Chapter 4

185 15 2
                                    

***


"Imposible ang sinasabi mo Ria, anak." halatang iritable ang boses ni Paulo matapos marinig ang kwento nina Stephanie at Ria. Napabuntong-hininga naman si Divine at malumanay ang sabing, "Matulog na nga kayong dalawa. Maghahating-gabi na."

"Pero tita, si mommy po talaga yun. alam ko po. nararamdaman ko po. Sinabi nya yung pangalan ko, at yun. Naputol na yung linya."

"Bukas, papag-usapan natin to. Sa ngayon matulog na muna kayo, sige na."

Mabigat ang loob na bumalik ang dalawa sa kwarto nila.

"Hindi naman sila naniniwala sakin. . ." mahinang sabi ni Ria at tuluyan nang nahiga. "Ako, naniniwala ako." pampalubag-loob ni Stephanie.


***

Kinaumagahan


"Wala kayong pasok?" nagulat si Ria nang makita sa sala ang pinsan.

"Ahuh. At ikaw, wala ka ring pasok. Kasama si Miss Henry sa Admin meeting ngayon. May mga bisita sila from US eh." sagot ni Stephanie. "Maga ng mata mo Ria. Magdamag kang umiyak nang umiyak ano?"

"Natatakot kasi ako. Parang ang dami kong nalalaman at ang daming nangyayari na wala na talaga akong maintindihan. Dinagdagan pa nung phone call kagabi."

Nagulat si Ria nang biglang naglulukso ang kausap na hindi naman talaga nakikinig sa mga huling sinabi nya. Nakatingin ito sa phone. Kinikilig. Nagtititili. "Yes!!! They are all coming!! I've never been this excited before! Ria, pupunta dito sina Joyce, Sandy, Lance tsaka yung tropa nya! Ibig sabihin kasama si Mervin!! aaaahhhh!!!"

"O, ba't sila pupunta rito? anung meron?" tanong ni Ria na nakakaramdam na rin ng excitement.

"House Party. Tsaka para madivert na rin yang thoughts mo sa realidad."

"House Party? Para saan?"

Matagal na nag-isip si Steph. Matamis itong ngumiti, sabay sabing "Celebration of Love." anitong pinapapungay pa ang pilikmata.

Natawa naman si Ria. "Korni!!"


***


2:00 pm Hernandez Residence



"Steph!!! Ria!!" di masyadong marinig ang boses ni Sandy dahil sa lakas ng music na pinatugtog ni Steph. Mahilig ito sa Rock n' Ballad na sya namang kinasasakit ng ulo ni Ria. Hindi dahil sa mismong genre, kundi dahil sa lakas ng volume nito. "Asan na sina Lance?" ang bungad ni Steph kina Joyce at Sandy.

"On the way."

Bigla na lang nagkatinginan ang apat at nagsigawan saka nag group hug.


***

Ang saya. This is what Ria loves about House Parties. Mga on the spot na kantahan at sayawan, tawanan overload na may kasama pang tuksuhan, pikunan. Tsaka pagkain. Maraming pagkain. . .at inumin. Kaya nga lang, sobrang nacoconscious sya sa madalas na pagsulyap ni Lance sa kanya. Sabi nina Steph, inlove na inlove daw ito sa kanya. Well, captain ball lang naman ito ng Volleyball team, may sariling banda sa school, mabait, marunong, pilosopo nga lang. Sya yung tipong tinatawag na crush ng campus sa mga teen love stories na nababasa nya. Napangiti sya sa naisip.


"Ria, yung stalker mo, Virgo pala ang pangalan. Pasalamat sya hindi namin sya nakita nung pumunta sya ng school." biglang sabi ni Lance na nanggigigil ang boses.


Magsasalita pa sana si Ria nang biglang mag-ring ang phone nya. "Wait." ang nasabi nya at lumabas.


"Hello?"


"Ria."


"Mommy? Mommy??!! sabihin mong ikaw to! please mommy please!!" biglang naghysterical ang dalaga.


"Anak. Mangako ka sakin na hinding hindi ka na ulit lalabas. Bumalik ka sa bahay natin anak, Magkulong ka ulit sa kwarto mo. Nakikita ka na nila. Nakikita ka na nila."


"Mommy? sinong sila? Mommy kaya ko na po ang sarili ko. . .malaki na po ako. Mahal na mahal kita mommy. Mahal na —-" biglang naputol ang linya.


"Ria." napalingon si Ria sa tumawag sa kanya.


"Lance."


"Umiiyak ka ba?"


At di na napigilan ni Ria ang sarili. Umiyak na sya ng umiyak. Nilapitan naman sya ni Lance, niyakap sya ng mahigpit. Gumaan ang loob ni Ria at malumanay na sinabing . . ."Salamat Lance. Namimiss ko lang ang mommy ko." Dahan-dahan syang kumawala sa yakap nito.


Ngumiti si Lance. Ngiting lalong nagpagaan ng loob ni Ria. "Mahal na mahal mo ang mommy mo kahit kinulong ka nya nang napakatagal na panahon. Dyan ako sobrang turn-on sayo eh."


Pakiramdam ni Ria uminit ang pisngi nya. Hindi nya alam ang sasabihin. "Si mommy.. I mean, may mga...may mga dahilan siguro si mommy kaya ginawa nya sakin yon."


Ngiti ulit ang sagot ng binata sa kanya. "Tara na sa loob." Hinawakan nito ang kamay ni Ria, at bumalik na nga sila sa loob ng bahay.


Sa ginawang yon ni Lance, nakaramdam ng security si Ria.


***








RiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon