Inaantok ako... sorry na kong may mga typo errors.... I love you guyz...
——————————————— ————————————-
Nasa Starbucks na naman kami para sa meeting namin para sa vacation-adventure na gagawin namin. Hinihintay namin ang boys.. habang naghihintay, naisip ko... , nang dumating si Chiquito, naging busy na rin si Furkan. Sabi niya may business daw silang e-o-open dito sa Pilipinas, kaya kailangan nilang mag.plano nang mabuti. Pumupunta naman si Furkan sa bahay kaya lang mejo nabawasan ang oras niya para sa akin. Lagi kasi niyang kasama sina Chiquito at Rebecka. Minsan sumasama na ang loob ko sa kanya, pero pinipilit ko ding intindihin siya. Simula noong nagkita kami ni Chiquito sa airport, hindi ko na siya nakita pa ulit. Noong inimbitahan ako ni Furkan na mag.dinner kasama sina Chiquito at Rebecka, tumanggi ako, sinabi kong may lakad kami nang barkada pero ang totoo – wala. Alam kong nararamdaman ni Chiquito ang pag-iwas ko sa kanya, kaya lang hindi pa ako handa na makita at makausap siya. Kung saka-sakali, ano ang sasabihin ko sa kanya? Aawayin ko ba siya? Magiging friendly ba ako sa kanya? Ano?
"Waaaahhhh... hindi ko na alam. Naguguluhan ako.",
"Hoy Weng, anong nangyayari sayo jan?, nasisiraan kana ba nang ulo? Naku kawawa si Furkan niyan, yong girlfriend niya siraulo...", sabi ni Misty. Sh*t, hindi ko namalayan na naibulalas ko na pala ang mga salitang sa isip ko lang sana. Tsk.tsk.tsk. Tanging si Kierra lang may alam na nagkita na kami ni Chiquito. Humiling ako sa kanya na huwag muna sabihin sa kanila.
"Weng, may problema kaba?", Tanong ni Audrey
"Oo nga Weng, bakit parang sobrang stress yang mukha mo?", segundang tanong ni Ellie,.. bakit sunod-sunod na tanong naman yan.... haaay.... ganito naba talaga ka pangit ang mukha ko..
"Nga pala Kier, kumosta yong pagpunta nyo sa airport? Gwapo ba yong kaibigan ni Furkan? Type mo ba?", tanong ni Misty. Tumingin ako kay Kierra and I gave her a Kier-huwag-mo-muna-sabihin-please look.
"Weng, I'm sorry. I think they need to know. Ayoko din naman nakikita kang ganyan. Tama si Ellie, stress kana tingnan.", napapikit ako sa sinabi ni Kierra.... haay Kierra naman ei..
"Wait? Anong nangyayari?", natahimik ako sa tanong ni Kookie..
"May hindi ba kami alam?," natahimik din si Kierra sa tanong ni Audrey. Alam kong gusto ni Kierra na magsalita ako at sabihin sa kanila..
"Wala bang sasagot sa inyong dalawa o gusto niyong ako ang magsalita!", naalarma ako sa sinabi ni Tori. Nagkatinginan kami ni Kierra. May alam ba siya?
"Wait, wait, wait.. May alam ka ba Tori? Ano 'to? Bakit kayo lang ang may alam? Bakit kami nagmumukhang tanga?", halos pabulyaw nang sabi ni Ellie. Madali lang talaga siya maubosan nang pasensiya ngayon.
"Actually, hindi ko alam kong tama ba ang kutob ko, pero gusto kong klarohin. Noong isang araw, nakita ko si Furkan sa may Blackbird restaurant sa Makati.", - umpisa ni Tori...
BINABASA MO ANG
Destined Chatmate [Completed]
Não FicçãoNaranasan nyo na bang ma-inlove …...... ….. sa Chatmate niyo?? Sana 'wag nyo nalang subukan.... masakit ei.. .from the skin, to the muscles, to the bones and to the heart. .. wasak na wasak ei.. Parang ang sarap batukan nang CPU, tsaka keyboard, t...