Chapter 1

473 24 6
                                    

***

Monday 3:00 pm


"Maria, nakikinig ka ba sakin?" Umiiyak na tiningnan ni Ria ang mommy nya at tumango. Mahigpit na niyakap ni Susan ang anak. "Very good girl. Hindi ka puwedeng lumabas anak. Diba palagi kong sinasabi sayo, this is for your own good. this is for your own good." hinalikan nito sa noo si Ria, lumabas ng kwarto at inilock ang pinto. Naiwan syang umiiyak. For 16 years. 16 tiring years. nakakulong lang sya sa loob ng kwarto nya. Ni hindi nya nga alam kung ano ang itsura ng bahay nila. Wala pa syang nakikitang tao maliban sa mommy nya, at inggit na inggit sya pag may naririnig syang mga nagtatawanan at naglalarong mga bata sa labas.

Para matuto sa maraming bagay, dinadalhan lang sya ng mommy nya ng napakaraming libro. English, Mathematics, Science, at kung anu-ano pa. Nung bata pa sya'y tutor nya ang mommy nya pero kalaunan, nagse-self study na sya. Sa mga pictures sa libro nya nakikita ang totoong mundo. Mundo na gustung-gusto nyang mapuntahan pero heto sya, nakakulong, mag-isa. Hindi nya alam kung bakit ginagawa ito ng mommy nya sa kanya. Lagi lang nitong pinapaalala na para to sa kaligtasan nya.

Minsa'y sinubukan nyang tumakas. Pero nahuli pa rin sya ng mommy nya, at nung mahuli syay ginapos sya nito nang napakahigpit, itinali sa may gilid ng kama at hindi pinakain o pinainom ng dalawang araw. "Para matuto ka anak. Mahal na mahal kita kaya gusto kong matuto ka." yun ang sabi ng mommy nya sa kanya nang araw na yon. Mahal ni Ria ang mommy nya, pero nakakaramdam din sya ng matinding sama ng loob. Sa mga librong nabasa nya, walang ina ang katulad ng mommy niya. Walang ina ang nagkukulong at nagtatratong parang hayop sa anak.

Naiyak na lang si Ria sa lahat ng mga naisip. Kelan? kelan sya magiging malaya? ito ang nasa isip nya hanggang sa syay nakatulog. 


***

Monday 9:00 pm


Nang magising si Ria ay hindi pa rin dumadating ang mommy nya. Kadalasan ay alas-syete ng gabi ang uwi ni Susan. Nagugutom na si Ria. Marami naman syang nakastock na snacks at biscuits pero kanin at ulam ang hinahanap ng panlasa nya. Wala din naman syng cellphone o laptop dahil kahit yun ay ipinagkakait sa kanya ng mommy nya. Nagbasa na lang sya ng libro habang naghihintay.


***

Tuesday 7:00am


Kinakabahan na si Ria. Ngayon lang nangyari ang ganito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakauwi ang mommy nya. Magkahalong gutom, takot at pangamba ang nararamdaman nya sa ngayon. Tiningnan nya ang buong kwarto. Wala talagang paraan para makalabas sya. Sinipa sipa nya ang pinto pero mahinang mahina na rin sya. Ang bintana naman ng kwarto nya'y napakaliit at napakataas. Ganun din ang sa C.R. Nahiga na lang sya at umiyak nang umiyak.


***

Saturday 6:00pm


Mahinang-mahina na si Ria. Naubos na ang stock nya ng pagkain at tubig nung thursday pa. At ang mas nakakapanghina sa kanya ay ang pangamba kung ano na ang nangyari sa mommy nya. Gusto nyang lumabas at hanapin ito, bahala nang ikulong pa sya ulit.

Nakatingin lang sa kawalan si Ria at tila wala sa sarili nang biglang marinig nya ang mga ingay sa labas. May mga tumatawag sa pangalan nya at ilang sandali pa'y may naninipa ng pinto ng kwarto nya at pilit na binubuksan ito. Napatayo si Ria. Takot na takot sya. Nang biglang bumukas ang pinto. Halos himatayin si Ria. Nasa harapan nya ngayon ang mga tao...mga taong ngayon lang nya nakita. Pero katulad nya, may bahid din ng pangamba ang mga mukha ng mga ito habang nakatingin sa kanya. Isang babae ang lumapit sa kanya, umiiyak ito at mahigpit syang niyakap. "Maria...Maria, ang tagal kong hinintay ang araw na ito na makita ka't mayakap."

Kumawala si Ria mula sa pagkakayakap ng babae. Ang sabi ng mommy nya, wag na wag magtitiwala sa kahit na sino. "Nasan si mommy?! Kelangan ko syang hanapin-" "Wala na siya!" ang sigaw ng babae at biglang nanikip ang dibdib ni Ria. Hindi makapagsalitang napatitig sya ng matalim sa babae. Umiiyak ito habang nagpapatuloy. . ."ginawa namin ang lahat. lahat lahat. Wala na si Susan..wala na sya." at lalong lumakas ang pag-iyak nito. Biglang dumilim ang paningin ni Ria, hindi na sya makahinga, nahihilo sya..at tuluyang nawalan ng malay.


***

RiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon