Chapter 2

277 19 3
                                    

***

 3 years later


"Mommy! Mommy! Ako to si Ria! Hindi mo ba ako nakikilala?! ako to! Mommy!!!" umiiyak na sigaw ni Ria habang hinahabol ang inang tumatakbo palayo sa kanya. "Ria! Ria!" naririnig nya yon. May tumatawag sa kanya pero hindi nya alam kung san nanggagaling ang boses. Naguguluhan na sya..hindi sya makagalaw. . .

"Ria! gumising ka! hoy nanaginip ka!! Ria!" nagising si Ria sa lakas ng yugyog ng pinsan. "Ano? napanaginipan mo na naman si Tita Susan? Nagsisisigaw ka ng mommy dyan eh. Halika na. Let's have our breakfast. Naghihintay na si mommy sa baba." Tinatamad na bumangon si Ria at tumayo. "Steph, may pupuntahan ba tayo ngayon? anung araw na ba ngayon?"

"Maria naman!! It's friday! You promised me sasamahan mo ako sa school ngayon. Tsaka hinahanap ka na rin sakin nina Joyce." Naghohome studies lang si Ria pero madalas nya ding samahan sa University si Stephanie. Mula nung inampon na sya ng kapatid ng mommy nya, at hanggang ngayon, nababaguhan pa rin sya kapag nakakakita sya ng tao, lalo't ng maraming tao.

Mabuti na lang at may bago na syang pamilya ngayon at mga bagong kaibigan.

Nung inampon na din sya ng mga magulang ni Stephanie, pinakiusap nya na magkasama lang sila sa iisang kwarto dahil takot na syang mapag-isa. Napakabait ng mga ito at tinuring na syang tunay na anak.


***


School Grounds, 9am


"Sandy! Joyce!" nasa pathway pa lang sila ay nagsisisigaw na si Stephanie sa mga kaibigan na nakaupo sa bench sa may di kalayuan. "Ria!" ang sigaw din ng mga ito nang mapansing kasama sya ni Steph. Nang malapit na sila'y excited na nagkwento si Sandy.

"Ria, naaalala mo ba yung sinasabi naming stalker mo? Nung nag mall tayo nandun lang sya aali-aligid at tinanung pa ang pangalan mo. Nung nag-Enchanted Kingdom tayo nandun din sya. At kung san san pa! Alam mo kung hindi lang sya sobrang gwapo at sobrang kisig, matagal na naming pinakulong yan eh!"

"O, tapos? asan ang chika dun?" ang naiinip na tanong ni Stephanie. "Nandito sya sa school ngayon." ang magkasabay na sagot nina Sandy at Joyce.

Biglang kinabahan ang nakikinig lang na si Ria. "At eto pa. Kausap sya ni Professor Vernal kanina sa Program Head's Office. Eh hindi naman yun nag-aaral dito diba? anung ginagawa nya dito?" dugtong ni Sandy. "Ano pa nga ba! Eh di sinusundan si Ria!" sagot ni Stephanie na sya ring laman ng isip ng tatlo.

"Now that's creepy. Sabi nga ni Lance kanina, lalaki sa lalaking kakausapin na daw nila yun mamaya ng mga tropa nya. Alam mo namang crush ka ni Lance Ria." dagdag ni Joyce at hindi alam ni Ria kung anung mararamdaman, kakabahan ba o kikiligin.

"Nandito pa ba sya sa campus ngayon?" tanong ni Ria na agad namang sinagot ni Sandy. "Malamang."


***

Nakaabang si Ria sa labas ng office ni Professor Vernal. May Humanities session pa sina Steph at ang paalam nya'y sa library lang sya maghihintay. "Sinong hinihintay mo Ria?" napalingon si Ria at nabigla sya nang makita ang "stalker nya daw" na nakangiti sa kanya. Gwapo nga naman neto. Hindi sya makasagot. "Ako ba? hinihintay rin kasi kita." ang dagdag na sabi pa ng lalaki at talagang di na makasagot si Ria. At lalo pa syang nabigla nang marinig ang kasunod na mga sinabi ng lalaki. "Hindi mo ba talaga ako naaalala Ria? Nagkasama na tayo nang matagal na panahon. Bakit Ria? Ba't di mo na ako nakikilala? Sinusundan kita palagi dahil nagbabakasakali akong maalala mo ako. . ."

Napaatras si Ria. Tumalikod sya at mabilis na naglakad palayo. Tatlong taon nya pa lang nakikita ang mundo sa labas ng kwarto nya at ngayon may lalaking magsasabing matagal na daw sya nitong kasama? Naguguluhan na sya. Ano bang totoo? Ano bang hindi?

***

RiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon