Chapter 27

60 10 1
                                    

Nakatayo si Virgo ngayon sa harap nya. Hindi nya alam kung anong dapat na maramdaman. Ano bang dapat na maalala. Tiningnan nya si Amang Aragon, ngumiti ito at  ibinalik nya ang tingin sa Adonis na nakatitig lang sa kanya. Hindi nya alam kung bakit, pero parang may nagsasabi sa kanyang kailangan nya nang inumin ang puting usok para bumalik na ang mga ala-ala nya ng Adlania...ng Tiaramatri...lalo't higit ang mga ala-ala nya kay Virgo. Dahan-dahang binuksan ni Ria ang sisidlan at lalong kumikinang ang pagkaberde niyon. Uminom nga sya mula run...biglang sumakit ang ulo ni Ria. Napakasakit. Napakaraming imahe at pangyayari ang tumatakbo sa isipan nya ngayon. Mga lugar, mga Adlan, mga tao...at higit sa lahat ang nakakasilaw na liwanag ng Tiaramatri.  Nakita nya ang repleksyon nya sa boteng hinahawakan. . .naaalala nya na ngayon kung sino sya. Pati lahat ng emosyon na kanyang naramdaman sa nakaraan ay naaalala na ng puso nya. Tiningnan nya ang dalawang lalaking nakaabang at nakatayong malapit na malapit sa kanya. 

"Amang Aragon. . .Virgo!" niyakap nya nang mahigpit ang binata. Nabigla sya ng halikan sya nito. Napakariing halik ng pangungulila at pagmamahal. Pagkatapos ay pareho silang naluha. 

"Pasensya na kung hindi kita pinansin nung makailang ulit mo akong sinundan at nung kausapin mo ako. " ang naluluha pa ring sabi ni Ria sa binata. Hinalikan sya ni Virgo sa noo. "Naiintindihan ko..naiintindihan ko." ang mahinang sagot nito. 

Pagkuwa'y nagsalita na rin si Amang Aragon. "Ria, Virgo, kailangan na rin nating makita ang tatlong diwata nang makabalik na tayo ng Adlania. Kailangan na ring bumalik ang mga ala-ala nila. "

"Sige sige po. Tatawagan ko na lang sila to meet us here. Ako na po ang mangungumbinsi sa kanila." ang sabi ni Ria habang kinukuha ang cellphone sa bulsa. Bago pa man magdial ay biglang may naalala si Ria at muli syang nagtanong sa pantas. "Sandali po, panu po yung misyon natin, yung anak ni Zindra? Kelan natin sya makukuha? Nasan na sya ngayon?"

Ngumiti si Amang Aragon. "Si Luna ay naihatid na ni Virgo sa Adlania dalawang taon na ang nakalipas. Nasa pangangalaga sya ni Indigo dun."

"Ibig sabihin Virgo nakabalik ka na pala ng Adlania?" gulat na tanong ni Ria.

"Oo bumalik lang ako rito. Binalikan kita."

***

Hindi naging madali ang magpaliwanag kina Sandy, Joyce at Stephanie. Tinanong pa si Ria ng mga ito kung masama ang pakiramdam nito. Subalit lalo lang silang kinumbinsi ng dalaga.

"Ria naman! wag mo nga kaming pagtripan. May pasok na kami 2:30 pm and we need to go back to school na. Yun lang ba talaga yung dahilan kaya pinapunta mo kami rito? I mean it's not even funny. It's creepy!" bulalas ni Joyce. 

Alam ni Ria, dahil naaalala nya na ang Adlania, bumalik na rin ang kapangyarihan nya. Magagamit nya na ito. Malalim syang nag-isip habang tinititigan ang tatlo.

"Ria please. Pag nalaman na naman ito nina Mommy at Daddy pagagalitan na naman tayo nito. Aalis na kami ha...Professor Vernal, hindi ko po aakalaing you would tolerate Ria for this." sabi ni Stephanie na sinulyapan si Professor Vernal  sumunod ay si Virgo. 

"Oh my God! For once naman kasi maniwala kayo sakin!" sigaw ni Ria na hindi na nakatiis dahil pati sina Professor Vernal at Virgo ay sinusumbatan na rin ng mga ito. 

Si Sandy na ngayon ang sumagot sa dalaga. "Na ano? na mga dati kaming magkakapatid na diwata sa sinasabi mong lugar na ano ba yun. . .Adlania?! "

"Oo ganun na nga." ani Ria at nagulat ang tatlo nang biglang lumutang ang lahat ng bagay sa loob ng library pati mga libro, bookshelves, tables and chairs. Ang mga bulaklak naman na nasa flowerpots sa may bintana ay nagkaroon ng buhay at patakbong lumapit ito kina Stephanie, sandy at joyce, niyayakap at hinahalik halikan pa ang mga paanan nila. Nagtitilian ang mga bulaklak at napakatinis pa ng mga boses. 

"I did that."ani Ria  habang nilalapitan ang tatlo na ngayo'y namumutla't nanginginig habang tinataboy palayo ang mga bulaklak na nakangiti pa sa kanila. "Kailangan nyo nang uminom. Please. Sandy,Joyce, Steph. Hindi nyo kailangang matakot. Kailangan nyo lang maalala. Lahat-lahat. "

"Iinom kami. Just please let them stop. Pakibalik na sa normal ang lahat bago pa ako maloka!" malakas na sabi ni Stephanie at noon din, ni wala pang kisap-mata ay bumalik na sa dati ang lahat. Nakangiting itinapat ni Ria ang bote sa kanila. "You promised."aniyang matamis na ngumiti. 

***

"Hindi ko akalaing pinahirapan pa namin kayo, Ria, Amang Aragon, at Virgo."ang sabi ni Luntian sa tatlo. Bumalik na ang ala-ala ng mga diwata matapos uminom ng usok na puti. Nakaupo na silang lahat ngayon, at magsisimula na ng mga pagpaplano ng mga dapat nilang gawin pagbalik ng Adlania. "Mas naging madali nga ang pangungumbinsi sa inyo kesa sakin." ang nangingiting sabi ni Ria sa mga ito. "Wala kayong kasalanan sa mga nangyari. Hindi ninyo sinadya ang makalimot. Ngayon ay Kailangan na nating magplano. Bukas, bago magtakip-silim, dapat ay nasa hardin na tayo ng Eden. Magsimula na tayo. " ani Amang Aragon at sinimulan na nga nila ang pagpaplano. 

***

That night pagkatapos ng meeting, ang bawat isa kina Ria, Luntian, Lila at Asul ay naghanda ng special dinner para sa kanilang mga pamilya. Nakipagkuwentuhan sila sa mga ito tungkol sa maraming bagay, nakipagtawanan at tumabi pa sila sa mga ito hanggang sa pagtulog. 

Kinabukasan ay naiiyak na nagpaalam na sila sa kani-kaniyang pamilya sa mundo ng mga tao. Alam nilang hindi na nila mababalikan pa ang mga ito. Masakit sa pakiramdam ang makitang nalulungkot ang mga ito sa kanilang paglisan. Ang sinabi nila'y pupunta sila sa camping at isang linggo pa bago makakabalik. Secretly, they left each of their families letters na magpapaliwanag ng lahat. Ang mga sulat na yon ang magpapaliwanag kung sino talaga sila, at kung ano ang nakaraan nila. Sinamahan din nila iyon ng evidence of magic para mapaniwala ang kanilang pamilya. 

Sa pagbabalik nila sa Adlania, magkahalong lungkot, saya, pananabik, kaba at takot ang nararamdaman nilang lahat. Maraminang nangyari magmula nung umalis sila at wala silang ideya kung ano ang madadatnan nila sa kanilang tunay na mundo. 

Nang araw ngang iyon bago magtakip-silim,  narating na nila ang hardin ng Eden at nakita na rin nila ang lagusan pabalik. Pinasok nila iyon at namangha sila dahil malawak at maliwanag ang daan. Sa dulo ng lagusan ay naroon nga ang isang pintuan. Kulay ginto ito at makinang. Nagkatinginan ang mga manlalakbay, dahan-dahang pinihit ni Amang Aragon ang busol , at unti-unti ngang bumukas pinto. . .

***

RiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon