CHAPTER 14

101 13 2
                                    

Sinipat sipat ni Patna, na ngayon ay nasa katauhan ni Erica, ang orasang napuslit mula kay Leandro. Hindi nya alam kung para saan yon. Masyado syang nasilaw sa kinang nito at nasisiguro nyang napakalaking halaga ang magiging katumbas nito pag ipinagbili nya. Napangiti sya. Hindi nya ipapakita ang orasan kaninuman hangga't di pa pa nya napapakinabangan. Babahigaan nya din ang mga kapwa Lapti. Kung anu-ano ang tumatakbo sa isip nya nang bigla nyang maalala na kailangan nya nang dalhin si Akira sa Oragon. Nagmamadaling binuhat nya ang sanggol at bigla na lamang silang naglaho.


***


Isang pagpupulong ng mga tagapagtala ng nakaraan, kasalukuyan t hinaharap ang naganap noon din sa tore ni Amang Aragon. Nais tanungin sa kanila ng pantas kung posible ba talagang may isang pangyayari na hindi maisulat sa aklat ng panahon.

"Ipinatawag ko kayo mga punong pantas, para maliwanagan ang aking isip ukol sa isang katanungan." ang salaysay ni Amang Aragon habang kaharap ang limang pantas.


"Posible bang may isang pangyayari sa kaharian ng Adlania na hindi maisusulat sa inyong mga aklat?" Hindi ito sakop sa kaalaman ni Amang Aragon sapagkat hindi nya hawak ang dunong ukol sa panahon at sa mga pangyayari.


Nagkatinginan ang limang tinanong na sina Eos, Harmonia, Tyr, Freya at Ador.

Si Eos ang sumagot noon.

"Hindi po namin maisasagot yan sa inyo ngayon Amang. Yaman din lamang at nabasbasan lamang kami ng dunong ng Dyosa ng Panahon na si Kantara, wala po kaming karapatan o ni kakayahan man lamang na magbigay ng aming sariling pahayag. "

"Kung gayon, maaari nyo bang anyayahan ang dyosa sa isang piging, nang mapag-usapan natin ito.?"

"Maaari po yun. Pero hindi pa sa ngayon sapagkat ang dyosa ay nakamasid sa mundo ng mga tao ayon na rin sa utos ng Bathala. Lilipas pa ang mahigit sampung taon bago sya magkakaroon ng kaunting pagkakataon upang tayo'y paunlakan."

Bumuntong-hininga ng malalim si Amang Aragon.

"Kung gayon, kailangan din nating maghintay pa." anang pantas na kinakabahan sa mga maaaring mangyari sa darating na panahon.


***

Nang gabing iyon, kausap ni Leandro ang kapatid na si Trisha.

"Alam kong kahit papano'y naniniwala sa akin si Amang Aragon. Subalit hindi na ako makababalik sa Himayas. Wala na akong pagkakataong kunin kay Erica ang orasan sapagkat nakipagpulong si Maraya sa hari at reyna ng Himayas at ngayo'y pati doon pinagbabawalan na akong pumunta. Kapag nakita daw nila ako'y ikukulong ako."

"Kuya, sigurado naman po ba kayong si Erica talaga ang kumuha noon?"

"Trisha hindi yan ang tamang tanong. Ang tamang tanong, ay kung totoo bang si Erica ang nasa katauhan nya ngayon at nagbabantay sa sanggol. Nakasisiguro ba silang sya yon? Ako hindi. Nakita ko sa mga mata nya. Hindi sya si Erica. At nakasisiguro akong bahagi sya ng mga balak ng dilim at ni dyosa Zindra."

Makikita sa mga mata ni Trisha ang labis na pagkabahala.

"Kuya, paano kung malaman ng dyosa na nakita mo ang mga ginawa nya? kuya pagnakarating ang lahat ng ito kay Zindra ay sigurado akong may mangyayaring masama sayo.Lalo na kay Virgo."

Pagkarinig noon ay parang binuhusan ng malamig na tubig si Leandro. Hindi nya naisip si Virgo. Hindi nya inalala ang magiging kapakanan ng anak. Noon din ay nakaramdam sya ng pangamba. takot. pagkabahala. Matagal syang nag-isip. Matagal na matagal.

"Ano na ang mga balak mo ngayon kuya?" ang mahinang sabi ni Trisha at noon di'y nakabuo ng desisyon ang dating punong mandirigma.


***

Sa kabilang banda, may tatlong diwata na noo'y naglalakbay patungo sa kaharian ng Himayas. Sila ay kakaiba sapagkat sila mismo, higit ang ibang Adlan, hindi nila alam ang kanilang pinagmulan; kung sino ang kanilang mga magulang, o kung sila ba'y mula sa anong angkan. Maraming naniniwala na sila'y anak ng mga dyos ngunit hanggang ngayo'y hindi pa ito napapatunayan. May mga nagsasabi ding sila ay mula sa mundo ng mga tao at pinagkalooban lamang ng kapangyarihan ng mga sinaunang engkantado. Mayroon ding mga naiinggit sa kanila, pagkat di tulad ng ibang Adlan, sila ay mga imortal.

Ngayon ay kailangan nilang magtungo ng Himayas upang makita ang anak ng Tiaramatri at magbigay pugay rito. Ginagawa nila ito isang beses bawat isang daang taon, sa tuwing may isinisilang na anak ng liwanag.

Ang tatlong diwatang ito ay sina Luntian, Lila, at Asul. Bagaman nagsimula na ang kanilang paglalakbay, aabutin ito ng labing-apat na taon sapagkat kailangan nilang manirahan ng isang taon sa bawat lupain na madadaanan nila. Bahagi iyon ng kanilang panata sa dyos ng pag-ibig at kabutihan na si Cronus. Nangako sila rito na bago pa marating at makita ang anak ng Tiaramatri, nakapagkawanggawa na sila at nakatulong sa labing-apat na angkan ng Adlania, subalit hindi kabilang dito ang mga naroong nasa dilim at di nasisikatan ng liwanag ng Tiaramatri. Minsan na nilang sinubok na puntahan ang mga ito, subalit binalaan sila ng dyosa ng dilim at pag-iimbot. At ang mga ipinapalabas ni Zindra sa mga Adlan ng dilim ay ang mga diwata mismo ang ayaw silang makita; na nakakadiri sila't nakakatakot. Nagpatindi ito ng galit ng mga nilalang ng kadiliman. Ni minsan ay hindi sila nabasbasan ng mga diwata.

Sina Luntian, Lila at Asul ay saglit na namahinga sa lilim ng isang punong nadaanan nila. Saka nagmaktol si Lila. "Bakit ba kasi hindi na lang natin tawagin ang mga agila para ilipad na lang tayo patungong Heron." tukoy nito sa unang lupain.

Hindi naman sya pinansin ng dalawa. "Nakapanaginip ako kagabi. Tinatawag mo raw ako Luntian, pero hindi sa pangalan ko. Tinawag mo akong Joyce. Anong uri ng pangalan naman kaya yun?" ang tanung ni Asul kay Luntian.

Nanlaki naman ang mga mata ni Luntian. "Ako rin! tinatawag mo daw akong Sandy! Napakakakaibang pangalan". At Napatingin silang dalawa kay Lila. "Ikaw ba? nanaginip ka rin?" Nakangangang tumango-tango ang tinanong. "At Anong pangalan ang tinatawag namin sayo sa panaginip?"

Matagal na nag-isip si Lila at sinabing, "Stephanie."


RiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon