Chapter 12

90 12 0
                                    

Nagtataka si Reyna Irva pagkat napapansin nyang tila lumalamig ang pakikitungo sa kanya ni Haring Ordon mula nung umuwi sila galing sa selebrasyon ng Tiaramatri. Hindi sya nakatiis at pinuna nya ito.

"May problema ba mahal na hari?"

Huminga ito ng malalim at hinaplos ang mukha ng Reyna." Kagabi. . .nandun din si Leandro sa pagdiriwang."

Hindi agad nakasagot ang reyna.

"Sa tingin ko naman ay karapatan nya yun. Isa syang Adlan. At isa pa, dapat ay nilimot na natin ang nakaraan. Matagal ko nang pinagsisihan yon, Pinatawad mo na ako, itinakwil mo na sya, masaya at matibay ang pamilya natin ngayon. Wala akong nakikitang may dapat kang ipag-alala." ang sabi ng reyna at niyakap ang asawa.

Marahan namang kumawala mula sa pagkakayakap ang hari at mahinang sinabi. "Pero nakita ko. . .hindi nyo man ako napansin pero nakatayo lang ako sa may di kalayuan. Nakita ko kagabi, nang magkasalubong kayo ni Leandro nang di sinasadya. Pareho kayong tumigil. Matagal na matagal. Nagkatitigan. At nakita ko ang pangungulila nyo sa isa't isa. Napakasakit nun Irva. Napakasakit masaksihan ang ganung tagpo. . .ang ganung pagtitinginan. Bagaman wala kayong sinabi sa isa't isa, alam kong nananabik kayong mag-usap.Nakita ko kasi yun sa mga mata nyo. "

Hindi nakasagot ang reyna, napayuko sya. Iniangat naman ng hari ang ulo nya. "Magtapat ka sakin. Mahal mo pa ba sya? Nakikiusap ako sayo, wag na wag kang magsisinungaling. . ."

Awang awa si Irva nang makita ang mga luha mula sa mga mata ng hari. Ang haring kinatatakutan ng lahat maging ng mga anak nya. Ang haring iginagalang na mga Adlan, mapa-ordinaryo man o mapa-dugong bughaw. Ang haring Ordon na kilala sa kanyang tapang at paninindigan ay umiiyak ngayon sa harapan nya. At parang kinukurot ang puso ng reyna.

"Mahal mo pa rin ba sya?" pag-uulit nito nang hindi pa rin sya nakasagot.

Napaluha na rin si Irva. "Mahal ko ang pamilya ko. Mahal ko kayo. . .at kayo ang bumubuo ng buhay ko ngayon."

Pagkarinig ng sagot nya'y tumalikod ang hari at umalis.

Alam ng reyna na nasaktan nya ang hari dahil hindi nya sinagot ang tanung nito.Pero alam nya ding ang sinabi nya ay totoo.

Mahal na mahal nya ang pamilya nya. Noon di'y naisip nya si Leandro. Magkakaanak na sana sila ng mandirigma subalit namatay ang sanggol nang isilang nya ito. Namatay si Virgo. . .at nung panahong iyon gusto nya na ring mamatay. Tanging ang pamilya nya ang nagbigay sa kanya ng pag-asa. At hindi nya kakayanin na masira ulit ito.


***

Unang pinuntahan ni Leandro si Erica nang araw na iyon. Nasa isang espesyal na silid ito sa palasyo ng Himayas kasama si Ria. Matapos magbigay pugay sa hari at reyna, nakipagkita na si Leandro sa dalaga.

"Hinahanap mo daw ako?" ang tila walang emosyon na tanong ni Erica sa kanya.

"Ipagpatawad mo kung nakaabala ako Erica. Kailangan mo akong tulungan. Kailangan mo. . ." napatigil si Leandro sa pagsasalita nang makita ang mga mata ng dalaga. Importante sa kanya si Erica pagkat bata pa lang ito ay sya na ang umastang nakakatandang kapatid ng dalaga, bagaman hindi sila magkadugo, pagkat ang mga magulang ni Erica ang kumupkop at nag-alaga sa kanila ni Trisha matapos pumanaw ang mga magulang nila. Inalagaan nya rin si Erica at tinuruan nya ito ng maraming bagay tungkol sa pakikidigma.

Ngayon ay parang ibang Erica ang nakikita nya. Hindi nangungusap ang mga mata nito na dati'y palaging puno ng kasiyahan. Nag-alangan syang sabihin dito ang nalalaman.

Napuna naman ni Erica na natigilan sya kaya't ito na ang nagtanong. "Tulungan saan?"

Umiling si Leandro. "Hindi naman. . .ganun kahalaga. Hihingi lang sana ako ng mga bulaklak sa hardin mo."

"Binibigyan kita ng kalayaang gawin yun. Sa ngayon ay ipagpaumanhin mo at kailangan ko nang bumalik kay Ria." anito, agad na tumayo at tuluyang umalis.

Bumuntong-hininga ng malalim si Leandro. Alam nyang tama ang desisyon nya na hindi ipaalam kay Erica.


***

Sumunod na pinuntahan ni Leandro ang Nivara. Ang lupain ng mga pantas at ng mga nagsusulat ng nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap. Nasa paanan sya ngayon ng pinakamatayog na tore sa lupain ng Adlania, ang tahanan ni Amang Aragon. Matagal pa syang naghintay rito sapagkat may pagpupulong ang mga pantas nang araw na yon. Nang matapos sila ay agad syang sinalubong ng matamis na ngiti ni Amang Aragon. "Leandro!" ang sigaw ng matandang pantas bunga ng pananabik dahil sa napakatagal na panahong hindi nila pagkikita. Yumuko si Leandro sa kanya at sabay silang naupo. Nasa loob sila ng aklatan ngayon.

"Amang Aragon. May kailangan po kayong malaman. Alam ko pong naroon din kayo sa selebrasyon ng Tiaramatri kagabi subalit may mga pangyayari pong hindi nyo nasaksihan. Hindi nasaksihan ng lahat. "

Mataman syang tiningnan ng pantas at sinabi nitong,

"Sabihin mo sa akin ngayon ang hindi ko nalalaman Leandro."


***

RiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon