"Kumain ka na Ria," wika ni Heron ng ma ilapag niya sa mesa ang dala niyang pagkain.
"Salamat," sabi ko at kaagad na bumangon at naupo sa tapat ng mesa." Nasan si Gray?" tanong ko pa rito.
Sumandal siya sa pintuan ng kwarto at sinindihan ang kaniyang sigarilyo habang hindi naalis ang tingin sakin.
"Umalis kanina pa, may meeting siya ngayon," aniya.
Tumango lang ako sa kaniya bilang tugon at agad na akong kumain dahil kagabi pa ako nanghihina dahil sa gutom.
"Gutom na gutom ka ah? Pinagod ka ba ni Gray?" nakangising sabi ni Heron.
"Oo Heron, pagod na ako sa mga pananakit niya sakin."
"Ohhh. Akala ko sa ibang paraan," aniya at napairap nalang ako dahil sa kahalayang nasa isip niya.
Kahit anong mangyari hindi ako papayag na pati ang sarili ko ay maangkin pa ni Gray mas mabuti pa na mamatay nalang ako kung mangyayari yun, Dahil Lahat na ay inangkin niya sakin mula ng ikulong niya ako. Ang buhay ko, Ang kalayaan ko, Ang karapatan ko, Lahat ng yan ay ninakaw niya sakin.
"Bilisan mo kumain may gagawin tayo," seryosong sabi ni Heron habang naninigarilyo parin sa tapat ng pinto.
Napataas ang kilay ko dahil sa mariin niyang pag titig sakin na nag dudulot ng pag taas ng balahibo ko at kaba sa dibdib ko.
"Wag ka nga mag isip ng kung ano diyan, may gagawin tayo sa baba habang wala pa si Gray at Para sayo din yun dahil hindi habang buhay may mag liligtas sayo kapag nasa panganib ka."
"Ano ba yung gagawin natin?"
"Wag ka ng mag tanong bilisan mo kung ayaw mo na mag bago pa ang isip ko," nakakunot noo niyang sagot sakin.
Mabilis akong kumain dahil sa kuryusidad ko sa gustong gawin ni Heron at Hindi ko alam kung bakit biglang nag bago ang ihip ng hangin at bigla nalang siyang naging mabait sakin, matapos niya akong iligtas nung gabi na yun ay dama ko ang pagbabago ng pakikitungo niya.
Napaka laki ng utang na loob ko sa kaniya dahil sa pag papatakas niya kay Manang ngayon ay wala na akong dapat ika kaba pa dahil alam ko na malayo na siya ngayon sa mga pwedeng maka sakit sa kaniya, tanging sarili ko nalang ang iisipin ko at kung paano ko matutulungan ang mga natitirang bihag ni Gray.
"Bilisan mo nga mag lakad!" singhal ni Heron sakin habang nauuna siya ng lakad patungo sa malawàk na bakuran ng malaking bahay na ito.
"Saan ba tayo, baka maabutan pa tayo ni Gray. Magagalit na naman yun kapag nalaman niyang lumabas ako ng kwarto," sigaw ko sa kaniya at kaagad naman siyang tumigil sa paglalakad at hinarap ako.
"Wag ka ng madaldal, sa tingin mo ba ilalabas kita ngayon kung alam ko na pabalik na si Gray? Hindi ako tanga Ria para ipahamak ang buhay nating Dalawa ngayon," aniya at muling nag patuloy sa pag lalakad.
Napatigil ako sa paglalakad ng huminto si Heron sa tapat ng Garahe, inangat niya ang Roll up at agad na tumambad sakin ang mga mga naka hirerang shooting target.
"Ano naman ang gagawin ko dito?" tanong ko kay Heron na nag pa kunot ng noo niya.
"Mag aaral ka Ria ano pa ba sa tingin mo?" masungit niyang sambit.
"Wala akong balak pag aralan ang pag patay Heron, Wag mo ako igaya sa inyo."
"Para sa kaligtasan mo ito Ria, para matuto ka na protektahan ang sarili mo," seryoso niyang sabi at agad niyang kinuha ang Gloves at Earmuffs at kaagad inabot sakin, hindi ko yun tinanggap at matalim ko lang siyang tinitigan.
BINABASA MO ANG
The Mission COMPLETED
Roman d'amourMaria Venus Cecilia Zamora is a brave woman, she is the daughter of a billionaire. But her life changed when she was kidnapped and hidden for two years. Hindi naging madali ang pinagdaanan ni Venus sa mga sindikato Ngunit umaasa siya na darating din...