CHAPTER 31

345 8 13
                                    



Birthday ko pa, hindi pa tapos.


Kailangan ko munang alisin sa isip ko ang napag-usapan namin ni Furkan kanina.


Gusto kong magsaya sa birthday ko kasama ang mga kaibigan ko.


Maya-maya lang siguro ay darating na ang mga bisita ko. . Kailangan kong payapain ang sarili ko. .


Pagkatapos kasi naming mag-usap ni Furkan ay umiyak ako. Iyon bang iyak na – one hit lang – .



*tok. . *tok. . *tok. .


"Ate, baba kana. Nandito na ang mga bisita mo.", narinig kong sabi ni Lyca.


"Oo Ly, susunod ako.", sagot ko naman sa kanya. .


Inayos ko ang sarili ko. Just a simple dress – and that's it!.


Huminga ako nang napakalalim at lumabas na ng kwarto. .


Pababa na ako nang hagdan ng marinig ko ang kanilang kanta – birthday song – syempre! . Gusto kong maiyak sa galak pero pinigilan ko lang.


After all, maswerte pa rin ako, kasi nandito sila.


"Thank you everyone.", Para naman akong nag debut nito. . May mga gifts pa. .



"Happy birthday friend. . We love you. .", Isa -isa namang lumapit ang mga kaibigan ko at humalik sa akin. . And we did the famous 'group hug' . . .



Inaya naman nang iba ni Mama na kumain. . Nasa labas ng bahay ang handa kasi mas maluwang

doon. .


Lumabas na kami pagkatapos namin mag drama ng kaunti. . .


Masaya akong makita ang mga kaibigan ko. . Si Audrey, ayon kumakain kasama ni Joshua. .


Si Misty at Ellie  nasa isang mesa. . Sa pagkakaalam ko ei hindi pinapansin ni Ellie sina Peter at David. . Ang kulit kasi nitong si Peter, nadamay tuloy si David. .



Si Kookie at Marco lagi nalang nag dedebate. . Puro kasi mga matalino. . Bagay sila! Kaso lang, laging nagbabangayan. . 

Pero sabi nga nila. . The more you hate, the more you lust -- este-- love pala. hehehe. . .



Si Bren at Kierra, Tori at Rafael naman parang lalanggamin sa ka sweetan. . Tapos hindi pa umaamin ang mga 'to. . .


Si Mama naman. Napaka swerte ko sa kanya, napaka-maalaga, mapagmahal, maintindihin,

lahat2x na. .

Destined Chatmate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon