CHAPTER 14

438 10 8
                                    

CHAPTER 14


Nagising ako sa malakas na tunog nang cellphone ko. Ang aga-aga ang lakas makapambulahaw. Inaantok pa ako. Mapapatay ko talaga kong sino to.


Kinuha ko ang phone ko sa may bedside table. Tiningnan ko ang screen para malaman ko kong sinong impakto ang tumatawag.


Haaay.. gggrrrrr! Kierraaaaaaa.... "hel—- ", lagi nalang akong hindi pinapatapos? Nakakaloka..


"kyaaaaahhh.... Weng, komosta ang date niyo ni Furkan gabie?", ang lakas makasigaw!! ggggrrrr,



"Ano ba Kierra, hindi ako bingi, bakit ka ba sumigaw?", tss, paano niya nalaman ang tungkol sa date? Hindi ko naman sila sinabihan ah.


"Sorry naman friend, na excite lang ako nang malaman ko kay Lyca na nag.date kayo ni Furkan kagabi. Hehehe", ayon naman pala ei.. ang magaling at madaldal kong kapatid pala ang may sabi. Lagot ka sa akin mamaya Lyca.


"Hindi nakaka excite ang pagtawag mo Kierra. Inaantok pa ako. Pwede namang mamaya ko na sabihin diba? Magkikita naman tayo nang barkada diba? Hindi lang makapaghintay? Atat lang Kierra? Huh?", litanya ko sa kanya. Meron namang mamaya, ... sa buong barkada. Kaso sana wala akong balak ipaalam sa kanila. Kasi alam kong puro kantiyaw lang ang aabutin ko sa mga 'yon.


"'To naman oh, happy lang ako Weng. Pero sige, mamaya ah. Huwag kang ma.late.. heheh see yah!", kahit kelan talaga... hindi ko alam kong maswerte ako o malas sa mga kaibigan ko na 'to. Ngayon pa lang, maghahanda na ako nang speech para sa kanila.


Nakaupo lang ako sa kama habang iniisip ang nangyari sa date namin ni Furkan kagabi. Sobrang saya ko kagabi.


* flashback*


"Weng ... I want to kiss you.", gusto kong mahimatay sa sinabi niya. Juice colored! Kong saka sakali, siya ang first kiss ko. Ano isasagot ko?


Nakahilig lang ako sa balikat niya, hindi ako sumagot. Natatakot ako.


"I love you Weng, but if you're not ready yet, I'm still willing to wait.", parang kinikiliti ang tainga ko sa narinig ko sa kanya.... kinikilig ako...


"I love you too Furkan.", Tang na juice naman oh... Bakit ko ba nasabi 'yon? Okay! Mahal ko naman siya, mahal niya ako, ei bahala na nga. Gusto ko din naman maging masaya.


Inilayo niya ang mga kamay niya sa waist ko. Hinawakan niya mga balikat ko at pinaharap niya ako sa kanya. Nahihiya ako sa mga titig niya. Hinawakan niya ang pisngi ko, nakikita ko ang pagmamahal sa mga mata niya. Inilapit niya ang mukha niya sa akin....at ...at.... "one more time Weng, I want to hear those words again". Anak nang.... bakit ko pa uulitin? Narinig niya naman ah... haaay naku Furkan... akala ko pa naman hahalikan mo na ako... hehe atat lang?


"I said I love you t– ", hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang siilin niya ako nang halik sa labi.

Destined Chatmate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon