CHAPTER 27

383 12 13
                                    



Limang araw na ang nakalipas nang umalis si Furkan, pero bakit hanggang ngayon hindi pa rin siya tumatawag o mag chat man lang sa skype. . .Gabi2x nalang ako nakatunganga sa harapan nang computer ko, minsan nakatitig lang sa kawalan.



Noong isang araw si Chiquito ang tumawag at nangumosta, syempre sabi ko ay okay lang ako, kahit na sa totoo ay hindi talaga – mejo malungkot. These past few days ay si Chiquito ang laging nakakausap ko sa telepono, minsan din pumupunta siya dito sa bahay o kaya sa opisina. . . kasi naman ang mga kaibigan ko sobrang busy. Busy sa trabaho at busy sa lovelife. Pero masaya naman ako sa kanila. . Lalo na kay Audrey! . .



Since napagkasunduan naming maging magkaibigan at kalimutan nalang ang nakaraan — though mahirap talaga kalimutan iyon, pero tumutupad naman siya sa usapan na maging magkaibigan kami.



Haay, anu na kaya ang nangyari kay Furkan doon? Sobrang busy ba talaga siya dun kaya nakalimutan niya akong tawagan man lang? Nakakalungkot naman. .



Heto na naman ako, nakatunganga at naghihintay kay Furkan. Sana naman mag online siya. . .


1 .


2 . .


3 . . .


*ting..


1 message received! Si Furkan. .



"Hi hon. . I've been so busy these past few days. I can't find time to go online. How are you?",



"hon, I miss you. .when will you come back?",



"soon. .", ang ikli naman yata nang mga reply niya.. busy nga siguro siya.. Okay na ako nito, atleast nag chat na xa. Hindi ko nalang ulit siya kukulitin. .



"hon, I know you're really busy, sorry for disturbing you. I'll just chat you next time, and please call me if you have time. . Okay? Sent!", okay na 'yon. Walang reply galing sa kanya – busy nga siguro.



Matutulog na ako, mejo gabi na rin. . . Pahiga na sana ako nang mag ring ang phone ko. Kinuha ko sa may mesa katabi nang kama ko. – si Chiquito! Ano naman kaya ang problema nang isang 'to? Sa buong linggo yata, tanging pangalan lang niya ang nandito sa call log ko. Tsk! Tuwing magkikita kami lagi lang nangungumusta, . .para naman akong may sakit niyan. Pero good thing naman, hindi niya sinisingit ang tungkol sa amin. Maganda na rin iyong kasi napapanatag ang loob at mejo nababawasan ang lungkot ko.



"hello?", bungad ko sa kanya. .


Destined Chatmate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon