"Nakipagkita ka na naman sa lalakeng yun? Huwag mong hintayin na kumilos na ako para mailayo ka sa lalakeng yan Maria Venus!" galit na singhal sakin ni Dad habang nakaupo ako sa kama ko.
"Nag punta lang siya sa school para kamustahin ako Dad anong mali dun?"
Nangilid ang luha ko dahil sa sama ng loob na nararamdaman ko sa sarili kong ama.
"Anong mali? Itatanong mo pa talaga sakin yan? Yung lalakeng yun ay isang malaking pagkakamali sa buhay mo anak! Hindi kita pinalaking may malinis na pangalan para lang mapunta sa lalakeng yun!"
"Bakit Dad? Ano ba siya? Bakit hindi ko siya pwedeng mahalin? Dahil ba sa mga nakikita mo? Dahil ang tingin mo masama siyang tao? Sorry Dad, but I can't listen to you because I know him better," sagot ko sa kaniya at tumayo ako para kunin ang bag ko.
"Saan ka pupunta? Sasama ka sa lalakeng yun? Tandaan mo Venus sa oras lumabas ka ng pamamahay ko kakalimutan ko na anak kita! Kahit ang lalakeng yan pag dudusahin ko hanggang siya na mismo ang mag kusa na itapon ka pabalik sakin!" sigaw ni Dad na nag patigil sa hakbang ko.
Tinatakot niya ako dahil alam niya na alam ko ang kaya niyang gawin. Sisirain niya ang buhay ni Thor, Sisirain niya ang buhay ko. Sisirain niya ang pangarap at kasiyahan ng anak niya masunod lang siya.
"Are you threatening me dad? Hindi ako takot mag dusa, dahil ngayon palang nag dudusa na ako. Hindi ako takot na itapon mo dahil ngayon palang gusto ko ng kumawala dahil nasasakal na ako sayo. Pero wag mo sasabihin sakin na sasaktan mo si Thor dahil hindi kita mapapatawad kapag ginawa mo yun," sabi ko at tuluyan na akong ng hina at napaupo sa kama ko.
Bakit? Ano bang mali sa pagmamahal ko para sa lalakeng yun? Sa lalakeng nag bibigay ng kaligayahan ko. Masama ba ang maging masaya? Kasalanan ba kung mamahalin ko ang isang lalakeng inaakala nilang halimaw?
"Hindi na maganda ang naidudulot sayo ng lalakeng yan, kahit sarili mong Ama nagagawa mo ng itakwil dahil sa kabaliwan mo sa sinasabi mong pagmamahal. Bata kapa Venus! Wag mong sayangin ang lahat ng hirap ko sayo," aniya at nag lakad palabas ng kwarto ko at binagsak ang pintuan.
Binagsak ko ang katawan ko sa kama at natulala sa kesame. Hindi ako pwedeng umalis at sumama kay Thor dahil siguradong maraming madadamay at kahit saan pa kami mag punta hahanapin parin kami ni Daddy.
Ayokong dumating sa punto na kailangan na niyang saktan si Thor mapaglayo lang kami. Alam ko na kaya ni Thor protektahan ang sarili niya kay Daddy, matapang siya at malakas Pero hindi kaya ng puso ko na makitang sinasaktan siya.
Buong gabi akong nag isip kung ano ang dapat kong gawin, sigurado akong nag aalala na si Thor ngayon dahil may usapan kami na mag kikita kami ngayong araw. Pero dahil nahadlangan na naman kami ni Daddy wala akong magagawa kundi ang manatili sa bahay na ito.
"Kumain ka ng marami para lumakas ka dahil sa susunod na araw na ang Birthday party mo at Ayoko naman na mapahiya sa mga bisita natin," wika ni Daddy habang mariin at may pag aalalang nakatingin sakin.
"Dad pwede bang humiling sayo."
Binitawan ni Daddy ang hawak niyang kubyertos at nag hintay ng sasabihin ko.
"Puwede bang hayaan mo na makasama ko si Thor sa gabing yun? Pangako ko sayo na susundin ko ang lahat ng sasabihin mo, lahat ng gusto mo. Ipangako mo lang din sakin na hindi mo sasaktan si Thor."
Seryoso ang tingin sakin ni Daddy at Tuluyan ng tumulo ang luha ko. Yumuko ako para itago ang mga luhang ayaw kong makita ni Daddy, siguradong iniisip niya ngayon na nababliw na ang anak niya dahil sa isang lalake At Oo, tama! Nababaliw na nga ako. Sobrang nababaliw ako sa sborang pagmamahal ko kay Thor. Sobrang durog ang puso ko dahil sa patong patong na sakit. Siguro nga hanggang dito nalang ang kaya kong gawin.
![](https://img.wattpad.com/cover/327751616-288-k782364.jpg)
BINABASA MO ANG
The Mission COMPLETED
RomanceMaria Venus Cecilia Zamora is a brave woman, she is the daughter of a billionaire. But her life changed when she was kidnapped and hidden for two years. Hindi naging madali ang pinagdaanan ni Venus sa mga sindikato Ngunit umaasa siya na darating din...