KABANATA 10: Mercy

35 7 0
                                    

OTHER'S POV


Isang malamig na hangin ang yumakap kay Thor habang siya ay tulala na nakatanaw mula sa terrace. Hindi niya batid kung anong paraan ang dapat niyang gawin upang maibsan ang kaniyang nararamdamang pangungulila, siguro nga ganito talaga kalupit ang mundo para sa kaniya dahil simula umpisa palang na nag mahal ang puso niya ay pilit ng pinagdadamot ng tadhana ang kaligayahan na inaasam niya.


Where are you Venus? I miss you so bad

Bulong niya habang ang mata niya ay kumikislap dahil sa pangingilid ng kaniyang luha.


Higit Dalawang taon ang nakalipas mag mula ng makulong siya, inasaahan niya na makikita niya si Venus doon para dalawin siya sa kulungan pero hindi yun nangyari. Gabi-gabi niyang naramdaman ang sobrang lungkot na halos ikabaliw na niya. Inisip niya na talaga ngang wala na itong pakealam sa kaniya kahit pa si Arthur ang may gawa kung bakit siya nakulong ng ilang buwan. Hanggang sa Lumabas na siya ng kulungan bitbit niya ang galit at sama ng loob sa babaeng minahal niya ng sobra pa sa pagmamahal niya sa kaniyang buhay.

"How can I live happily in this world, if I can't find the only woman I've ever loved?" bulong niya sa kaniyang sarili.


Mariin siyang pumikit kasabay ng pag tulo ng kaniyang luha. Mariin niyang naikuyom ang kaniyang kamao at nag igting ang panga niya sa labis na galit na nararamdaman.


Gusto niyang mag wala sa galit at at ubusin ang mga taong dahilan kung bakit nag durusa ang mahal niya ngayon, pero hindi niya magawa pakiramdam niya ay napaka walang kwenta niyang tao.



"Thor let's drink," pag aaya ni Hailey sa kaniya. Hindi niya ito pinansin at kahit isang sulyap ay pinagdamot niya rito.


"Hey Thor what's your problem?" tanong nito at hinimas ang braso ni Thor na nag patalim ng mga tingin nito sa babae.



"Stay away from me hailey!" singhal ni Thor.



Napakunot nag noo ni Hailey dahil hindi niya lubos maisip na magagawa siyang singhalan ng kababata niyang si Thor sa loob ng maraming taon nilang pagiging mag kaibigan.



"Hindi ko alam ang Problema mo Thor but your mommy ordered me to empathize with you now! Bakit mo ako sinisigawan!"



"Hindi ako namatayan Hailey, you are not the girl i need!" singhal muli ni Thor na nag pangilid ng luha ng magandang babae sa kaniyang harapan.


"Sino? Si Venus? Yung babae na pinaghihirapan mo na mahanap ngayon, is she willing to come back to you? Kung gusto niya matagal mo na sana siyang kasama pero hindi! Dahil hindi na ikaw ang mahal niya. why is that not clear to you?"


"Wala kang karapatang sabihin na hindi na ako ang mahal niya, because she seems to be dying waiting for me now at ganon din ako! I feel like I'm going to die because I can't do anything to find her now," galit na wika ni Thor habang matalim na tinititigan ang mga mata ng babae na nangingilid na ang luha." Wala kang alam. So don't you ever say that she doesn't love me anymore," dagdag nito at nagtangka ng umalis sa harapan ng babae ngunit agad siyang napigilan nito ng yakapin siya mula sa likod.




"Thor please ako nalang, I love you! i love you so much!" sambit niya habang tuluyan na ngang umagos ang luha sa mata nito.



"Hailey i'm sorry, I can't give you the love you want. Dahil matagal na panahon ng may nag mamay ari nito," aniya at inalis ang kamay na mahigpit na nakayakap sa kaniya.



"No please! Ako nalang, bakit hindi mo subukan? why don't you try to love me! Ako lang ang nararapat sayo Thor."



Tila wala ng naririnig pa si Thor, kahit konting pagmamahal ay wala siyang nararamdaman dito. Pakiramdam niya ang buhay niya at puso ay pagmamay ari na ng nag iisang babae at mas nanaisin nalang niyang mamatay kaya isipin na magagawa niya pang mag mahal ng iba.

The Mission COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon