Chapter 17

94 12 0
                                    

Samantala, sa kaharian ng Liviste, nakatakda nang pumalit sa trono ni haring Ordon ang anak nitong si prinsesa Maraya. Mangyayari ito isang linggo pagkatapos ng gaganaping kasal nina Prinsesa Maraya at Prinsipe Amir ng kaharian ng hilaga. Ito ay alinsunod sa kultura ng mga dugong bughaw ng Adlania. Si prinsesa Alesha naman ay ganap nang dalaga subalit tatlong buwan na syang nakaratay dahil sa karamdamang hindi mahanapan ng lunas. Namumula ang buong katawan nito, mainit na mainit, mahinang mahina, at hindi na rin sya makapagsalita.

Nang araw na iyo'y nasa silid ni Alesha si Maraya at sinusuklay nya ang buhok nito. "Naaalala mo pa ba nung mga bata pa tayo Alesha. . .palagi kitang inaayusan. At ang buhok mo'y matingkad na matingkad pa ang pagkakaasul." mahinang sabi ni Maraya at pumapatak na ang mga luha nya. Nakikita nyang naninilid rin ang luha sa mga mata ng kinakausap ngunit nakatingin lang ito sa kawalan.

"Bukas, papasyal dito si Prinsipe Makisig." dagdag pa ni Maraya at tiningnan ang mga vishna na bigay ni Makisig kay Alesha labing-apat na taon na ang nakakaraan. Nakasilid ang mga ito sa isang napakagandang lalagyan. Naging matamlay na rin ang mga Vishna na dati'y halos oras-oras ang pagkanta.Malungkot na nakatingin ang mga mumunting bulaklak kay Alesha.

Nang marinig ang pangalang Makisig ay marahang pumikit si Alesha at tuluy-tuloy na ngang nanilid ang luha sa mga mata nito.

"Kapag nalaman ko kung sino ang may gawa nito sayo Alesha, hinding hindi ko sila mapapatawad. At sisiguraduhin kong magdurusa sila higit pa sa pagdurusa mo ngayon." ang mariing sambit ni Maraya at tuluyang humagulgol ng iyak.


***

Sa kaharian ng mga Lacban, nakadungaw sa may bintana ng palasyo si Mashruk, nakatingala sa kawalan. Ilang taon na silang hindi magkarelasyon ni Erica, matapos nitong tanggapin ang responsibilidad na maging tagapagbantay ng anak ng Tiaramatri. Subalit labis syang nababalisa sa tuwing naiisip ang panaginip nya kagabi. Nasa isang madilim na lugar sya at naririnig nyang tinatawag siya ni Erica sa may di kalayuan, umiiyak ito at humihingi ng tulong. Lalapitan nya na sana ito nang biglang namagitan sa kanila ang dambuhalang apoy at hanggang sa hindi nya na makita si Erica, naririnig nya na lamang ang nakakaawang tinig nito. Hanggang sa paggising ay pakiramdam nya pinalilibutan pa rin sya ng apoy sa sobrang init at naririnig nya pa rin ang boses ng dating kasintahan.

Lalo syang naguguluhan ngayon. Pakiramdam nya ay dapat na may gawin sya. Hindi nya alam kung ano. kung papaano.


***

Sa Oragon.


"Nasasabik na ako sa magiging kaarawan natin Akira." ang sabi ni Ria habang nakahiga silang dalawa sa likod ng dambuhalang dragon na si Fin. Minsan nang pinagsabihan ni Akira si Arrea na palitan na ang pangalan ng alaga nitong dragon dahil hindi bagay sa anyo nito. Pero hindi ito sinunod ni Ria. Nararamdaman nyang natutuwa ang alaga nyang dragon sa tawag nya rito lalo pa't ang dali lang nitong bigkasin.

Nakatingin silang dalawa ni Akira ngayon sa mga nagliliparang alitaptap, tila nagsisilbing mga bituin sa bahaging iyon ng dilim.

"Oo nga Arrea. Kaya lang ay nalulungkot din naman ako dahil hindi natin sabay na maipagdiwang ang kaarawan natin dito sa Oragon. May lugar pa akong kailangang puntahan para sa pagsasanay."pagsisinungaling nya kay Ria bagaman totoo ang kalungkutan na nararamdaman nya.

"Nakakalungkot nga iyon. Nakakamagha ka Akira. Napakalakas mo na at napakarami mo nang alam na salamangka. Sana'y maging tulad din ako sayo balang araw."

Tiningnan sya ni Akira at hinaplos-haplos ang buhok nya.

"Alam mong mahal na mahal kita Arrea. Hindi lang kita kapatid, matalik pang kaibigan. Pero hindi maaari ang sinasabi mo. Hindi pwedeng maging kapantay tayo ng lakas. At isa pa, sa ngayon ay wala ka pang naipapamalas na kapangyarihan. Hamo't babahagihan kita ng ilan sa mga kakayahan ko pagdating ng panahon. Sa ngayon ay tama na munang nagsasanay ka sa pakikidigma at sinisimulan ito sa pamamagitan ng pangagaso."

Tila nakaramdam ng kirot sa puso si Ria matapos marinig ang mga sinabing iyon ni Akira. Pakiramdam nya tuloy ay wala talaga syang kwenta. Napansin naman ni Akira ang biglang pagkalungkot ni Arrea at niyakap nya ito at sinabing, "Wag kang mag-alala. Hinding hindi ko hahayaang sasaktan ka ng kahit na sino. Malalagot sila sa akin."

Napangiti si Ria at niyakap din ang kinikilalang kapatid.

"Kakantahan na ba kita nyan Akira?"

Namumungay ang mga matang napangiti na rin si Akira at tumangu-tango.

Noon di'y mauulinigan ang nakakahalina at napakalamig na tinig ni Ria sa bahaging iyon ng dilim.


***

"Magsisimula na ang mga plano natin sa makalawa Virgo, Trisha." ang sabi ni Leandro matapos marinig ang mahiwagang tinig ni Ria na bagaman malayong-malayo sa kanila ngayon ay dinadala ng malamig na samyo ng hangin ang kaakit-akit nitong boses.

"Malapit nang makilala ng Adlania ang tunay nilang liwanag." ang marahan ngunit may pananabik na boses ni Trisha.

"Wag kang mag-alala Ama, hindi kita bibiguin. Magiging tagapagbantay ako ni Ria at hinding hindi ko hahayaang may mangyayaring masama sa kanya." mariing pangangako ni Virgo.

"Paparating na sila." ang sabi ni Trisha at nagmamadaling tinungo ang pinto. Sinundan sya nina Leandro at Virgo at tatlo na silang nakaabang ngayon sa bungad ng kanilang munting tahanan. Maya-maya pa'y lumakas ang ihip ng hangin, malamig ang samyo at dala nito'y mga makukulay na mga talulot ng iba't ibang uri ng bulaklak. Napakabango ng buong paligid. Nananabik na kinawayan ni Trisha ang mga espesyal na bisitang ngayon ay papalapit na sa kanilang tatlo. Nang nasa harapan na nila ang mga ito, yumukod sila at masiglang sinabi ni Trisha, "Mahal naming mga diwata! Luntian, Lila at Asul, Maligayang pagdating!"


***




RiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon