CHAPTER 39

422 9 16
                                    

HAPPY BIRTHDAY ELLIE. . .SALAMAT SA PAKAIN . HEHEH KAHIT UMUULAN, GO PA RIN ANG BARKADA!! MWAAAHHH HALABYU!!

--------------------------------------------------------------------


Weng's POV


Haaayyy.. . .fresh air. . It's been a month nung na ospital ako. Hindi ko akalain na mabubuhay pa ako. Akala ko talaga matitigok na ako ng gabing 'yon. Ang gabing iyon ang pinaka-nakakatakot na gabi sa buong buhay ko, hindi dahil sa takot akong mamatay kundi natatakot akong baka hindi ko na makita ang pamilya ko, ang mga kaibigan ko at si Chiquito. Pero mahal nga talaga ako ng Diyos, dahil hindi niya pinayagan na mag wakas ang buhay ko sa ganoon lang. Meron pa akong purpose dito sa mundo, iyon ay ang – mahalin si Chiquito. Naging sobrang protective na niya sa akin ngayon, lagi na niya akong kinukuha sa bahay papuntang opisina. Every lunch, pumupunta siya sa opisina para magkasama kaming kumain. Napapangiti ako tuwing magkasama kaming dalawa, kinikilig ako.


"nak, okay ka lang?", napapitlag ako ng marinig ko ang tinig ni Mama.


"Okay lang ako ma.Masaya lang. .", sagot ko naman sa kanya. .


"Mabuti naman kong ganoon nak. .May tanong ako nak.. ", kinabahan naman ako bigla kay Mama, sumeryoso bigla ei. .


"ano 'yon ma?",


"Alam naman natin nak na 27 years old kana. .", huh? Anong kinalaman ng edad ko ma? I know three more years nalang at mawawala na ako sa kalendaryo . .


"Ayaw mo pa bang mag-asawa nak?", muntik na akong mahulog sa kinauupoan ko. .


"Anong nakain mo ma at nagtanong ka ng ganyan? Gusto mo na yata mawala  ako dito sa bahay. .?", nakasimangot kong sabi sa kanya. .


Though, nag-uusap naman kami minsa ni Chiquito tungkol sa bagay na 'yan, kaso wala pa talaga siyang sinasabi. Ayoko naman maging atat noh. .I can wait naman. .


"hindi naman sa ganoon anak, kung pwede nga lang huwag kana mag-asawa eh. .", huh?


"Ang gulo mo ma..tinatanong mo kong wala pa ba akong planong mag-asawa, tapos after a minute, ayaw mo na akong mag-asawa. . Ano ba talaga ma?", naguguluhan tuloy ako. .


"Ay nak naman..kong pwede lang naman na huwag mag-asawa. Pero hangad ko din naman ang kaligayahan mo nak. Gusto ko din naman makita ang mga magiging apo ko sa'yo. Magandang lahi tayo eh. .", 'yon oh. . .heheh


"haha si Mama talaga oh. , syempre naman ma, gusto ko din makita ang magiging anak ko. Pero hindi pa naman kami nag-uusap ni Chiquito ng seryoso tungkol sa mga bagay na 'yan. .", which is, okay lang naman din sa akin. .As long as I have him.


"Mabait na tao si Chiquito nak. Iyan ang nakikita ko sa kanya. .Sana, kayo talaga hanggang sa huli. .",


"Sana nga Ma. .Magdilang anghel ka sana. .", niyakap ko si Mama. . It really feels good talking to her. .Gumagaan ang dibdib ko. .

Destined Chatmate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon