Chapter 3

182 16 0
                                    

***

Nang gabing yon, hindi na natiis ni Ria, lumapit sya kay Divine. "Tita, kayo po yung kumuha sa 'kin nun sa bahay 3 years ago, pero ni minsan po hindi nyo naikwento sakin kung bakit namatay si Mommy o kung totoo po bang patay na talaga sya?" parang nanunumbat ang boses na tanong nya at tulirong napaupo sa sofa ang kausap.

"Hindi. . .hindi mo naman kasi kailangang malaman anak. May mga bagay na kailangan na lang nating paniwalaan. . .tanggapin."

"Pero tita. . .karapatan ko po yun. Anak nya po ako!" Umiiyak na sya ngayon.

Hindi ito ang unang beses ng kinulit ni Ria ang tita nya. Makailang ulit rin, at paulit-ulit syang tinatanggihan nito.

"Tita. . .malaki na po ako. Maiintindihan ko na po. Maiintindihan ko na po."

Matagal na hindi kumibo si Divine. Nakatingin lang ito sa kawalan saka sya tiningnan at hinaplos sa mukha. Huminga ito ng malalim. . .

"Ria, bago nawala ang mommy mo, lumapit sya sakin. Inamin nya sakin na meron syang anak, at labing-anim na taon ka na nyang tinatago. Nabigla ako nun. Sobra. Pito kaming magkakapatid pero espesyal na espesyal ang trato nina mama at papa kay Susan. Matalino. Maganda. Desente. Successful. Nung nalaman ko yun mula sa kanya, biglang nag-iba ang pagtingin ko kay ate. Sabi nya, wala daw syang ibang pinagsabihan. Ako lang. Lihim lang daw namin yon. May pupuntahan daw kasi syang napakalayong lugar at kapag hindi sya nakabalik sa loob ng tatlong araw, ibig sabihin daw ay patay na sya. Hindi ko alam kung anung gagawin ko nun. Ayaw ko syang paniwalaan. Natatakot ako. Pero umalis nga sya. . ."

Saglit itong huminto sa pagkukuwento, umiyak nang husto, saka nagpatuloy. "Naghintay ako na matapos ang tatlong araw. Hindi nga sya nakabalik.Takot na takot ako. Nung ikaapat na araw, maaga pa'y ginising ako ni Laida. Sabi nyay may napakalaking kahon daw sa harap ng gate namin. At sabi daw nung naghatid ay para sakin daw talaga yun. Nagmamadali akong lumabas. At nandun nga yung kahon, nakagift wrap pa, at may nakadikit na card, "To my sweetest sister- Love, Susan"

"Kasama ng tito mo,binuksan na namin ang kahon, at gulat na gulat kaming lahat sa laman nito. Nawalan ako ng malay at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari."

"Ano po bang laman ng kahon Tita?" nanginginig ang boses na tanong ni Ria.

"Patay na katawan ni Susan...para syang nilapa ng kung anong halimaw. . .nakalabas ang lamang loob nya at wala syang mga mata. . ." at muli'y umiyak ito. Natulala naman si Ria. Magkahalong galit, pangungulila, at takot ang nararamdaman niya.

"Mahal na mahal ka ng mommy mo Ria. Bago sya umalis bilin nya sakin na alagaan ka at wag na wag kang dadalhin sa labas. Delikado daw para sayo. Patawarin mo daw sya sa lahat ng mga nagawa nya sayo. Yun daw ang dapat. Gusto nyang ikulong rin kita at pumayag ako nun sa gusto nya. Pero nung makita kita Ria, nung makita ko ang napakaliit na mundo mo, awang-awa ako sayo. Karapatan mong mamuhay ng normal. Karapatan mong maging tao. Kaya sinubukan kitang ilabas ng isang taon. Wala namang masamang nangyari at nakikita ko kung gaaanu ka kasaya. Kaya alam kong tama ang naging desisyon ko."

Mahigpit na niyakap ni Ria ang tita nya. "Salamat po" ang tanging nasabi nya at dahan-dahang tumayo, tila wala pa sa sariling bumalik ng kwarto at doon, umiyak nang umiyak hanggang sa nagsisisigaw na sya sa sobrang sama ng loob na nararamdaman.


***

11:00 pm


"Ria, nagriring yung phone mo."

Nagising naman si Ria at tinatamad na pinatay ang phone.

"Sino yun?" tanong ni Steph.

"Ewan. dis-oras na ng gabi kung tumawag."

"Naku Ria, baka si Lance yun." sabi ni steph na nakangiti pa.

"I-on mo ulit yung phone mo. sige na dali." sabi pa nito.

"Ikaw na mag-on. Ikaw na rin kumausap kung gusto mo."

"Naku pahard to get." pagmamaktol ni steph habang ini-on ang cellphone ng pinsan.


Maya-maya pa'y nagring nga ulit.

Nagmamadaling nireceive ni steph ang tawag at inilagay sa tenga ni Ria ang phone. "Sagutin mo." Bulong nito.

"Hello." malumanay ang boses ni Ria.

"Ria." ang sabi ng nasa kabilang linya at agad na napabalikwas ng bangon si Ria. Kilala nya ang boses na yun. Kilalang kilala nya.

"Mommy?!! Mommy!!" alam nyang imposible pero siguradung sigurado si Ria na boses yun ng kanyang ina.


***



RiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon