iyong ina."


"Salamat Daddy," tangi kong nasabi.


Dahan dahan ang sayaw namin habang hawak ni Dad ang isa kong kamay at ang isa naman ay nasa bewang ko habang Ang mga bisita ay nakisabay na din sa tugtog.


"Anak happy birthday," bati niya sakin.


"Thanks Dad, but this is my saddest birthday at alam ko na alam mo kung bakit," sagot ko Hinubad ni Daddy ang maskara niya kung kaya mas lalo kong napagmasdan ang mga mata niya na may bakas ng lungkot.

"I know, pero tutuparin ko ang hiling mo ngayon, like I usually do on your birthday," aniya at napakunot nalang ang noo ko ng iwan niya akong nakatayo sa gitna ng mga taong nag sasayawan.



Nanatili ako sa puwesto ko, tulala at tila napagiiwanan ng mga tao. Ngunit isang lalake ang nag pabilis ng tibok ng puso ko, lalake na may kakayahang pasayahin ang puso ko sa isang iglap lang.



"I will always come when you want to be happy."



Inabot niya ang kamay ko hinila niya ako palapit sa kaniya. Inalis niya ang maskara ko at hinalikan ako sa labi habang ang braso niya at pumulupot sa bewang ko.



"Baby i miss you," bulong niya sa tenga ko.


"Baka makita ka ni Daddy Thor," sambit ko habang ang mukha niya ay napakalapit sakin.


"I'm ready to die, Venus."



Kinuha niya ang kamay ko at inilagay sa balikat niya, pinag bigyan ko ang kagustuhan ng puso ko at kumapit ako sa batok niya. Halos magkadikit ang katawan namin habang sinasabayan ang tugtog.


Ang mata niya ay natatakpan ng itim na maskara at kahit ganoon ay nahuhumaling parin ako sa lalim ng titig niya. Ang mapula niyang labi na unang nagparamdam sakin ng isang matamis na halik. Ang mga simpleng bagay na ginagawa niya na nag papabilis ng tibok ng puso, Pero ang lahat ng yun ay huli ko ng makikita at mararamdaman.

Dahil ang gabi na ito, Ang pag sayaw namin, Ang paghawak niya sakin, Ang pag halik niya ay huli na.

"Bakit ka umiiyak?" tanong niya sakin at pinunasan niya agad ang luha ko, bakas sa mukha niya ang pag aalala at lungkot.


The Mission COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon