CHAPTER 24.1

445 11 10
                                    



Second day. Ang sakit nang katawan ko. Dahil na rin siguro sa mga pinag.gagawa namin kahapon. Nag-unat ako.. anong oras naba? 8am na pala.. tiningnan ko ang mga kasama ko.. langhiya.. si Misty nalang ang natira? Tulog mantika talaga...


"Nasaan kaya sila?", Tanong ko sa sarili


Napagpasyahan kong lumabas nang kwarto at pumunta sa kusina.


"Good morning", bati ko kay Ellie at Kierra na nagluluto..


"Sa wakas gising ka na Weng.. good morning... Coffee?", sabi ni Kierra sabay bigay nang isang basong kape? ..


"Nasaan sina Audrey? Kookie? Tori?",


"Para ka namang nag roll-call sa klase Weng.. heheh", tawang sabi ni Ellie..


"Sira!.. nagtatanong lang..", napangiti naman ako dun..


"Nasa labas sila.. Sina Kookie at Marco ay naglakad-lakad sa labas kasama si Audrey, para hindi naman malungkot si Drey.. Sina Tori at Rafael naman lumabas rin yon kanina, ewan ko kong nasaan.", nakangising sabi ni Kierra. Good mood yata ang mga tao ah...


"Sa tingin niyo ba may namumuong love team kina Tori at Rafael? Lagi nalang silang magkasama ah. ", sabi ni Ellie... uhhmm akala ko ako lang ang nakakapansin, sila din pala.



"Hintayin nalang natin na umamin si Tori. Napansin ko na unti-unting lumalambot na ang puso nun, hindi na masyadong amazona.", nakangiti kong sabi sa kanila...



"Kung aamin! Alam mo naman iyon.", uhmmm.. alam ko aamin 'yon. Hindi naman 'yon naglilihim ei...



"uhm, ang sakit nang katawan ko.", sabi ko sa kanila, habang inihahanda ko ang mesa para makakain na pagkatapos magluto..



"Naku, pareho tayo, pero hindi ko nalang iniinda para hindi mawala ang gana ko sa bakasyon na 'to.", - sabi ni Kierra na patuloy na nagluluto..



"Weeee, ang sabihin mo Kier, kasi anjan si Bren, nawawala ang sakit nang katawan mo kapag nakatitig na si Bren sayo. Hehe", namula naman si Kierra sa sinabi ni Ellie,. Heheh



"At ikaw talaga nagsabi niyan Ellie? Ahahahah anong say nang Peter at David mo?, isa kapa ei.. eheheh", tudyo ko sa kanya.. heheh . Oh natahimik din... heheh



"Hi Ellie, babes!", halos sabay kaming tatlo na napaigtad nang sumulpot si Peter sa kusina, kasama si Bren.



"Hi Kier..", bati ni Bren kay Kierra..

Destined Chatmate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon