Chapter 9

122 13 1
                                    

***

Oragon. Isang kaharian ng dilim kung saan naninirahan ang mga nangangalaga ng mga dragon. Sila'y malalakas at may mga kapangyarihan ng apoy. Ang kanilang panlabas na anyo ay tulad ng mga engkantado at engkantada ng Adlan na ninirahan sa liwanag. Subalit kung ang karaniwang Adlan ay puti o asul ang mga mata, sila naman ay itim o pula. Karaniwang nagpipinta sila ng mga simbolo o anu pa mang guhit sa kanilang buong katawan pati na sa mukha dahilan upang lalo silang pinagingilabutan. May mga pangil sila at mahabang mahaba ang matutulis na kuko. Ang kanilang mga kawal ay napakalalaki at ang sungay ng mga ito ay tulad ng sa demonyo. Ang kahariang ito ang namumuno sa mga masasamang balak laban sa maliwanag na bahagi ng Adlan.


Zindra. Siya ang Dyosa ng dilim at pag-iimbot. Hindi tulad ng ibang diyos at diyosa, madalas syang bumababa mula sa kalangitan at tinutungo ang Oragon. Sya ang nagsimula at namumuno ng mga balak laban sa maayos at mapayapang bahagi ng Adlania. Dala ng kanyang impluwensya, maraming kaharian ang nakiakibat sa kanyang mga plano. Isa sa mga matitinding kapangyarihan ni Zindra ay ang patigilin ang oras. Si Ara, ang diyosa ng oras at panahon ang nag-iisang may kakayahan para labanan ang kapangyarihang ito ni Zindra. Subalit mahigpit na pinagbabawal ni Bathala na gamitin ito ni Zindra upang pumatay. Kapag ginawa nya yon, maglalaho sya, at malilimutan. Yun ang maituturing na kamatayan para sa mga imortal na diyos at diyosa.


Nakangiting tiningnan ni Zindra ang nagdadalang-tao na reyna ng Oragon na si Delivia. Sinapo nito ang noo ng nakahigang babae pagkatapos ay hinaplos ang tiyan. "Wala nang mas nakakapanabik pa sa nakatakdang pagsilang ng anak ng dilim." aniya at napangiti na din si Delivia.

"Siya ang magsisimula ng lahat."

"Tama. Siya ang magsisimula. . .at sya din ang magtatapos ng lahat."


***

"Nalalapit na ang pagsilang." nakatingala ang isang Lapti sa kalangitan na ngayon ay kulay pula bunga ng pagpapalit ng kulay ng puno ng Tiaramatri. Ito ang senyales na dapit-hapon na.

Ang mga Lapti ay mga nilalang na kulay berde, napakadulas at napakalambot ng kanilang balat. May kakayahan silang gayahin ang kahit na sino, o ang kahit na ano. Hindi normal ang kanilang anyo. Sila ang pinakamaliliit na mga Adlan. Mas maliit pa sa mga duwende. Malalaki ang kanilang mga mata at kumikinang ang mga iyon. Matitinis ang kanilang boses at mabilis magsalita. Sila ang mga Adlan na walang kinakampihan. Kung sino ang makakapagbayad sa kanila ng mas malaking halaga o makakapagbigay sa kanila ng mas makikinang na mga ginto at dyamante, yun ang kakampihan nila at ituturing na amo. Bilang lamang ang kanilang populasyon sa Adlania, at naninirahan sila sa lugar na syang nagsisilbing hangganan ng naaabot na liwanag ng dakilang Tiaramatri. Di tulad ng ibang angkan, hindi nakatira sa mga magarbong palasyo o tahanan ang mga Lapti. Nakatago sila sa mga kweba.


Nasa bungad ng kweba ngayon ang magkaibigang Daltin at Patna. Tinitingnan nila ang kulay pulang langit.

"Parating na ang digmaan. Kanino papanig ang mga Lapti Daltin?"

"Matinding yaman ang alok ni Zindra." ang sagot ni Patna sa kaibigan.

"Bukas na ako pinapasimula ni Zindra sa misyon ko Daltin. At matagal na panahon pa bago ako makakabalik dito sa kweba." dagdag na sabi ni Patna.

"Ako naman ay hindi pa nya binibigyan ng misyon. Pero sinabi nyang kakailanganin nya daw tayong lahat pagdating ng panahon."

"Wag kang mag-alala Daltin. Babahagian ko kayo ng alok nya na yaman."

Ngiti ang itinugon ng kaibigan.


***


Kinabukasan


Maligayang maligaya si Erica. Nakangiting pinagmasdan nya ang sarili sa salamin. Isang malaking karangalan ang pagkatiwalaan sya ng mga hari at reyna ng iba't ibang kaharian para maging tagapagbantay at tagapangalaga ng isisilang na anak ng Tiaramatri. Masasabi nyang dahil ito sa hindi basta-basta nyang kapangyarihan na tubig at hangin dagdagan pa ng labis na tiwala sa kanya ng mga dugong bughaw at ni Amang Aragon.

Nabigla sya nang maramdaman ang malakas na ihip ng hangin. Ang gayong ihip ay isang babala sa kanya na may parating na panganib. Kinabahan si Erica. Naghanda sya. Dahan-dahan nyang binuksan ang pinto ng kanyang silid at tumuloy hanggang sa labas. Tumingin sya sa paligid. Wala naman syang nakitang kadudaduda. Naghintay sya. Matagal syang nakatayo sa labas at nagulat sya nang marinig na may tumatawag sa pangalan nya.

"Erica." nagmumula ang tinig sa may hardin ng mga bulaklak. Pumunta dun si Erica at kasunod niya ang tubig na ang anyo'y dambuhalang agila at ang hangin na ang anyo'y napakalaking Leon.

Nagtaka si Erica nang madatnan sa hardin ang Dyosa ng dilim na si Zindra. Hindi lingid sa kanyang kaalaman na nasa panig ito ng mga Adlan ng dilim ngunit nagbigay galang pa rin sya. Malaki din kasi ang utang na loob nya sa Dyosa. Minsan na nitong iniligtas ang mga magulang nya sa tiyak n kamatayan. Bahagya syang yumukod dito.

"Mahal na dyosa, isang karangalan po ang inyong pagbisita, ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?"

"Napakaliit lang naman na pabor ang hinihingi ko sa iyo Erica. Maaari bang pumitas ako ng tatlo sa mga pinakamagaganda mong bulaklak? Ibibigay ko kay Andreda. " malambing ang boses na sabi nito. Si Andreda ay kapatid ni Zindra, na syang dyosa ng mga mandirigma at ng mg manlalakbay.

"Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na nandito sa hardin mo ang mga pinakamagagandang bulaklak ng Adlania." dagdag pa nito.

Namangha naman si Erica sa mga narinig. Nabalisa sya.

"Yun lamang po ba mahal na dyosa? wag po kayong mag-alala at ipagpipitas ko po kayo ng pumpon ng pinakamagaganda kong bulaklak." aniya, pumasok sa loob, kumuha ng basket at nagsimula ng pumitas. Nakatingin sa kanya ang dyosa, at mataman ding tinitingnan ni Zindra ang mga bantay nitong agila at leon.


Maya-maya pa'y natapos ang pagpipitas ni Erica. Sabik na iniabot nito ang basket ng bulaklak sa dyosa. Nakangiting tinanggap yon ni Zindra at sinabing, "Maaari ba kitang yakapin bilang kapalit sa ginawa mong pabor Erica? Wala kang ideya kung gaano kasaya si Andreda pag nakita nya ang mga ito."

"Opo. Opo naman mahal na dyosa!" sobrang galak na tugon ni Erica.

Umungol ang Leon samantalang malakas naman ang pagpagaspas ng pakpak ng agila. Nakangiting binalingan ni Erica ang mga alagad na tubig at hangin.

"Hanggor. Dumbra. Hindi maganda ang ganyang asta sa harapan ng dyosa."

Nilapitan ni Zindra si Erica. Niyakap ito nang napakatagal. Matagal na matagal.


Ilang sandali pa'y maririnig sa buong paligid ang nakakapangilabot na sigaw ni Erica.. .isang napakalakas na sigaw nang labis na takot. Biglang bumuhos ang napakalakas na ulan kasabay nang napakatinding ihip ng hangin.


***








RiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon