KABANATA 8: Heron

36 6 0
                                    

Two types of love. A love that can sacrifice life and A love that can kill you to just don't get happiness.

Every day I remember the happy life I used to have, I asked myself if this is the substitute for having a beautiful and perfect life? Na sa bawat saya mayroong lungkot, Na sa bawat pag ngiti mayroong pag luha.

Eto na ba yun?

"Sakay na Ria," seryosong sambit ni Gray habang nag hinihintay siyang sumakay ako sa Helicopter.


"Gray ayokong iwan si Manang," sabi ko habang nakatitig ng mariin sa kaniya.


"We have to leave Ria sakay na," matigas niyang sabi.




Pilit kong ikinukubli ang luha sa mata ko habang bakas kay Gray ang galit sa kaniyang tingin sakin. Gusto niya akong ilayo sa lugar na ito dahil nalaman niya ang pag punta ni Thor dito, at sa pangalawang pag kakataon mawawalan na naman ako ng pag asa na makatakas sa lalakeng hindi ko kailanman minahal. Paano pa ako makakaligtas? Paano pa ako mabubuhay kung lalayo ako sa lugar na ito?



"Master parang awa niyo na po..." bulong ni Manang habang malungkot na nakatitig sakin.



Saglit ko siyang sinulyapan at agad din akong nag iwas dahil hindi ko na nakayanan ang lungkot ng mga tingin niya sakin.



"Ria! Tara na!" galit na sigaw sakin ni Gray.



Ipinikit ko ang mata ko upang pigilan ang pait sa nararamdaman ko. kaagad kong naramdaman ang pag kapit ng kamay ni Gray sa braso ko at kaagad akong hinila palapit sa helicopter.



"Boss Napasok tayo!" sigaw ng Tauhan ni Gray na kakarating lang dito sa rooftop, Namilog ang mata ko habang si Gray ay nanlilisik na ang mata.



"Kayo ng Bahala, Si Heron pasunurin mo siya sakin kaagad. Make sure na hindi kayo papalpak ngayon!" galit na sigaw ni Gray.



kaagad akong itinulak ni Gray paupo at agad niyang Isinara ang pinto habang dahan dahan ng umaangat ang lipad nito.


"Gray please tama na pakawalan mo na ako!" singhal ko dito habang tumutulo na ang luha ko.


"Hindi ko yan gagawin Ria, I will not allow you to be happy. Ipinag damot mo sakin ang pagmamahal? Ipagdadamot ko din sayo ang kalayaan mo."



Isang putok ng baril ang narinig namin at kaagad akong napasilip sa bintana. Agad na bumuhos ang luha ko ng makita ang Grupo ni Thor na pilit na nilalabanan ang mga tauhan ni Gray habang si Thor ay nakatitig sa Helicopter na sinasakyan ko na palayo na ng palayo sa kaniya. Kinalampag ko ang bintana at habang pilit na sumisigaw si Thor sa sobrang galit kahit pa alam niya na hindi ko siya maririnig. Hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.



Tulala akong napasandal sa upuan at tila pagod na pagod ako kakaiyak, Habang si Gray ay tahimik lang na parang walang nangyayari.


"Sana masaya ka," galit kong Bulong.


"Hindi pa Ria, hanggang nabubuhay ang lalakeng yan ay hindi ako magiging masaya," matigas niyang sabi.


"Hindi ka magiging masaya dahil habang buhay kang guguluhin ng konsensya mo Gray."



Matapang kong sabi at mariin ko siyang tinitigan sa mata habang bakas pa rin sa pisngi ko ang luhang hindi ko na nagawa pang punasan.

"Mamamatay tayong hindi masaya Ria. Yan ang gusto mo hindi ba?"


"Don't wait for me to kill myself for this to be over Gray, kaya ko yan gawin sa harapan mo," sambit ko habang siya ay matalim ang tingin sakin na tila hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi ko.


The Mission COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon