Ano pa ba ang kayang gawin para sa pagmamahal sa isang tao? May karapatan din ba akong mag mahal kahit pa duwag akong ipaglaban ang pag ibig sa puso ko? Totoo nga na ang hangganan ng pag ibig ay kamatayan, at ang labis na pagmamahal ay nag dudulot din ng kamatayan sa puso.
"Tulong! Tulungan niyo ko! Yung anak ko pakawalan niyo na parang awa niyo na po!" sigaw ng babae habang basa ng luha ang kaniyang pisngi.
Hawak siya ng dalawang tauhan ni Gray sa mag kabilang kamay habang siya ay pilit na pumipiglas at sinusubukan na makawala sa kamay ng mga lalakeng naka itim.
Bakas sa mga mata niya ang takot at pag aalala sa anak niyang inilayo sa kaniya ng mga masasamang lalakeng kasama ko ngayon, labag man sa kalooban ko ang mga nakikita ko wala akong magawa kundi ang itago ang pag aalala at magpanggap na wala akong pakealam.
"Pakawalan niyo na ang anak ko! Ako nalang, ako nalang ang saktan niyo!" pagmamakaawa nito.
Bumaling siya sakin habang ako ay nakatayo sa pintuan at pinapagmamasdan siya. "Miss tulungan mo ako-" bulong niya.
Mariin akong pumikit at agad ko siyang tinalikuran. Hindi pwedeng makita ng mga tauhan ni Gray ang awa ko sa mga inosenteng babae na kinukuha nila upang gamitin sa prostitusyon. Isang sindikato na dumukot sakin at dalawang taon akong ikinulong sa napakalaking bahay na ito.
"Saan ka na naman nag punta Ria kanina pa kita hinahanap!" singhal sakin ni Manang. Ang nag iisang katulong dito sa black house.
"May bago na naman silang dalang babae at may kasamang bata, manang kailangan ko malaman kung nasaan ang batang yun pano kung saktan nila yun." Bulong ko.
"Huwag ka ng makialam gusto mo bang pati ikaw saktan ni master gray? Pabayaan mo na-"
"Hindi pwede! Hindi ako mapapakali kapag nalaman ko na pati ang batang yun ay pinatay nila. Manang dalawang taon na akong binabalot ng konsensya dahil sa pananahimik ko Dahil wala akong ginawa!"
Nangilid ang luha sa mga mata ko habang si Manang ay mariing naka titig sakin ng may pag aalala sa mga mata.
"kung ganon Ano ang plano mo?" Aniya. Naupo ako sa kama at panandalian natulala.
"Hahanapin ko ang bata kung saan nila itinago, kailangan ko siyang iligtas."
Dahan dahan kong kinuha ang maliit na kutsilyo na naka ipit sa pantalon ko at mariin itong hinawakan.
"Delikado ang gagawin mo iha, siguradong malalagot tayo kay Gray."
Hindi ko pinansin si Manang at agad akong tumayo para lumabas ng kwartong yun. Walang mangyayari kung wala akong gagawin, walang awa ang mga tauhan ni Gray at sigurado akong kahit bata kaya nilang patayin wag lang itong makatakas.
Dalawang taon akong nag kunwari na ayos lang sakin ang lahat, sinakyan ko ang lahat ng mga maduduming gawain ni Gray at ng grupo niya para hindi nila maisip na may balak pa akong tumakas sa impyernong lugar na ito.
"Queen anong ginagawa mo dito?" tanong sakin ni Heron na kanang kamay ni Gray.
"Nag lilibot lang N- Nasaan si Gray? Kanina ko pa siya hinahanap," pagkukunwari ko at pilit ko siyang nginitian.
"Umalis diba? Hindi mo alam?" nakakunot noo niyang tanong sakin at tila nag tataka.
"Ah O-Oo nga pala nakalimutan ko!" palusot ko at agad ko siyang tinalikuran.
"Kutsilyo ba yang hawak mo? Hindi ba pinag babawal ni pinuno na humawak ka ng ganiyan?"
Napakalakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba, alam ko na may pag dududa sakin si Heron noon pa at hindi ko na alam kung paano ako lulusot sa kaniya ngayon.
"Ahh...oo pero napulot ko lang ito diyan sa labas ng kwarto ni manang ibabalik ko din ito sa kaniya," sabi ko at mabilis akong nag lakad pero sinundan niya ako at hinawakan sa braso.
Ihinarap niya ako sa kaniya at tinitigan habang ang mga mata niya ay nanlilit na tila nag dududa sa mga kilos ko.
"Anong plano mo? " nakataas kilay niyang tanong "Tatakas ka ba? "
"Bakit ako tatakas? Satingin mo makakatakas ako sa lugar na ito ng ganun kadali?" sagot ko sa kaniya at ngumisi siya sakin.
Inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at tinitigan ko siya ng matalim.
"At sino ka para hawakan ako? Gusto mo ba na isumbong kita kay Gray? "
Binitawan niya ako at agad siyang Humakbang paatras sakin.
"Sorry Queen," sagot niya habang na nanatili ang ngisi sa labi. Inirapan ko siya at agad akong nag lakad palayo sa kaniya.
Alam ko na matalino si heron, pero bakit pinili niyang mag tiis at maging sunod sunuran lang kay Gray. Sa dami ng ginawa nilang labag sa batas sigurado akong magtatapos din ang kasamaan ng grupo nila.
Habang nag lalakad ako ay nilibot ko ang tingin ko sa paligid, ang itim na dingding at mga lumang mga gamit ay nag bibigay ng kakaibang kaba sakin. Pakiramdam ko napaka bigat ng lugar na ito at dalawang taon ko na yung tinitiis.
Napatigil ako sa paglalakad ng may marinig akong umiiyak sa isang kuwarto, nilapitan ko ito at sumilip ako sa pinto na naka awang.
"T....Tulong....Tulungan niyo ko-" bulong ng babaeng hubot hubad.
Napatakip ako sa bibig ko ng makita si Leo na nakatayo sa harap ng babae habang walang suot na pantaas.
"Walang tutulong sayo dito Miss," wika ni leo habang sinusuot ang kaniyang sinturon.
Nangilid ang luha ko ng makita ang dugo na umaagos sa hita ng babae nanghihina siya ngunit pilit siyang gumagapang sa sahig habang bumubulong ng tulong. Nagulat ako ng dumapo ang tingin ng babae sakin, napaatras ako dahil sa takot at hindi ko alam ang gagawin ko.
"Tulungan mo ako!" sigaw nito.
Umalis ako sa tapat ng pinto at narinig ko ang malakas na putok ng baril. Ang mga tilamsik ng dugo ay nagdumi sa puwang ng pintuan.
Mabilis akong tumakbo palayo habang hawak ang bibig ko, gusto kong sumigaw! Gusto kong mag wala dahil sa sobrang galit sa sarili ko. Bakit? Bakit ako nandito sa lugar na ito? Hanggang kailan ako mag papakaduwag! Gaano pa karaming buhay ang mawawala bago ako makagawa ng tama para sa iba.
"Iha..."
Napatigil ako sa pagtakbo ng marinig ang boses ni Manang. Agad akong lumapit sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit.
"Gusto ko ng umalis dito, hindi ko na kaya! Wala akong kwentang tao!" sabi ko habang patuloy na umiiyak sa balikat ng matandang babae na nagsilbing ina ko sa impyernong lugar na ito.
"Wag mo sabihin yan, hindi ka walang kwenta. Wala ka lang magawa sa ngayon pero darating din ang panahon na magagawa mong harapin ang takot at kahinaan ng loob mo."
"Kailan pa? Kapag ako na ang sunod nilang papatayin? Kapag ikaw na? Kapag lahat na ng taong mahalaga sakin ay marahas nilang tatanggalan ng buhay!" Sagot ko sa kaniya.
"Kailangan mong mabuhay para makalabas ka dito sa lugar na ito at kung hindi tayo magiging matalino ma mamatay tayong lahat."
BINABASA MO ANG
The Mission COMPLETED
RomanceMaria Venus Cecilia Zamora is a brave woman, she is the daughter of a billionaire. But her life changed when she was kidnapped and hidden for two years. Hindi naging madali ang pinagdaanan ni Venus sa mga sindikato Ngunit umaasa siya na darating din...