Chapter 36

69 8 0
                                    

Galit na galit si Zindra nang makita ang pagkatalo ng mga angkan ng dilim. Nasa isang tagong lugar sya ngayon sa Himayas at kanina pa nya pinapanuod ang nagaganap na digmaan. Nararamdaman nya ngayong may mga paparating sa kinaroroonan nya. At bago pa man nya gamitin ang kapangyarihan upang makita't malaman kung sino ang mga iyon, nagitla sya nang biglang tumambad sa harapan nya ang dyosa ng liwanag na si Odessa, at lalo nyang ikinagitla nang makita kung sino ang kasama nito. Noon din ay agad syang napaluha. Ngumiti naman sa kanya si Odessa at bahagya pang nakatago sa likod nya ang nahihiyang dalaga. "Oo Zindra. Narito nga sa harapan mo ang iyong anak na si Luna. . .at tulad mo, labis din ang pananabik niyang magkatagpo kayo. Bagaman natatakot syang baka hindi mo sya tanggapin. Hinatid sya sa akin nina Isidor kanina. Sina Aragon, Ria, Virgo at tatlong mga diwata ang nagdala sa kanya dito sa Adlania. Marapat na magpasalamat ka sa kanila."

Hindi makapagsalita si Zindra. Pakiramdam nya ay muli syang nabigyan ng dahilan upang magpatuloy sa mga totoong naisin nya sa buhay at hindi na kabilang doon ang kasamaan. "Sige na Zindra. Hawakan mo na siya. . .yakapin mo na sya." ang pag-uudyok ni Odessa. Nanginginig ang mga kamay na hinaplos ni Zindra ang mukha ni Luna at tuluyan syang napahagulgol ng iyak. "Totoo ka nga..totoong nandito ka." Agad naman syang niyakap ni Luna at napaiyak din ito. "Ina. . .akala ko sa pangarap lang mangyayari to. Ina pangako po hinding hindi na tayo magkakalayo. Hinding hindi na kita iiwan." Hindi pa rin makapagsalita si Zindra at mas hinigpitan nya ang pagkakayakap sa anak. Ilang sandali pa'y muli nyang hinaplos ang mukha ng dalaga at sinabing "Luna, anak. . .patawad kung napabayaan kong alipustahin ka ng mga tao. Patawad kung hindi kita naipagtanggol. Mahal na mahal kita anak. Mahal na mahal!". Naluluha na rin si Odessa habang pinapanuod ang mag-ina. Alam niyang babalik na ang dati'y magiliw at mabuting si Zindra. 

***

Naging maayos na ang lahat isang araw matapos ang malaking digmaang iyon. Ang mga minsa'y tinawag na mga Adlan ng dilim ay mga Adlan na rin ngayon ng liwanag. Binahagian sila ng malawak na lupain sa Adlania at ang ninananais nilang kalayaan upang makihalubilo sa iba pang mga adlan ay ipinagkaloob din. Naging mas matayog at mas maliwanag naman ang puno ng Tiaramatri. Iyon din ang araw na magpapaalam na si Ria sa lahat. Nagkakatipon ang napakaraming Adlan sa palasyo ng himayas ngayon upang magpasalamat at magbigay-pugay na rin sa paglisan ng anak ng liwanag. Sa gitna ng pagsasama-samang iyon ay nangungulila ang lahat lalo't higit si Ria para kay Virgo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nya nakikita't nakakasama ito. Wala ring makapagsabi sa kanya kung nasaan na ang binata. Labis na ikinalulungkot iyon ng puso nya. 

Naluluhang nagsimula nang nagpahayag ng pamamaalam si Ria. " Maraming maraming Salamat sa inyong lahat. . .sa pagtitiwala ninyo sa akin. . .sa pagmamahal. Kina Amang Aragon, Luntian, Lila at Asul, Amang Leandro, Trisha pati na rin kina Isidor at Indigo,  Salamat dahil sinamahan nyo ako laban na to mula umpisa hanggang sa huli. Salamat sa mga magigiting na Adlan na nagbuwis ng kanilang buhay para sa kapayapaan ng mundo..sila ay marapat lamang na habambuhay na parangalan. Dapat din na magpasalamat tayong lahat kay Bathala na syang nagbigay sa akin. .sa ating lahat ng lakas at determinasyong kinailangan natin. Malaki rin ang aking utang na loob sa mga dyos at dyosang naging bahagi din at naging malaking tulong sa ating misyon. Salamat. . .lalo't higit sa lalaking naging kasama ko magmula sa pagkabata, syang nagturo sa akin ng maraming bagay at syang nagbukas ng mga mata ko upang makita ang liwanag kahit na labis labis na akong nawawalan ng pag-asa. Sya, na sa tuwing natatakot ako ay laging nandyan para hawakan ang mga kamay ko at magbibigay ng lakas ng loob na kinakailangan ko. Sya na bagaman minsan kong kinalimutan ay hinding hindi pa rin sumuko at lagi akong binabantayan. Mahal na mahal kita Virgo. . .nasan ka na ba? Hindi mo man lang ba ako yayakapin sa pag-alis ko? Hindi ka lang man ba kakaway habang papalayo ako? Virgo hinding hindi kita makakalimutan...mabura ka man sa ala-ala ko...hinding-hindi sa puso ko." at tuluyan nang naiyak si Ria. Naiyak din ang mga Adlan na noo'y taimtim na nakikinig sa kanyang mga salita. 

Pinunasan nya ang mga luha, malalim na bumuntung-hininga at muling nagsalita. "Sa pag-alis ko, isisilang ang bagong anak ng Tiaramatri. Nawa'y maging liwanag nyo sya ano pa man ang mangyari sa hinaharap. Paalam Adlania. Paalam mga minamahal kong Adlan. Ang pagmamahal ninyong lahat ang baon ko sa pagpaparoon ko sa kabilang mundo. . .mahal na mahal ko kayo. " Noon di'y naglaho si Ria at sa kaninang kinatatayuan nya ay lumitaw ang mga makukulay na paru-paro, parami nang parami ito at nagsabog ng mga napakagaganda at mumunting mga bulaklak sa mga Adlan na naroon. Batid ng bawat isa, kailanman ay hinding hindi nila makakalimutan ang isang anak ng liwanag na nag-iwan ng di malilimutang ala-ala. Sa kanilang puso't isipan, nakaukit si Ria. 

***

Malugod na yumukod si Zindra kay Bathala at nilisan ang banal na templo. Noon din ay ibinigay nya ang mensahe sa kanyang katagpo ng araw na iyon. "Malaki ang tinatanaw ko na utang na loob sa kabutihan mo. At nagagalak akong ipaalam na pumayag si Bathala sa hiling ko para sayo." Napangiti ang kanyang kausap at ngumiti rin si Zindra saka ibinigay ang huling bilin. "Sana'y magiging masaya ka sa bago mong mundo Virgo. Malawak at magulo ito subalit batid kong tadhana ang magtatagpo sa inyo. Mabura man ang mga ala-ala ninyo ni Ria, hinding hindi ang pagmamahal ninyo para sa isa't isa."

***

RiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon