Chapter 20

57 10 0
                                    

Matapos bumaba ng Ankra ay tinanaw nilang lahat ang selebrasyong nangyayari sa may di kalayuan, sa harap ng palasyo ng Himayas. Pagkatapos ay sabay-sabay nilang tiningnan si Ria. Ngumiti ang dalaga at sinabing, "Handa na ako."

Saka nagsalita si Leandro. "Baka mamaya ay mapapahiwalay ako sa inyo. Kukunin ko ang orasan kay Erica, at isa yun sa mga magiging patunay natin. Halina kayo."


Napakasaya ng lahat at napakagara ng selebrasyon kaya't walang nakapansin sa pagdating nila. Ngunit sa gitna ng sayawan, kantahan, at tawanan, napatigil ang lahat at namangha nang makita si Ria. Maging ang mga dugong bughaw ay nakatulala sa kanya, iisa ang laman ng isip: kung sino sya at san sya nanggaling. Nagimbal naman sina Haring Argos at Reyna Delivia, lalo't higit si Akira. "Arrea. . ." ang tanging nasambit nito. Binalot ng nakabibinging katahimikan ang buong paligid. Lahat ay nakatuon kay Ria. Lalo pang napuno ng katanungan ang isipan ng mga Adlan nang mapansing kasama ni Ria ang tatlong diwatang sina Luntian, Lila at Asul. Napalunok naman ang dalaga, hindi alam ang gagawin. Huminga sya ng malalim at pumaroon sa gitna. Ngayon na ang tamang panahon. Hinding hindi nya na palalampasin ito.


***

"Isa kang malaking sabagal sa mga binabalak ko Aragon." ani Zindra at sinasakal na ng itim na usok ang pantas.

"Akala mo'y si Ria na ang parating ano? Hinding hindi mo na sya kita makikita dahil ikukulong kita sa dilim!" anito at mas hinigpitan ang pagpilipit sa leeg ni Amang Aragon.

Bagaman hindi na makahinga, nagawang gamitin ng pantas ang kapangyarihan nya. Nagulat na lamang si Zindra nang biglang lumambot ang lupang kinatatayuan nya at may mga kung anung nilalang na humihila sa kanya paibaba. Hindi nya makita ang mga ito pero nabibingi sya sa matitinis nitong boses. Panay ang pagsigaw ng mga ito habang hinihila sya pailalim.

Unti unti namang nawawala ang itim na usok na pumipilipit sa leeg ng pantas. Galit na tiningnan sya ni Zindra at nagulat pa si Aragon nang nawala ito sa dating kinatatayuan at ngayo'y nasa likuran nya na. "Adlan ka lang matandang pantas. Ako ay dyos." anito at akmang ikukulong na din sa dilim si Aragon tulad nang ginawa nya kay Erica nang biglang nabaling ang atensyon nya sa palasyo ng Himayas. Naramdaman nya ang presensya ng totoong Ria doon. Nabahala sya. Alam nyang dapat na pigilan nya agad ito. Pansamantala nyang iniwan si Aragon at naglahong bigla.

***

Nagulat si Patna na ngayon ay nasa katauhan pa rin ni Erica, nang maramdamang may humila sa kanya mula sa likuran. Bumilis ang pintig ng puso nya. Tinakpan pa nito ang bibig nya at dinala sya nito sa isang sulok ng palasyo. Halos mapasigaw sya nang makita kung sino iyon — si Leandro.

"Wag na wag kang magkakamaling pumiglas, manlaban o sumigaw man lang. Kundi'y mamamatay ka! Alam kong hindi ikaw si Erica. Tama na ang pagpapanggap mo Lapti! Nasaan ang orasan? Nasaan!" ang sigaw ni Leandro sa kanya at mangiyak-ngiyak sa takot si Patna. Nanginginig ang boses na sinabi nya, "Wala na sa akin ang orasan. Nagsasabi ako ng totoo! Wala na sakin!" "Kung gayon. nasaan? binigay mo ba kay Zindra?!" Agad na umiling-iling ang lapti. "Hindi. Wala. Pinabili. .pinagbili ng kaibigan kong lapti sa isang Adlan. Pinagbili nya sa kanya!"

"Sino?! Kanino?!!" Napalunok si Patna bago sinabing, "Sa Pantas! Kay. . .kay Amang Aragon!Nasa kanya ngayon ang orasan!" Matapos marinig iyon ay patakbong bumalik si Leandro sa pagdiriwang.


***

Nagsimula nang magsalita si Ria at nakuha nya ang atensyon ng lahat.

"Mga mahal kong Adlan. Alam kong hindi nyo ako nakikilala. Marahil nagtataka kayo kung saan ako nagmula. Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Ang tatlong diwatang sina Luntian, Asul, at Lila ang magpapatunay ——" biglang huminto ang oras. Tumigil ang lahat. Maliban sa isang sya'ng dahilan nang pagtigil ng takbo ng oras — si Zindra. Tumayo ito sa harap ni Ria at hinaplos ang mukha ng dalaga. "Kung gayon, hindi nagtagumpay ang Oragon na gawin kang kaisa namin. Mula ngayo'y hindi ka na magiging bahagi ng mga plano ko. Kayong lahat na sagabal sa mga mithiin ko ay sama-sama kong ikukulong sa dilim!" Nang bigla syang nasilaw sa liwanag na hindi nya alam kung saan nagmumula. Halos mabulag si Zindra ng liwanag na iyon. Wala syang makita. Wala syang maramdaman.

Lingid sa kaalaman ni Zindra, ang kapangyarihang iyon ay mula kay Aragon, na syang may hawak nang orasan, mabilis na sumunod sa kanya kanina, at ngayon ay hindi naaapektuhan ng kapangyarihan ng dyosa. Limitado lang ang kapangyarihang ito ni Aragon kaya't kailangan nyang magmadali. Katulong ang kanyang mga lambana, na di rin naapektuhan ng pagtigil ng oras dahil bahagi sila ng kapangyarihan at pagkatao nya. Ang mga lambana ang kumuha kina Ria, Virgo, Trisha, Luntian, Lila, at Asul, naglaho ang mga itong kasama sila at sumunod na ding naglaho si Amang Aragon.

Naiwan si Zindra na ngayo'y nahihilo hilo pa at nagimbal nang mapansing wala na sina Ria. Galit na galit sya at malakas na sinigaw, "Makakatakas man kayo sa akin ngayon, hahanapin at hahanapin ko kayo!!!!" aniya, ibinalik ang takbo ng oras at agad na umalis.


***


RiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon