Chapter 31

60 11 1
                                    

Araw ng digmaan

Sa Oragon,

"Nagkita sina Akira at Arrea?" nabigla si Zindra nang malaman ang balitang iyon mula kina Argos at Delivia. "Nakabalik na pala sila dito sa Adlania. Hindi ko alam kung ano ang mga salamangkang gamit ni Aragon at hindi ko na makita ang mga nangyayari sa kanila sa mundo ng mga tao nitong nakaraan at maging ang pagbabalik nila dito sa Adlania ay hindi ko rin namalayan. Kahit ano pa man ang binabalak nila, hinding hindi sila magtatagumpay. Huli na sila. Dumating sila sa panahong patapos na tayo. Wag kayong mabahala sa presensya ng anak ng liwanag. "

"Maging si Akira ay hindi nababahala kay Arrea." ang pagmamalaking sabi ni Delivia.

"Nakahanda na ang mga hukbo mula sa iba't ibang kaharian ng dilim. " sabi ni haring Argos na noo'y nakadungaw sa may bintana at tinitingnan ang mga naghahandang madirigma. "Ang mga angkan naman ng liwanag ay malapit nang magkita kita sa himayas para sa isang malaking digmaan."

"Umaayon ang lahat sa plano. Kapag marami nang namatay sa digmaan ng mga Adlan ng liwanag, saka natin sila lulusubin. Sasakupin at aalipinin. Silang lahat. Walang ititira. At ang mga hadlang sa plano, patayin ninyo." makapangyarihan ang mga sinabing iyon ng dyosa. "Matagal na tayong handa. Lahat ng nilalang ng dilim ay dapat na kasama sa mga hukbo. Walang maiiwan dito. Sama-sama nyong angkinin ang buong Adlania sa gabing ito at sa susunod pang mga panahon. Batid nyong ako'y dapat na nakamasid lang. Pinagbabawal sa kalangitan ang makisali ang mga diyos sa digmaan ninyong mga nilalang. Nasisiguro kong kakayanin nyo ang digmaang ito. Malakas kayo. at marami. Alam kong hinding hindi nyo ako bibiguin. "

"Lahat ay gagawin namin para sa inyo mahal na dyosa. Pero posible pong susubukan ni Arrea na pigilan ang malaking digmaan ng mga Adlan ng liwanag. Kapag nagtagumpay sya, anong dapat naming gawin?"

"Magandang katanungan Delivia. Bagaman nasisiguro kong hindi magtatagumpay si Arrea dahil sa hindi na nga sya nakikilala ng mga Adlan, nababalot pa ng dilim ang puso ng mga ito. Galit, inggit, paghihiganti at ganid. Pero bilang paghahanda na rin, Kapag nangyari ngang mapipigilan ang labanan, marapat na simulan ang mas malaking digmaan. Mga adlan ng liwanag laban sa mga adlan ng dilim. Hindi tayo ang pinaghandaan nila kaya't mahihirapan sila kapag lumusob na tayo."

***

"Hindi mo lang naman ba ako ngingitian bago kami umalis?" ani Virgo na pilit inaangat ang ulo ni Ria na kanina pa hindi nagsasalita.

"Kanina pa ako nakangiti Virgo." naiinis na sagot ng dalaga. "Ang pakla naman ng ngiting yun. Hindi ka ba masaya para sa akin na magkikita na kami ng totoo kong ina? Mga bata pa lang tayo sinamahan mo ako sa pangarap na yon, Ria." Ngayon ay napatingin si Ria kay Virgo. Nakikita nya nga ang pananabik sa mga mata nito. "Masaya ako para sayo Virgo. Hindi mo na dapat tinatanong yun. Nagtatampo lang ako na hindi ako ang unang pinagkwentuhan mo." ani Ria na umaarteng nagmamaktol. Natawa naman si Virgo at inakbayan sya. "Ah yun ba! Oo nauna akong nakapagkwento kay Luna hindi kasi kita mahagilap kagabi. Ako nga dapat ang magtampo tinatakasan mo na ako." "Ang drama mo Virgo. kung nasa mundo tayo ng mga tao, isa kang malaking letter O at letter A. OA!!"Natigil ang pagtutuksuhan ng dalawa nang tinawag ni Leandro si Virgo. Hinalikan ni Virgo sa noo si Ria at niyakap ng mahigpit. "Mag-iingat ka. Kailangang magkatipon tayong lahat bago magsimula ang digmaan." bilin ng dalaga sa kanya. Mas mahigpit na yakap ang itinugon sa kanya ni Virgo. At umalis na nga ang mag-ama.

***

Nanlalamig ang mga kamay ni Irva. Kanina pa sya nandito sa tagpuan nila ni Leandro. Hindi nya alam kung anung gagawin nya at maging kagabi ay hindi sya makatulog. Lalong bumilis ang pintig ng puso nya nang makita ang papalapit na hasno, sakay niyon si Leandro at isang binata.

Tumigil ang hasno sa tapat niya ang bumaba mula roon ang dalawa. Nagtatanong ang mga matang tiningnan ni Irva si Leandro. Hindi rin alam ni Virgo ang gagawin nya sa tagpong yun. "Leandro, kailangan mo ng sabihin ang dapat mong sabihin. Hindi ako maaaring magtagal dito. Hahanapin ako sa Liviste, maghahanda na ang lahat sa digmaan. " ang sabi ng reyna na panay ang pagsulyap kay Virgo.

"Irva. . .patawarin mo ako kung naglihim ako ng matagal na panahon subalit yun ang tingin ko'y makakabuti para sa lahat lalo na para sa kaharian ng Liviste. Hindi totoong namatay ang anak natin noong sya ay isilang mo. Buhay si Virgo Irva. Buhay ang anak natin at gusto kong makita't makilala mo sya. Hindi natin alam kung ano ang mga mangyayari sa digmaan. . ." Nabigla si Leandro nang hindi pa sya natatapos sa sinasabi ay patakbong nilapitan ni Irva si Virgo at nananabik na hinaplos nito ang mukha ng binata. "Nakikita ko ang mga mata ko sayo anak. Virgo. . ."at tuluyan nang naiyak si Irva. Umiyak sya nang umiyak at mahigpit na niyakap  ang anak. Tinugon naman ni Virgo ang yakap ng ina. Sobra sobra ang sayang nararamdaman niya ngayon. 

"Patawarin mo ako Virgo...patawad kung buong buhay mo ay hindi mo naranasan ang pagmamahal at pag-aaruga ng isang ina. Hindi ko alam anak...hindi ko alam na ...." at muli itong napahagulgol. "Ina naiintindihan ko po. Naiintindihan ko lahat lahat. Higit ang pagmamahal ko sa inyo at hinding hindi ako nagdaramdam. " ang sabi ni Virgo na naninilid na rin ang luha sa mga mata. " Napalaki ka ng maayos ng ama mo." anang reyna at muling napatitig sa anak. Hindi nakaramdam ng galit si Irva para kay Leandro dahil sa pagtatago nito kay Virgo. Alam nyang sa panahon na kinailangan nitong magdesisyon, ginawa lang nito kung ano ang mas nakabubuti para sa lahat. Nilingon nya ang mandirigma at sinabing, "Salamat. Maraming Salamat." Tumango si Leandro bilang pagtugon. 

"Kumusta ka naman anak? Ang dami kong gustong tanungin, gustong malaman tungkol sa iyo ngayon. Kaya lang hindi maganda ang pagkakataon. Anuman ang mangyayari mamaya, tandaan mong mahal kita. Mahal na mahal. At kung pahihintulutan man ako ni Bathala, pagkatapos ng digmaan ay nais kong maging ina sayo. Ipapakilala kita sa mga kapatid mo at aalagaan kita, mamahalin at kakalingain. Patawad kung hindi mo naranasan ang mga bagay na yon sa paglaki mo." Bagaman alam ni Virgo na malakas at makapangyarihan si Irva, nag-alala sya para sa ina. "Sasali po kayo sa digmaan?" "Anak, ang Kaharian at lupain ng Liviste ay kailangan naming ipagtanggol mula sa mga makasariling Adlan. Ang digmaan ngayon ay laban ng lahat; hindi lang ng mga hukbo, pati na rin ng mga dugong bughaw at iba't ibang uri ng nilalang ng Adlania." 

Nagdidilim na ang buong paligid. Nang mga sandaling iyon ay mauulinigan sa buong Adlania ang nangangalit na tunog ng higanteng kampana ng himayas, nagbabadya ng magaganap na digmaan. "Kailangan ko nang umalis. Leandro, Virgo anak, mag-iingat kayo. Ipangako mo sa akin anak na walang masamang mangyayari sayo. Babalik ako. Babalikan kita. Mahal na mahal kita Virgo." pagkasabi noon ay agad syang sumakay ng hasno at umalis na patungong Liviste. Hindi na sya nasagot ng mag-ama na naiwang labis na nag-aalala para sa kanya. 

"Magsisimula na ang digmaan. Kailangan na rin nating bumalik sa kanila." ang sabi ni Leandro at parang hindi naman sya narinig ni Virgo. Nakatulala ito sa kalangitan. "Ngayon ko lang nakitang kulay pula ang langit." aniya at makahulugan ang naging sagot ni Leandro. "Tanda iyan na maraming dadanak na dugo sa lupain ng Adlania ngayong gabi. Halika na Virgo. Kailangan na nating magmadali."

***

RiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon